Chapter 10: Paano?

97 8 5
                                    

Nagising akong parang minamartilyo ang ulo. Luminga ako sa paligid. Nasa bahay na ako.

Kiss Moko Ganito😙

Stell: paano ako nakauwi?

Justin: ako din?

Josh: Ken and Pablo. Say thank you ah😤. Nakakahiya na naabala pa namin sila ni Micha. Para kayong mga bata kagabi. Sabing huwag iinom ng mabigat eh

Justin: HAYOP KA BAKIT HINDI MO KAMI INALAGAAN?!? NAKAKAHIYA KAY KEN AT PABLO!!!

Josh: ikaw pa galit kakahiya kayo

Justin: uy may nanahimik uy

Josh: sinasabunutan na kaya niya sarili niya? Manifesting

Hindi ko na sila nireplyan at hiningi kay Amira ang address at number ni Pablo. She gave it to me kaya inorder ko siya ng kaniya food. Sana di pa siya nag bebreakfast.

To: 09*********

Hi!! Thank you pala kagabi and sorry sa abala huhuhu. Sana tanggapin mo itong peace offering ko. Enjoyyy!

From: 09*********

Welcome:)). Nakarating na yung food, thanks din. So tuloy ba mamaya?

To: 09*********

Ang ano?

From: Pabsiwaps

Date. Inaya mo ako kagabi kaya nga nagulat ako sa pa-breakfast mo. Tuloy????

To: Pabsiwaps

ANONG GINAWA KO!? GRABE SORRY!!!

From: Pabsiwaps

Di tuloy:((

To: Pabsiwaps

Tuloy. 3PM

I was getting ready para sa coffee date namin ni Pablo. Ayaw ko sana kaso tatanggi pa ba ako sa biyaya? Masamang tumanggi sa grasya.

Pagkalabas ko ng bahay ay dumiretso ako sa work niya na malapit kina Pablo. Kaka-out niya lang sa work. I need to ask what had happened last night. San ko nakuha ang lakas para ayain siya sa isang coffee date.

"Kanina ka pa?" Napalingon ako sa umimik. Pogi talaga.

"Kakarating lang din, tara na? Dala ko ang car ko." I said.

"Tara na. Nagugutom na rin ako."

Pagkarating namin ay kaagad siyang umorder. Maraming inorder si Pablo habang coffee at pasta lang ako. Nagpalit pa kami ng drink dahil ayaw na raw niya ng fruit tea at gusto na daw ng kape ko.

"So...how did I ask you out again?"

"Sabi na nga ba eh, hindi mo tanda." He chuckled a bit then went to explain. "Well you got super drunk last night. Nakapag usap na tayo when I took you home. Sabi mo ay willing ka namang mag-try sa akin and I said na willing din naman ako."

"Pumayag ako?" I asked, still in shock. "So paano nga kita inaya here?"

"Actually hindi mo ako inaya. I just said that kasi sinabi mo nga kagabi na gusto mong sumubok. Here it is, first step. Getting to know. Hi, I'm Pablo." Sagot nito at inilahad ang kamay sa akin.

"Stellvester." Sabi ko at kinuha ang kamay niya.

After we had coffee ay gumala kami. Dumaan kami sa mga park pero puro lakad lang kami. It was a fun experience nga eh, hindi ako napagod habang kasama siya. Bitin pa nga ako sa oras na kasama ko siya.

"I had fun tonight, Stell." Sabi ni Pablo.

"Ako rin." Sagot ko. "Uuwi ka na ba?"

"Ayaw mo ba? Pwede mo naman akong pakiusapan. Hindi ako aalis kung ayaw mo akong umalis."

Ngumiti ako at binuksan ang pinto. "Dito ka na muna, di pa naman gabi eh."

"Kahit 7:30 na?" Pablo laughed. "Pero sige, pagbibigyan kita. Malakas ka talaga sa akin eh."

"Aba dapat lang, ako na ito oh."

I told him na kahit 30 minutes lang siya dito. Gusto ko lang talaga siyang makasama ngayon. I feel at peace with him here.

Only YouWhere stories live. Discover now