Chapter 8: Jealous

112 8 8
                                    

Kiss Moko Ganito 😙

Josh: arat samgyup @everyone

Justin: aba ginoong maria, bakit biglang may biyaya?

Josh: di ka kasali. Oi gising @Stell

Stell: g!! @Justin sundo

Justin: baduy niyo. Lalo na name ng gc

Josh: ikaw nag-set gago

Justin: ako ba? Ganda talaga name ng gc natin shet. Matalino talaga nag-set niyan.

Pumasok kami sa samgyupan ni Amira. Friend naming tatlo. Umupo kami sa may malapit sa bintana para maganda yung view. Lumilinga ako para humanap ng waiter pero nakita ko si Pablo na may kasamang lalake. Familiar siya. Tinignan ko kung may kasama sila kaso wala eh. Ubos ba nila yon?

Tinignan ko si Jah when he tapped the table.

"Bakit ka distracted?" He asked at tumingin sa tinitignan ko kanina. "Oh...he's taken."

Mukha silang sweet. Ang tamis ng tingin nung guy kay Pablo. Edi sana pina billboard niya diba?

Umorder kami ng soju dahil gusto nila akong lasingin. Di sana ako broken ngayon kaso may nalaman ako.

"I-apply sa Jak Roberto University! Major in Haha tulog nako may nalaman ako." Napayuko ako when Justin yelled that.

PINAGTITINGINAN KAMI!

Pero di niya man lang ako nilingon?

"Wala namang ganong major?" Josh said ero sinalpakan lang siya ni Jah ng karne.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Lalo na at mukhang masaya si Pablo sa piling nung guy na yon.

Sino ba siya? Inaagawan niyako ng spotlight.

"How is everything my babes?" Tinignan ko si Amira when she approached us. "Bakit malungkot ang beshy ko?" She asked at akmang tatumbling.

"May nalaman ang lola mo." Nakisakay si Jah sa trip ni Amira. "Mira, kilala mo yon?"

Langyaka Justin! Tinuro ba naman yung table nina Pablo!?

"Makaturo naman." Amira said at umupo sa tabi ko. "Oum, loyal customers ko yang mga yan eh. Si Pablo at si Jeremiah. Lima sila kanina eh, umalis lang agad si Gordon dahil may emergency at naghahanap naman si Ken at Micha ng balut. Nag-crave bigla si Micha eh. Ayaw nga sana ni Ken samahan kaso biglang paiyak na si Micha kaya ayun pumayag siya."

Tinignan ko si Josh nung nabanggit si Micha. Ang alam ko sila na. Bakas sa mukha ni Josh ang kaba when Amira said those things.

"Andito na ang dyosa!" Napalingon kaming lahat when Micha yelled. "Bumili ako ng balut, chicken spread at java rice."

Tinignan ko si Josh at pinapanood na niya si Micha. Don't tell me na may nangyari sa kanila? Bakit ganito kumain yung jowa niya?

"Mamaya papagkamalan na kitang buntis." Sabi ni Ken at binaba sa table nila ang dala nitong juice at donuts.

Pinanood namin na ilabas ni Micha ang donut at isawsaw sa juice.

"Michaella Heather!" Suway ni Pablo kay Micha.

"Buntis ka ba?"

Tinignan namin ng makabuluhan si Josh.

"Gaga hindi. Wala pang nangyayari samin. Gago ba kayo? Ganito talaga ako kumain."

"Sorry sanay kasi kaming kanin ang kinakain mo na binuhusan ng milo." Ken said.

Tumayo si Josh at nilapitan si Micha.

"Oh! Bakit andito ka, babe?" Tanong ni Micha at humalik sa pisngi ni Josh.

Di naman pala buntis, bakit kinakabahan?

"Balita ko may away sila kahapon kaya di makagalaw ng ayos ang lolo mo." Sabi ni Jah at pinanood namin sina Josh.

"Sabay na tayo later, okay? Dala ko yung sasakyan ko. Huwag kang aalis na hindi ako kasama." Josh reminded his girlfriend kaya tumango ito.

Nilipat ko ang tingin kay Pablo at nakita na nakatingin na siya sakin.

He smiled when he saw me then quickly turned to his friend again.

Ang sakit.

I was eating peacefully nung lumapit sa amin sina Micha. Mukhang tapos na silang kumain.

"Babe done na kami." Sabi ni Micha. "Hello, Justin! Mr. Ajero!"

"Stell." I said then smiled at her. "Masyadong formal ang Mr. Ajero."

"Okay. So, Stell are you better na?"

Tumango ako at sinubukang iwasan ang tingin ni Pablo. Hindi ko kinaya.

"Alis na kami, Micha. Goodbye." Sabi niya at hinatak si Ken at Jeremiah palabas.

"Bachelor in Silus." Bulong ni Jah habang binubuksan ang isa pang bote ng soju.

"Nagseselos ka Jah?" Micha asked. "Don't worry, walang gusto si Miah kay Ken."

"Ha? Di ako, gagi ka wala akong gusto kay Ken."

"Sus." Micha said kaya natawa kami. "Eh sinong tinutukoy mo?"

"Si Stell, nagseselos kay Jeremiah. Ano ba sila ni Pablo? Sagutin mo para sa peace of mind ng bata ko." Justin said.

"Walang sila pero gusto ni Miah si Pau. Nagtataka nga kami bakit kami kasama dito eh alam naming gusto lang kasama ni Miah sa dinner ay si Pau."

"Alam ni Pablo?" Josh asked.

"Nope. Pero di ko din alam, ang tagal naming wala ni Ken kanina eh. Baka nagkaaminan na."

"Pinapag overthink niyo naman yung nananahimik na." Justin said while looking at me.

Hindi ko sila pinakinggan at naka apat pang bote.

"Jah, iuwi mo na. Lasing na."

"Hibdi ako lasheng." I said.

"I can't. Tipsy pa ako." Saad ni Jah. "Ken.."

"Jesus, these children."

Only YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang