#HBAP 9

1.8K 71 19
                                    

WARNING: Contains RATED SPG. Kung medyo maselan ka, skip this chapter and wait/jump in to another chapter. Thank you, hun! :)

Sa sumunod na araw, kinailangan kong umuwi muna sa bahay upang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin para sa pag-aaral ko. Buti at nakuha ko na ang form 137 ko sa dati kong pinasukang High School kaya hindi ako masyadong napagod.

Pagkaayos ko ng mga credentials ko ay nagpaalam na ulit ako kina Tatay at Nanay para bumalik sa mansyon. Parang excited ako na ewan. Gusto ko ulit makita si Sir Grae.

Pagkarating ko sa mansyon ay agad akong dumiretso sa aking kwarto upang iayos ang mga gamit na kinuha ko sa bahay. Tumingin ako sa orasan na nasa ulohan ng kama ko. Alas singko na pala ng hapon at alas otso ako umalis kaninang umaga.

Naku! Buti kung kumain ng tanghalian 'yung alaga ko?

Sa naisip ay hindi na ako nagpalit ng damit at mabilis na lumipat sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Sir Grae. Hindi na ako kumatok kasi nasasanay na akong hindi ginagawa 'yun kapag pumapasok doon.

"Sir?" agad kong tawag pagkasara ko ng pintuan.

Walang sumagot. Tahimik ang kwarto. Wala din si Sir Grae sa kama niya pero gusot ang kumot, senyales na galing ito doon.

"Sir Grae?" ulit ko at dahan-dahang naglakad papasok. Nang makagitna ako sa malawak na kwarto ay narinig ko ang tunog ng tubig na bumabagsak. Lumingon ako sa direksyon ng banyo. Nakabukas ang ilaw at bahagyang nakaawang ang pintuan.

Dahil curious (at gusto ko ring masilipan ang amo ko) ay tahimik at dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng banyo. Habang papalapit ako doon ay lumalakas ang tunog ng tubig at parang may humahalong ibang tunog.

Teka, ungol ba 'yun?

Mas lalong nagkarerahan ang mga daga sa dibdib ko sa bagay na pumasok sa isip ko. Hindi kaya.. Oh my g! Hinawakan ko ang doorknob ng banyo. Tahimik at halos hindi na ako humihingang sumilip sa loob para lang mapanganga sa makita.

Si Sir Grae, kahit nakatalikod siya ay alam ko ang ginagawa niya. Nakatukod sa pader ng banyo ang kaliwang kamay niya habang nakayuko siya at bumubuhos ang tubig sa ulo niya. Ang kanang kamay naman niya ay nasa harapan niya at gumagalaw paatras at abante.

"Ummp-" agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang mga palad ko upang hindi tuluyang lumabas ang tinitimpi kong pagkagulat.

Umangat ang ulo niya at mabilis na umikot dahil narinig niya 'ata ako. Agad naman akong tumakbo palayo sa pintuan, tuloy-tuloy hanggang sa makalabas ako sa kwarto niya. Sumandal ako sa pintuan pagkasara ko habang humihingal ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili doon hanggang sa napagpasyahan kong muling pumasok.

Sumilip muna ako sa loob. Napalunok ako nang makita kong nakaupo sa kama niya si Sir Grae.

"S-sir?" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon.

Agad na sumeryoso ang mukha niya at nagsalubong ang kilay niya. "Halika ka nga rito!" sabi niya. Naku, parang galit 'ata. Napakagat-labi ako pero napilitan naman akong lumapit sa kanya.

Nang makalapit ako ay atubili akong tumabi sa kama niya. Pero inilahad niya ang kanyang kamay. Tiningnan ko muna iyon saka muling tiningnan ang mukha niya. Seryoso parin siya.

"Hold my hand," sabi niya.

"Ba-bakit po?" tanong ko pero mas lalo lamang nagsalubong ang mga kilay niya senyales na mas nadagdagan ang inis niya.

"Just do it!" Napapitlag ako. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Nang maglapat ang mga palad namin ay agad nag-close ang palad niya at malakas na hinila ako palapit sa kanya.

Hindi Bulag Ang Pag-ibigOù les histoires vivent. Découvrez maintenant