#HBAP 12

2K 74 21
                                    

Lumipas ang isang linggo at dumating ang araw bago ang araw na papasok na ako sa school. Pero bago 'yon ay kinausap naman ako ng lalaking amo ko, si Don Ian. Muli niyang kinumusta ang kalagayan ni Sir Grae. Muntik na nga siyang naghinalang may namamagitan hindi nakakatuwa sa amin ng anak niya dahil hindi ako nakakasagot nang maayos kapag tungkol dito ang tinatanong niya.

Binigyan pa niya ako ng pambili ko daw ng mga bago kong damit at mga gagamitin sa school. Tumanggi ako nung una dahil malaki na nga 'yong singkwenta mil na sweldo ko ay sila pa ang magsho-shoulder sa mga gagamitin ko sa school.

Kahit ayokong tanggapin ang pera ay ipinilit parin niya. Bonus ko daw dahil sa pagtatrabaho ko ng maayos. May nag-fyok na naman daw kasing katulong tungkol sa paggupit ko kay Sir Grae noong nakaraang araw. Kung malaman ko lang sino ang chikadorang katulong na 'yon.

Pero ang hindi alam ni Don Ian ay may iba na akong trabahong ginagawa sa anak niya. Well, actually si Sir Grae ang laging nagtatrabaho kapag ganung nangalabit siya. Oo, sumuko na ako. Nagugustuhan ko na. Nalilibogan na ako sa simpleng pagdila-dila niya sa leeg at tenga ko. Pumapayag na ako nang walang kontra kapag ginusto niya. Bakit pa kasi ako aayaw eh nasasarapan din naman ako?

Nakailan ba kami sa loob ng tatlong araw? Ah, hindi ko na mabilang. Hihi. Masyado kasi siyang ganado.

Nang makapag-shopping ako ng ilang pair of shoes, pants, mga damit at notebooks ay umuwi din ako agad sa mansyon. Hindi na kasi ako nagpahatid kanina sa driver kahit willing si kuya na ipag-drive ako. And speaking of that man, kinumusta niya ako tungkol sa aming pustahan, kung kinakaya ko pa raw ba ang pag-aalaga sa binatang amo namin?

Ngumisi lang ako. Sa loob-loob ko ay sinasabi kong nag-eenjoy pa nga ako. Pero sa halip ay sinabi ko nalang na kakayanin ko parin kahit mahirap. Ang loko, parang tuwang-tuwa dahil feeling niya mananalo siya.

Pagkarating ko sa mansyon ay dumiretso ako sa kwarto ko at iniayos ang mga pinamili ko. Ang mga damit naman ay muli kong inilabas para labhan. May nakasabay akong naglalaba sa labahan na isang katulong. Sa tingin ko ay nasa late twenties na ito, babae.

"Hello!" bati niya habang hindi tumitigil sa paggusot ng hawak niyang damit habang sa tabi niya ay may apat na nakahilerang washing machine. Umaandar ang dalawa. Bakit pa siya naggugusot eh ang daming washing machine?

Napatigil ako nang ngumiti siya na para bang narinig niya ang inisip ko. "Ayaw kasi ni Ma'am Nicole kapag nakakakita siya ng mantsa. Kaya 'yong mga may mantsa ay kinakamay ko at ang iba naman ay diyan.." sabi niya at inginuso ang mga machine.

"Aahh," 'yon lang ang lumabas sa bibig ko. Nilabhan ko na rin ang mga damit ko at ang nakakatuwa ay may dryer na rin 'yong washing machine kaya nakuha ko rin ang mga damit ko na tuyo.

Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos akong chikahin ni ate. Myra daw ang pangalan niya. Alas tres na ng hapon, pero ayoko munang puntahan 'yong alaga ko dahil paniguradong hihirit na naman. Hindi ako nagbibiro. Sa tatlong beses kong pagpasok sa kwarto niya ay limang beses siyang mangalabit. Gusto ko nang isiping may pagka-nympho siya. Over na kasi.

Para hindi ako matuksong pumasok sa kwarto niya ay pinilit kong tapusin ang binabasa kong libro. Hindi ko namalayang nakaidlip ako nang matapos ko ito. Nagising lang ako nang may kumakatok sa pinto.

Hindi pa ako nakakabangon ay bumukas na ito at sumilip si Madame Lilet. Nang makita niyang nakahiga pa ako ay pumasok na siya.

"Hoy, vahkla. Anong drama?" tanong niya. Umupo siya sa kama ko. Bumangon naman ako at saka umupo. "Masyado ka bang pinapagod ni boss?" tanong niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan ako, alam niya ba?

"H-ha?" 'yon lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ha ka diyan. Hindi mo na kailangang magkaila, vahkla ka. Nakita ko kayo," parang may panunudyong saad niya. Napalunok ako. N-n-nakita niya kami? Oh.. my.. g.

Hindi Bulag Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon