#HBAP 20

1.5K 54 21
                                    

Hindi ko alam kung ilaw araw na akong naka-confine sa ospital. Araw-araw ay lagi kong kinukumusta si Nikki kina Kuya or kaya ay kay Daddy. Maayos naman daw siya. Gising na daw siya pero hindi parin nakakapagsalita.

Masaya ako na gising na siya pero may halong pag-aalala dahil sa kanyang kalagayan. Huwag naman sana siyang nasasaktan ng sobra. Putang-ina naman kasi eh, ba't ang tagal kong lumakas? Kapag sinusubukan kong bumangon, nahihilo naman ako.

Isang araw, nagising ako nang maramdaman kong parang may humalik sa pisngi at noo ko. Agad akong dumilat. "Nikki?" tanong ko pero walang sumagot. Parang may humakbang palayo, palabas sa silid na kinaroroonan ko.

Inulit ko ang pagtawag sa pangalan niya pero wala paring sumagot. "Nikki, ikaw ba 'yan? Huwag kang umalis," pakiusap ko. Hindi ako sigurado pero may kutob akong si Nikki nga ang humalik sa akin. Kabisado ko ang pakiramdam kapag dumadampi ang mga labi niya sa kutis ko.

Wala paring sumagot, bagkus ay lalong tumahimik sa loob ng silid.

Sinubukan kong tumayo pero napadaing ako nang makaramdam ako ng kirot sa likod ko. Maging ang mga karayom na nakasaksak sa kamay ko ay ramdam ko rin kaya kumikirot na ang kamay ko.

Bumilis na ang tibok ng puso ko. Teka, bakit aalis si Nikki? Bakit hindi man lang niya ako kinausap? Kinakabahan ako. Hindi siya pwedeng umalis. Hindi siya pwedeng umalis, 'tang-ina!

Dahil desperado akong habulin siya, kinapa ko ang mga karayom na nakatusok sa kamay ko at tinanggal ko ang mga iyon. Humihingal ako dahil pinipilit kong huwag mapahiyaw sa sakit na nararamdaman ko sa likod ko.

Tuluyan na akong bumangon at bumaba sa kama. Napasinghap ako nang lumapat ang mga paa ko sa malamig na sahig.

"Nikki," tawag ko sa kanyang pangalan sa paraang para na akong nakikiusap. Para na akong mababaliw lalo't tuluyan nang tumahimik sa loob ng silid.

Nang sinubukan kong humakbang ay bigla akong natumba dahil parang naging gulaman ang mga binti ko. Nanghihina ang mga ito. Tuluyan na akong napahiyaw dahil sa sakit.

Hindi nagtagal ay narinig kong pabiglang bumukas ang pinto ng silid ko at may mga mabibilis na yabag. Sumunod ay may humawak na sa akin at itinayo ako.

"Graeson! What were you thinking?" pagalit pero may halong pag-aalala na bulalas ni Daddy. Marami akong nararamdamang presensiya pero nasisiguro kong wala sa kanila si Nikki. Asan na 'yun? Hindi siya pwedeng umalis, sabi eh!

Ipinahiga ako ng mga may hawak sa akin. Siguro ay mga nurses ang mga ito.

"Si Nikki? Nasaan si Nikki?" tanong ko.

"What?"

"Where is he? Alam kong nandito siya kanina bago kayo pumasok!" halos pabulyaw na rin akong magsalita because of frustration.

"Nikki wasn't here! For Pete's sake Graeson, you're thinking too much about him. Paano siya makakapunta dito kung nasa kabilang silid siya at nagpapagaling palang?" sabad ni Daddy, pero hindi ako kumbinsido. I know, at hindi ako nagkakamaling si Nikki ang nandito kanina.

"You're lying, Dad! Alam kong magaling na siya at siya 'yung pumasok kanina dito. Bakit ba nagsisinungaling kayo sa akin?" tanong ko na may halong pagtatampo. Alam ko at ramdam kong hindi na siya nagsasabi ng totoo.

"I am not lying, Graeson. Now rest. Free your mind, dahil bukas ay operation mo na," sabi ni Daddy at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay dalawang emosyon ang magkasabay na dumaan sa dibdib ko. Excitement at takot.

Hindi na ako nagsalita. Inaasikaso na ako ng mga nurses. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Operasyon na ng mga mata ko bukas. Makakakita na kaya ako? Makikita ko na ba si Nikki?

Hindi Bulag Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon