CHAPTER 8

260 30 7
                                    


MAEVE looked at the full moon. Ang laki ng buwan at napakaliwanag nito. Pinakiramdaman niya ang buong paligid. Napakatahimik at tanging ang ingay lamang ng mga pang-gabing insekto ang naririnig. Lumingon siya kay Aziel na hindi pa rin gumigising. "Kailan ka ba gigising?" tanong niya.

Muling sumulyap si Maeve sa bilog na buwan saka niya isinara ang kahoy na bintana. Kinuha niya ang pana niya saka pinatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Matalas ang paningin niya kaya nakikita niya ang paligid niya.

Lumabas si Maeve ng bahay at tinignan ang buong paligid. Wala siyang maramdamang tao sa paligid kaya naman naglakad siya upang tignan ang paligid ng lugar na kinaroroonan nila ni Aziel. Kung sakali nga na may pumupunta ritong mga Rogue at nanggugulo, siguradong makikita niya ang mga ito. Hindi niya hahayaan na may Rogue na manggulo sa mga tao.

Habang naglalakad si Maeve sa paligid, nakita niyang halos lahat ng mga kabahayan ay nakasara. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil nakakatakot talaga ang ganitong lugar. Malayo sa syudad at wala ring paghingian ng tulong kung sakali kundi sila na lang ang magtutulungan.

Kung normal lang siyang tao malamang natatakot na siya sa ganito katahimik na lugar. Ang sobrang katahimikan ay may panganib na kaakibat.

Sa sobrang katahimikan, nagulat na lang si Maeve nang biglang tumahol ang aso ng isang kapit-bahay. Mabilis siyang nagtago at pinakiramdaman ang paligid. Siguradong hindi siya ang kinahulan nito dahil wala siyang amoy dahil gumamit siya ng hunter's perfume.

Napasinghap na lang siya nang marinig niya ang mga mabibigat na yabag na patungo sa lugar na kinaroroonan nila. She could sense their rage and scent. "Rogue..." she whispered.

Mabilis na humugot si Maeve ng palaso at hinanda ang kaniyang pana. Hinintay niyang makalapit ang mga mabibigat na yabag at hindi nga siya nagkamali dahil mga Rogue ang mga ito. Nasa anyong-lobo sila.

Anong gagawin nila? Tanong ni Maeve nang makita niyang nagpalit ng anyo ang mga Rogue. Are they...?

Maeve saw that a Rogue suddenly barged into one of the houses then later, she heard a woman screams.

The other Rogue then took some of the villager's belongings especially the animals. Maeve realized that werewolf sometimes eat raw foods to maintain their strength.

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang pana. She killed lots of werewolves and she regretted it because of the nightmares at night she always experienced and tried not to kill werewolf again but not this time.

Especially those who will hurt weak human. Binitawan ni Maeve ang palaso na hawak niya at humagibis ito patungo sa direksyon ng mga Rogue. Tumarak ang palaso sa lupa. Mabilis namang naalerto ang mga Rogue at tumingin sa kanilang paligid. Hindi madaling mapansin ang kinaroroonan ni Maeve kaya kampante siya na hindi siya makikita ng mga ito.

Tumakbo siya patungo sa bahay kung saan niya naririnig ang patuloy na sigaw ng isang babae. Sa pagkakaalam niya ito ay ang babaeng pamangkin ni Manang Letty. Maganda ito at mabait. She barged into the house and saw what the Rogue was doing.

"Napakasama!" Sinipa niya ang Rogue at sa lakas ng pagkakasipa niya rito, tumalsik ito palabas ng bahay.

Kinuha niya ang kumot saka mabilis na ibinigay sa babae. "Takpan mo ang katawan mo." Aniya saka lumabas.

"Wala ba kayong ibang alam na gawin kung hindi ang manggulo sa mga tao?" malamig na saad ni Maeve.

"Sino ka?!" maangas na tanong ng lobong sinipa niya.

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Maeve. "Wala ka na doon." Humugot siya ng palaso saka mabilis na pinana ang mga ito. Natamaan niya ang isa at agad itong natumba. No one can endure the pain of her arrow.

"Hunters!"

The Rogue growled and attacked her.

Umilag si Maeve. She jumped in the mid-air. At habang nasa ere siya, humugot siya ng tatlong palaso at pinana ang tatlo pang Rogue na natitira. Perpektong lumapat ang paa niya sa lupa at sa paglapat ng paa niya sa lupa ay siya namang pagbagsak ng mga kalaban niya.

Napabuntong hininga na lang si Maeve. "Kung sana pinili niyong naging mabuti hindi sana ganito ang inabot niyo." Aniya habang nakatingin sa wala ng buhay na katawan ng mga Rogue.

"Dito! Nandito sila!"

Napatingin si Maeve sa mga paparating. Ang mga kalalakihan ito ng nayon at nakahawak sila ng ilawan. Mabuti na lang at nakasuot siya ng maskara. Hindi siya nag-aalala na makilala siya ng mga ito.

Napatigil ang mga kalalakihan na may hawak na itak nang makita ang mga patay na katawan ng mga lobo.

"Ikaw..."

"Sino ka?" tanong ng pinaka-lider ng nayon, si Pinunong Agustin. Ito ang panganay na kapatid ni Manang Letty.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay ligtas kayo sa gabing 'to." Sumulyap si Maeve sa buwan. "Tuwing kabilugan ng buwan, nagiging mas malakas ang kanilang katawan. Ito rin ang panahon na kung saan sila ay nagpaparami." Sumulyap siya sa bahay ng pamangkin na babae ni Manang Letty. "Maganda at mabait si Freya, alagaan niyo siya."

"Salamat. Ngunit ano ka? Paano mo sila nagawang patayin?" tanong ng Lider.

"Isa akong hunter. Pumapatay ako ng mga lobo pero kahit ganun pa man. Alalahanin niyo na hindi lahat ng mga lobo ay masama. May ilan lang talaga sa kanila na lumihis ng landas." Sabi ni Maeve. "Sunugin niyo na lang ang katawan ng mga lobong 'yan." And with that she left them.

Nagkatinginan naman ang mga tao. Lahat ay iisa ang katanungan sa kanilang isipan. Kung sino ang nakamaskara na pumatay sa mga lobo na umatake na naman sa kanila.

Nang makabalik naman si Maeve sa bahay, mabilis siyang nagpalit ng damit at itinago ng maigi ang kaniyang pana. She looked at her trembling hands. "Not again..." Aniya.

Umupo siya at napasuklay siya sa kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri. Humugot siya ng malalim na hininga saka napatingin kay Aziel nang marinig niya ang mahina nitong pagdaing. Napansin niyang pinagpapawisan ito. Mabilis niyang nilapitan si Aziel.

"Aziel?"

Hinawakan niya ang kamay ni Aziel, napansin niyang pabaling-baling ang ulo nito. Sa paghawak niya ng kamay ni Aziel, napansin niyang kumalma ito. Ngumiti si Maeve saka binitawan ang kamay ni Aziel pero humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Don't leave..."

Maeve was surprised. For almost two weeks, Aziel speak with his soft-low voice.

Sinubukan ni Maeve na hilain ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Aziel pero mas lalong humigpit ang hawak nito. Napabuntong hininga na lang si Maeve saka hinayaan na lang na hawakan ni Aziel ang kamay niya. Kumuha siya ng bimpo saka pinunasan ang pawis nito.

Napatitig si Maeve sa mukha ni Aziel. Maamo ang mukha nito at talagang nahahanay sa bilang ng mga makikisig na lalaki. Natawa siya ng mahina saka napailing.

"Aziel, I think I'm already fond of you now."

But then Aziel suddenly mentioned a name that made Maeve stilled.

"Mia..."

Mia? Who is she?

Alpha AzielWhere stories live. Discover now