CHAPTER 11

449 30 14
                                    

MAHINANG napabuntong hininga si Maeve nang magising siya at makita si Aziel na nakatulala. Though she knew that he's blind now but you can still see his emotion in his face. Naawa siya kay Aziel dahil sa pagkawala ng paningin nito. She felt guilty about it even she's not the one who shot him with wolfsbane but she's a hunter. Kasamahan niya ang dahilan kung bakit nawala ang paningin si Aziel.

Since Aziel woke up, he just sat beside the window. Hindi ito umaalis sa kinauupuan nito at parang laging may iniisip na malalim. Maybe he was thinking on how he will lead his people now that he's blind?

Ngayon mas lalo pang nakonsensiya si Maeve.

Bumangon si Maeve saka inayos ang higaan niya sa lapag. Inilagay niya ito sa paanan ng hinihigaan ni Aziel. Hindi na siya umimik at dumeretso na lang siya sa maliit na kusina upang magluto. Simpleng pagkain lang ang kaya niyang lutuin kaya 'yon na lang ang niluto niya. Noodles and eggs.

Pagkatapos niyang nagluto, dinala niya ang mga ito sa mesa saka tinawag si Aziel. "Kakain na tayo, Aziel." Hahawakan niya sana ang braso nito upang igiya patungo sa mesa pero natigil ang kamay niya sa ere. She can't touch Aziel. Baka bigla na lang nitong tabigin ang kamay niya. She offered her hand. "Kung gusto mo ng alalay, hawakan mo na lang ang kamay ko."

Maeve was expecting Aziel to reject her offer but Aziel held into her arm.

Tipid na napangiti si Maeve saka dinala si Aziel sa hapagkainan.

"Pasensiya ka na. Hindi ako marunog magluto at simpleng pagkain lang ang kaya kong gawin."

Aziel only nodded his head and started to dig in his food.

Tahimik na kumakain ang dalawa. Hindi naman nagsasalita si Maeve dahil baka biglang magalit si Aziel. Isa pa wala naman siyang alam na sasabihin kaya naman tahimik na lang siya.

"Nasaan tayo?" tanong bigla ni Aziel.

Natigilan pa si Maeve dahil akala niya hindi siya kakausapin ni Aziel. Tumikhim siya. "Nandito tayo sa isang maliit na nayon. Malayo ito mula sa syudad. Masasabi kong ligtas tayo rito pero kailangan pa rin nating makasiguro."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Aziel.

"While you were unconscious, a group of Rogue attacked this village. I managed to kill them but the villagers didn't know it was me. I put my disguise."

Tumango si Aziel. "I didn't know that a hunter like you could also help other people."

"Lahat ng mga tao sa village na 'to ay tao at walang ibang nilalang maliban sa 'yo kaya kailangan nating mag-ingat mas lalo ka na. You're a werewolf after all." Seryosong sabi ni Maeve.

Kumakain lang si Aziel at hindi sumagot.

Tumayo naman si Maeve saka kinuha ang hunter's perfume. She sprayed the perfume to Aziel. "This is a hunter's perfume. Itatago nito ang amoy mo pansamantala."

Inamoy naman ni Aziel ang sarili. Wala na siyang maamoy sa sarili niya. He couldn't smell his werewolf scent. Now he understands why don't he couldn't smell Maeve's scent. She's been using hunter's perfume all along that's why I couldn't smell her scent.

"Bakit mo nga pala ko dinala sa lugar na 'to? Bakit hindi mo na lang ako hinayaan na makuha ako ng magulang ko?"

"I wanted to but if I left you with them... baka wala ka nga ngayon."

Kumunot ang nuo ni Aziel. "Anong ibig mong sabihin?"

"Like what I have said, I need to extract the poison in your body. I actually lost you but you came back to life." Nagkibit ng balikat si Maeve saka napatingin sa kaniyang kaliwang palad. The red wolf mark was still there. Hindi niya alam kung ano ito pero ang nagtataka siya kung bakit mayroon rin si Aziel sa kanang palad nito.

Alpha AzielWhere stories live. Discover now