CHAPTER 12

526 30 8
                                    

IT WAS a quiet night. Tahimik na nakaupo si Aziel sa labas ng bahay at pinapakiramdaman ang paligid. Though he couldn't see anything now, he could still hear. Mas lalo lang na tumalas ang pandinig niya ngayon na nawala na ang paningin niya.

It was a loss for him that he had no vision now. Gusto niyang bumalik doon sa pack nila pero paano? Paano niya haharapin ang magulang at ang mga pack members niya kung gayong hindi na siya nakakakita? How could he lead his people? How would he face them and lead them when he had no vision anymore?

Nasapo ni Aziel ang sariling mukha saka napabuntong hininga.

Maeve could see from where she stood that Aziel looked so down. Kumuyom ang kamay niya saka tumalikod. The more she looks at Aziel, the more she feels guilty.

Malalim na napabuntong hininga si Maeve saka tinitigan si Aziel. Plano niyang bukas pumunta sa kabilang bundok upang maghanap ng herbal na kailanganin niya upang makagawa ng gamot para kay Aziel. She's not an expert at making an antidote, but she will try her best to help him.

Bumaba si Maeve sa hagdan saka nilapitan si Aziel na nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Umupo siya sa tabi nito.

"Ang lalim yata ng iniisip mo."

Hindi tinugon ni Aziel ang sinabi ni Maeve kundi nagtanong siya rito.

"Gaano ka na katagal na hunter?" tanong ni Aziel.

"Hmm... ever since, as I remember," Maeve answered.

"All your life?"

Tumango si Maeve. "Hmm..."

Tipid na ngumiti si Aziel. "How did you start? At paano ka napunta sa hunter's organization?"

Sumandal si Maeve sa kinauupuan saka tumingin sa kalangitan. "How did I start? Since I was a kid. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta doon? Basta nagising na lang ako na wala akong maalala kung sino ako. I don't remember my name, my parents and everything."

"Wala kang maalala?"

"Wala."

"Then you're more miserable than I am," Aziel said.

Tipid lang na ngumiti si Maeve at hindi umimik.

Nanatili pa sila sa labas ng mga ilang minuto bago sila pumasok sa loob ng bahay pero pagpasok nila sa loob narinig nila pareho ang mabibigat na yabag na patungo sa kinaroroonan nila.

Nagkatiniginan ang dalawa.

"Rogue." Saad ni Aziel nang maamoy niya ang amoy ng mga ito na humalo sa hangin.

"Nandito na naman sila."

Mabilis na tinungo ni Maeve ang pinagtaguan niya nang kaniyang pana.

"Your weapon?" Aziel asked. "I could smell the wolfsbane on it."

"Yeah, it's my weapon. Wait for me here. Huwag kang lalabas." Sabi ni Maeve saka kinuha ang maskara at isinuot.

Lumabas siya sa likod ng bahay upang walang makakita sa kaniya. Naghanap siya ng pwesto na kung saan maging komportable siya sa gagawin niya. Nang makahanap siya ng magandang pwesto ilang sandali lang ang nakalipas nang marinig niya ang gulo sa paligid.

Mabilis na nagtungo si Maeve sa pinangyayarihan ng gulo. Nakita niya ang ilang kalalakihan na nakikipaglaban sa mga lobo pero walang-wala ang lakas ng mga ito laban sa mga lobo na sumugod sa nayon nila.

Humugot si Maeve ng palaso saka pinuntirya ang mga Rogue. Natamaan ang isang lobo sa dibdib nito at agad itong bumagsak. Naging alerto naman agad ang mga kasamahan nitong lobo. Muling nagpakawala si Maeve ng palaso at isang lobo na naman ang tinamaan.

Nagsiktakbuhan palayo ang mga tao pero hinabol sila ng mga lobo. Tumakbo si Maeve upang harangan ang mga Rogue. Mabilis ang kamay niya sa paghugot at pagpapakawala ng palaso. Nasa sampu ang mga Rogue na sumugod dito sa nayon. Hindi niya hahayaan na makaalis ang mga ito ng buhay.

Natuon na ang atensiyon ng mga Rogue sa kaniya. Nasa anyong-lobo pa rin ang mga ito pero halatang gusto na siyang patayin. They growled at her and showed their sharp teeth. Kung sa ibang tao man siguradong nakakatakot pero para kay Maeve na sanay ng makipaglaban sa mga Rogue, sanay na siya.

Umilag si Maeve nang talunin siya ng isang lobo pero isang kulay Gray na lobo ang bigla na lang lumundag mula kung saan at tinalon ang lobong sumugod kay Maeve. Nagpagulong-gulong sa lupa ang dalawa pero inapakan ng gray na lobo ang leeg ng Rogue kaya hindi ito nakagalaw.

"Aziel..." Maeve muttered.

Mabilis na gumalaw ang kamay ni Maeve upang panain ang isang Rogue nang makita niya ito na sumugod sa kulay abo na lobo.

Tinakbo ni Maeve at ang lobong si Aziel ang distansiya ng isa't-isa. Their backs faced each other.

"I told you not to come out. Why are you so stubborn?" Maeve scolded Aziel.

Aziel just growled and attacked their enemy.

Napailing na lang si Maeve saka sunod-sunod na nagpakawala ng palaso. Sa tatlong palaso na pinakawalan niya, tinamaan niya ang tatlong lobo.

Maeve grinned. She never missed an arrow. She looked at Aziel. Abala ito sa pakikipaglaban kaya hinayaan na lang niya ito. Though Aziel was still recovering, she was sure he could manage.

Nag-aalala si Maeve nang makita niyang kinagat ng isang Rogue si Aziel sa leeg. Tumakbo siya patungo kay Aziel saka mabilis na sinipa ang Rogue. Tumilapon ang Rogue ng ilang metro ang layo. The three remaining Rogues growled at them.

Agad na pinigilan ni Maeve si Aziel nang balak nitong sugurin ang mga Rogue.

"Don't be stubborn, Aziel. You're still recovering. Huwag mo akong bigyan ng sakit ng ulo. Dito ka lang." Sabi ni Maeve at siya na ang sumugod sa mga Rogue.

Aziel's wolf sat down. Though he couldn't see anything and all he could see was darkness, he could hear what was happening around him. Suddenly, he smells blood. Maeve?

Maeve was scratched by the Rogue. Pero mabuti na lang at hind isa mukha niya ang tinamaan kundi sa braso niya. Lumabas ang sariwang dugo mula sa sugat niya at naramdaman niyang humapdi ang sugat niya sa braso.

Ignoring the pain, Maeve took three arrows and aimed at the Rogue who was aiming to charge at her and when they did, Maeve let go of the three arrows. Tinamaan ang tatlong lobo sa dibdib nila at agad silang bumagsak sa lupa.

Bumalik ang katahimikan ng gabi. Ang mga mamamayan ng nayon na nagtatago ay unti-unting lumabas mula sa kanilang mga pinagtataguan. Nang mapansin ito ni Maeve agad niyang pinuntahan si Aziel upang protektahan ito.

"Umalis na tayo." Sabi ni Maeve.

Mabilis na umalis ang dalawa sa lugar at nagtungo sa kakahuyan.

Doon sila nagpahinga. Hinubad ni Maeve ang suot na jacket saka tinignan ang sugat niya na gawa ng mga Rogue. Wala siyang nadala na gamot para sa sugat kaya naman tiniis na lang niya ang hapdi nito. Pero natigilan si Maeve nang lapitan siya ng lobo ni Aziel saka dinilaan nito ang sugat niya.

They say that saliva can cure wounds. So, it was true. Maeve thought while looking at Aziel licking her wounds.

Tipid lang na ngumiti si Maeve saka inangat ang kaniyang kaliwang kamay. Dahan-dahan niya ito ipinatong sa ulo ni Aziel. Akala niya ayaw nitong nahahawakan but he let her pet him.

While Aziel is confused, he doesn't want to be touched by others, but somehow, he is yearning for Maeve's touch. Something's wrong with me.





A/N: Sorry, guys. Ngayon lang ulit nakapag-update sa story na 'to. Anyway, I have another werewolf story to recommend entitled "The Alpha King and His Luna" or you can search my pen name "Novie R." Nasa dreame po ito. Thank you. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alpha AzielWhere stories live. Discover now