Chapter Twenty seven

452 34 10
                                    

Tahimik akong naka-upo sa passenger seat. My thumb began fiddling on my nails. Sa sulok ng mga mata ko'y tinitigan ko ang katabi. Nakatutok ang mga mata nito sa daan at hindi ako nililingon. I know he's mad. Naka tiim bagang ito habang nagmamaneho at ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ang marahas nitong pagbuntong-hininga.

Hindi ko makayanan ang tensyon at nakabibinging katahimikan kaya tumikhim ako.

"W-where is Stefano? Did he... uh, tell you to pick me up?"

Saglit itong tumingin sa akin. Nag-tagis ang mga bagang.

Nagulat ako sa reaksyon nito. Teka, kaya ba ito naiinis dahil pinakiusapan siya ni Stefano na sunduin ako? Well he didn't have to kung masama pala ang loob nitong gawin iyon! Bakit parang sinisisi niya pa ako? Hindi ko naman siya inutusan na pumunta dito ah!

"He didn't ask me."

Natigil ang pagmamaktol ng isip ko.

"What do you mean he did not?" Nagtatakang tanong ko.

"Ako ang nakasagot ng tawag." He said in a clipped tone.

Oh... So he must have felt obligated to pick me up... Bigla akong nakaramdam ng hiya at lungkot. Siguro napilitan lang talaga ito.

"You could have just told Stefano..." Turan ko sa mahinang boses.

"He wasn't at the house at the time you called."

"Pero iyong cellphone niya—"

"Naiwan niya sa bahay."

"Oh..."

Isa pa ulit buntong hininga ang pinakawalan nito. Doon ako nainis. Why does that sounds like I've been a bother? Again, I didn't even ask him to pick me up!

Well you kinda did, girl. You didn't give him a chance to say anything over the phone, remember?

Napabusangot ako sa isiping iyon.

"What are you even doing there in the middle of the night?" Bigla ay turan nito.

"It's not the middle of the night. It's just eight pm."

"Dito sa probinsya ang eight pm ay gabing gabi na. Kung hindi ka nakatawag, tingin mo makakauwi ka pa sa inyo?"

I frowned. "You sounded like someone could suddenly kill me there."

"That place is dangerous, Katana."

"I-I don't think so..."

Talaga ba? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Isha tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya, Tana?

Oh, shut up mind!

"Bago ka lang dito and here you are, so quick to judge. Well let me tell you, Miss Arguella. Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito sa gabi. And here I thought natuto ka na sa nangyari sa iyo noong nakaraan." Wika nito na ang tinutukoy ay ang pagpunta ko sa dungeon sa kalagitnaan ng gabi.

Napalunok ako. I bit my lip. "I was just helping a kid go home..." Wika ko sa mahinang tinig.

"Alone?" He tsked.

"Ongoing ang review ni Kuya Camden. Hindi ko siya pwedeng istorbohin."

"And so you risked your life by coming here alone." Sarkastikong sabi nito. "Your habit of helping people is proving unsafe."

"Oh, come on. Sta. Ana has zero crime rate!" I argued.

"Well I'm not talking about human crime, Katana!"

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang