Chapter twenty three

1.2K 67 26
                                    

Tila ako tuod na nakatayo lang sa tapat ng dungeon. Kinuha ko ang cellphone at saka muling tinawagan si Stefano ngunit puro ring lang ang maririnig sa kabilang linya.

Why? Did he drop his phone or something? Bakit hindi ako sinasagot ng ugok na to?! Tinext ko ito kanina pero ang tinamaan ng magaling wala man lang reply kahit na isa!

"Aish! Bahala nga siya! Pagpyestahan siya ng mga multo diyan wala akong pake-alam!"

Tumalikod ako at akmang babalik ng mapatigil. Inis na napaungol na lang ako habang nakatingala sa langit!

Bakit ba kasi hindi mo kayang talikuran ang tawag ng konsensiya ha, Tana?!

Marahas akong humarap muli sa gate ng dungeon. Pinatapang ko ang anyo.

"Fine... I'll just go in there, drag his stupid ass out, then we'll go back. It's not that hard, isn't it? No, of course not."

Pinatapang ko ang loob. Mabilis kong nilapitan ang gate at saka binuksan iyon. Nagtaka pa ako kung bakit bukas iyon samantalang dapat ay naka-kandado iyon ng ganitong oras. I chuckled sarcastically to myself.

"Tsk. Siyempre binuksan ng ugok na iyon. He trespassed and now I'm trespassing. I'm doing a crime right now thanks to him." I gritted my teeth in annoyance. "Pag nakita kitang ugok ka..."

Naglakad ako papasok. Para akong baliw na napapapitlag at napapatingin sa kung saan saan sa tuwing makakarinig ng kahit na anong tunog o kaluskos sa paligid.

The moment your eyes meet with those eyes full of hate... hinding hindi ka na nila papakawalan. They will latch onto you... they will go wherever you go... they will haunt you... and they won't stop until you lose your mind or until you—

Shut up mind! Bakit ba pinipili mo ang panahong ito na ipaalala sa akin ang mga bagay na ganyan? Makisama ka naman please!

Huminga ako ng malalim. Sa nanginginig na tuhod ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Kalmahan mo lang ang sarili mo, Tana... Hindi totoo ang mga multo... Huwag kang OA... huwag kang praning..."

I kept myself vigilant and focused as I went inside the dungeon na tanging ang ilaw ng buwan at flashlight ng cellphone lamang ang gamit. Habang naglalakad ay pabulong kong tinatawag ang pangalan ni Stefano.

"Stefano...?"

I looked around me and then called his name again.

"Stefano...!" I whispered-yelled.

Great. Maririnig ka ba ng ugok na iyon Tana kung bubulong ka lang diyan? You should call his name and not whisper his freaking name if you want him to hear you, for goodness sake!

Why are you even whispering anyway? Afraid a ghost will suddenly jump in front of you and chase you with a machete or a chainsaw?

Inis na huminga ako ng malalim upang pukawin ang inis sa sarili!

Great! Just great!

Now the 'Wrong Turn' and 'Chainsaw Masaccre' movie is now dancing in my damn head while I'm in this godforsaken place!

"Those are just movies, Tana... Don't be so stupid!"

Everything was fine while I'm walking further inside. Nagbago lang ang timpla ko ng biglang makarinig ng kaluskos sa aking likuran. Ilang segundo akong tumigil at napalunok bago marahas na hinarap ang pinagmulan ng tunog at itinapat doon ang flashlight.

My face paled when I saw a silhouette of a person standing just a few feet away from me. I wasn't that sure if it was indeed a person so I looked at it real good. Parang masokista lang na pinakatitigan ko iyong mabuti na tila ba sinisigurong hindi ako namamalik mata lang!

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now