Chapter five

1.4K 69 4
                                    

Another day another life... Passes by just like mine.. It's not complicated..

Another mind... Another soul... Another body to grow old... It's not complicated...

Do you ever wonder if the stars shine out for you?

Float down... Like autumn leaves...

Hush now... Close your eyes before the sleep...

And you're miles away... And yesterday you were here with me...

"Hmmm... hmmm... hmm..."

"Tsk.. anong meron? Semana? Ba't pang-patay iyang tugtog mo?"

Liningon ko si kuya Camden na nagda-drive. Nakapangalumbaba ako sa bintana ng sasakyan niya. Nakababa ang bintana kaya kitang kita ko ang mga nagtatayugang mga puno sa magkabilang gilid ng daan. Umaambon kaya ramdam ko ang malamig na hangin at maliliit na patak ng ulan sa mukha ko. Just imagine the twilight movie whenever that vampire dude rides his car in the road. Ganoon na ganoon ang scenery— ang lakas maka-twilight zone lang ang peg.

"Makulimlim na nga at ang lungkot ng paligid, babanatan mo pa ng mga ganyang background music? Tindi din ng trip mo ngayong umaga ah."

Umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Bagay lang iyang kanta na iyan sa akin dahil kahit hindi pa makulimlim ang panahon, dati ng makulimlim ang araw ko everytime na pagpasok sa school."

Naalala ko na naman bigla iyong aura ni serious guy number one noong nakaraang araw. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako maka get over sa panlalamig na naranasan ko. Nakakapanginig. Nakakapangilabot.

"Ano? Teka teka nga, binu-bully ka ba ng mga kaklase mo?" Tumaas ang boses ni kuya Camden. Hindi ko namalayang nai-park na pala nito sa galid ng daan ang sasakyan.

Matagal akong hindi sumagot. I sighed afterwards. "No."

Inarok niya ako ng tingin. Tila tinatantiya kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Kuya, hindi nga." Pilit ko.

Nakahinga ito ng maluwag. Minaniobra na ulit nito ang sasakyan at mayamaya pa'y tinutunton na ulit namin ang kalsada.

"Then what's the problem?"

"Wala lang... para kasing hindi normal itong school ninyo. Kanya kanya ang mga estudyante. Alam mo yun? Parang hindi magkakakilala lahat. Kahit nga sa classroom namin, kanya kanyang grupo. Parang hindi sila magkaka-klase ng ilang taon. Parang may mga sariling mundo. May mean girls group... may popular group... may mga mukhang ewan... basta... hirap nilang pakisamahan. Minsan sa classroom, naiisip ko kung ako ba ang abnormal o sadyang kakaiba lang talaga ang ugali ng mga kaklase ko. I feel so alone sometimes..."

"Ganyan talaga sa school. Pero isang linggo ka pa lang naman eh. I'm sure magkakaroon ka pa ng maraming friends doon. Just mingle with them and don't mind those who don't want to get along with you. Iwasan mo sila Tana. Ayokong nasasangkot ka sa gulo."

"Opo."

Naghiwalay na kami ni kuya Camdem sa parking lot. Ayaw ko ng makita pa kami ng mga babaeng estudyante kapag sa hallway pa kami naghiwalay. For sure, katakot-takot na irap na namam ang aabutin ko pag nagkataon.

I'm thirty minutes early. Eight thirty pa kasi ang first subject. Eh dahil may kailangang asikusahin si kuya Camden ng maaga dito sa school kaya nakisabay na rin ako na gumising ng maaga.

Papunta na ako ng classroom ng may madaanan na green house. Na-amaze ako dahil punong puno talaga iyon ng mga halaman. Yari iyon sa glass kaya kitang kita ang mga nagliliparang paru-paro mula sa labas. Naexcite ako sa nakita kaya dumiretso ako sa loob. Kaya lang pagpihit ko ng glass door, sarado pa iyon. Doon ko napansin ang karatulang nakapaskil doon. Nalukot ang mukha ko ng makitang ten o'clock pa pala iyon magbubukas. Nalulungkot na hinawakan pinihit kong muli ang doorknob. Ganoon na lamang ang gulat ko ng bumukas iyon. My eyes widened in surprise.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon