Chapter Thirty

201 17 5
                                    

That was when I felt it. I barely heard the door open and closing. Or the staff greeting. All I can feel is this overwhelming presence behind me. Wala sa sariling napalingon ako sa aking likuran. Natigilan ako ng makita kung sino ang nakatayo habang malamig ang mga matang nakatingin kay Freya.

"Chance..."

Halos pabulong lang ang pagkakasambit ko niyon pero sapat na upang agad na malipat sa akin ang mga mata nito. He looked at me for a moment. Then, his eyes focused on Freya again. Gulong gulong nakatingin lang ako dito.

His cold and emotionless demeanor no doubt freaking the child out! Why is he looking at Freya like that? And why is he standing there glowering at us like that? May kasama ba ito?

Iginala ko ang paningin sa paligid. Amalia is not on sight. Even his cousins are not around.

He's not the kind who just barges in a lowly convenience store like this. Just taking in his aura tells me that he's not used to this kind of place. So why?

"Um... ate Tana..."

Napakislot ako sa pagtawag ni Freya sa akin.

"Oh, bakit..." Alo ko dito ng maluha-luha itong tumayo mula sa kinauupuan. Napakunot noo ako ng hindi nito magawang tumingin sa akin. "Teka... saan ka pupunta?"

"U-uuwi na ako ate..."

"Huh? Ihahatid na kita."

"Huwag na po!"

Mas lumalim ang pagkakakunot noo ko lalo na ng bahagya itong tumingin kay Chance pagkatapos ay mabilis ding nagbawi ng tingin.

"Ahm... k-kikitain ko pa po si ate Deia eh."

I gave Chance a pointed look. Bakit ganyan ito makatingin sa bata? She's making Freya uncomfortable!

"Sigurado ka? Saan mo ba siya kikitain? Ihahatid na kita sa kanya."

"Hindi na ate." Mabilis nitong kinuha ang basket nito na nakapatong sa mesa. "S-sige. Mauuna na po ako."

Mabilis akong tumayo ng patakbo itong dumiretso sa pinto pero may humagip sa aking braso. Marahas akong napalingon kay Chance. Pilit kong binabawi ang braso ngunit ayaw nitong bumitaw.

"Let her."

"What do you mean let her?" Angil ko.

"Don't go after her."

I was aghast at his words. How can he be so heartless? "It's getting dark. She's just a kid!" Bulalas ko.

"She's not just a ki—!" Bigla itong tumigil. Napatingala at saka napapikit ng mariin. Mayamaya pa'y muli itong nagmulat. His icy blue eyes focused on me. "Get your things. Ihahatid na kita."

I frowned. Saan ba nanggagaling ang inaasta nito? Hindi ba niya napapansin na ilang buwan ko na siyang iniiwasan para wala ng gulo? Ni wala nga lang dito kahit na hindi ko siya kausapin o pansinin eh. Tapos ngayon ay feeling close ito kung maka-utos? I just don't get it!

"Hindi na." Seryoso kong sagot bago pumiksi. He let go of my hand. Akma akong lalabas ng muli nitong pigilan. "Pwede ba? Huwag mo akong hawakan!"

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon