C~h~a~p~t~e~r~ 8:
Iwinasiwas ko ang golf club na hawak ko at nang malapit na'ko sa kanila ay yung isa ay nilingon ako at halatang nagulat bago pä sya makakilos ay mabilis kong inihampas sa mga muka nila ang hawak ko. Bullseye apat agad ang tinamaan, humarap naman ako dun sa papasugod na lima sa'kin kaya bigla kong umupo at umikot para hampasin sa mga junjun nila itong golf club na hawak ko, yan tumalon kayo sa sakit.
Napakunot ang noo ko ng may malakas na humampas sa braso ko at sinunod sunod yun. Fuck you! Nang makahanap ako ng tiyempo ay malakas ko syang hinampas sa binti nya at agad naman syang tumumba dun. Sampo agad ang napatumba ko at may dose pa hanep sa galing at halatang pinaghandaan ng mga kingina!
Napaluhod naman ako ng may naramdaman akong may humampas sa binti ko. Tang ina naunahan ako dun ah, nang akmang hahampasin ulit nila ako ay nasalag ko ito kaya tumalsik ang hawak nilang bat kinuha ko ang pagkakataon na yun para hampasin sila sa mga muka nilä. Thirteen down Nine na lang, nagulat ako ng mabitawan ko ung hawak ko at tumalsik yun sa malayo dahil sa lakas ng hampas nila sa braso ko. Mga hayop! Napahiga ako ng tadyakan nila ko sa muka inalog alog ko ang ulo ko dahil sa naramdaman kong hilo.
Bullshit!!
Nakita kong papalabas na sana ng kotse nya si Josh ng tumayo ako at samaan sya ng tingin kaya hindï nya naituloy ang paglabas nya. Tumalikod ako para sipain ung mga papasugod sa'kin at tinamaan sila sa dibdib nila. Fifteen down Seven na lang. Napahakbang naman ako ng bigla kong hampasin sa likod nung tarantado! Ipinikit ko ang mga mata ko dahil nag uumpisa na kong mapikon bigla kong naalala ung itsura ng kupal kong Boss at napakuyom ako ng kamao ko dahil sa sinapit nya sa mga to!
Tinakbo ko kung san napunta ung golf club at kinuha ko iyon may nakita rin akong bat kaya kinuha ko na din mapapadali pä ang pagtulog ko sa mga to. Saktong pagharap ko ay may papatama sa muka ko na bat buti na lang ay naiwasan ko agad yun at sya ang hinampas ko sa muka at sa dibdib nya. Binalingan ko naman yung dalawa sa kanan ko na papasugod sakin pero inunahan ko sila at hinampas ko naman ng bat sa batok ung isa at ung isa naman ay hinampas ko ng golf club sa muka.
Nineteen down three na lang. Hindï ko na pinatagal at sabay sabay ko ng sinugod ung tatlong natitira at pinaghahampas ko naman sila sa mga binti at batok nilä na syang dahilan para tumumba agad sila. Twenty two down! Napaluhod naman ako sa pagod na naramdaman ko at narinig kong may mga yapak na papunta sa'kin mga makukulit talaga ang kingina sabi ng wag lalabas Txz!
"Omygod Zhey nag alala kamï sayo huhuhu" si Jenz.
"Txz!" tinulungan naman ako ni Josh tumayo.
"Huhuhu Zhey thank you ulit huhuhuhu!"
"Txz!"
"Fuck Zhey nangingitim yang braso at binti mo" ung Reiven.
"Txz!" nagulat ako ng bigla kong buhatin ng pä bridal style ni Josh mabilis naman akong tumalon para makaalis sa ginawa nya. Tang ina yata!
"What the fuck Ira!" Bulyaw nya sa'kin.
"Txz!" dumerecho na ko sa BIGBIKE ko at sumakay na ganun naman din sila sumakay na sa kani kanilang mga kotse.
Pinauna ko na sila at ng masiguro kong nakalabas na ang mga yun ay ako naman ang umalis. Dumerecho ako sa hospital at nakita kong nag aantay sa'kin si Josh na ang sama ng tingin sa'kin. Pumasok naman nako.
"Ira naman bat ka naman nagdrive ng motor mo?"
"Txz!" pumasok naman ako sa kwarto kung nasan ung isa pang kupal!
"Fuck My Zheira What the hell happened in your arm?" sakit sa tenga.
"Nagpakabayani na naman Boss." si Josh ang sumagot.
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
