Zheiravil POV:
Lunch na at nasa canteen na kami, himalang magkakasama tong mga to txz. Hindi ako kumakain dahil wala kong gana lagi naman.
"Ira," hindi ko nilingon si Kaizer sa pagtawag n'ya sakin dahil alam kong kasama n'ya sila kuya.
"Zhey," kumunot ang noo ko sa pagtawag sakin ni Krisha ng gano'n sabi ng Ira ang itawag sakin may pagkamakulit din ang isang to.
"Ira bakit wala kang kibo? May problema ba?" Bulong nito sakin pagkaupo sa tabi ko.
"Txz!" Hindi ko pa din s'ya sinagot alam kong nakatingin silang lahat sakin. Tumayo na'ko at tinalikuran ko na sila at hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sakin. Pero bago ko makalabas ng pintuan ay may naramdaman akong may humampas sa likod ko.
Napakunot ang noo ko sa sakit na naramdaman. Unti unti kong nilingon ito at nakangisi ang tangina. Naramdaman ko namang tumayo na sila Kaizer dahil alam kong nakita nila ang nangyari.
"What the fuck!?" Sigaw ni Kaizer sa kanya.
"Txz!."
"Zhey are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jauw.
"Hm," Sobrang sakit non, nakatingin pa rin ako sa lalaking yon na hanggang ngayon ay nakangisi na parang nauulol na aso. Kung sayo ko kaya gawin yan, paniguradong baldado ka na habang buhay. Txz!
"Bakit mo ginawa yon?!" Tanong pa ni Kaizer na hindi n'ya naman pinansin at tanging sakin lang s'ya nakatingin.
"Kilala kita," saglit akong natigilan sa sinabi n'ya.
"Oh? Kailangan mo ba ng autograph?" Walang emosyon kong tanong sa kanya na mas lalo n'yang ikinangisi.
Ulol!
"Kahit magtago ka pa sa fasemask na yan, hindi pa rin non mababago na kilala kita."
"Wala kong pake."
"Bakit hindi ka magpakilala? Para naman mas makilala ka pa nila lalo na ng mga kaibigan mo at ng mga Xerxes." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
Napaka gago nitong ulol na'to. Sino ka namang tangina ka para sundin ko!
"Txz."
"Bakit ayaw mo? May kinakatakutan ka ba?" Naramdaman kong nakatingin na ang mga estudyante samin. Txz attention seeker din pala ang kingina.
"Ulol!" Nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi ko at mabilis ko na s'yang tinalikuran pero naramdaman kong may papatama na naman sakin kaya gumilid ako para hindi tamaan.
Ayaw talagang tumigil, pwes pagbibigyan yan kitang tarantado ka. Mabilis akong naglakad sa kanya at walang ano ano'y sinipa ko s'ya sa muka na mabilis n'yang ikinatumba at tumama pa sa lamesa ang likod n'ya. Ramdam kong lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. Hindi na'ko nag aksaya pa ng oras at tinalikuran ko na sila.
"Hindi pa tayo tapos, hanggat nandidito ka hindi ko patatahimikin yang buhay mo!" Galit n'yang sigaw sakin.
Hindi ko na s'ya pinansin at tuluyan ng lumabas. Dumerecho na'ko sa room at sakto namang dating ng prof.
"Zheyyy," narinig kong sigaw ni Krisha nang makarating ako sa parking lot.
"Ira," lahat sila ay nandito na at umangkas na'ko sa motor ko.
"Tch," nandito din pala tong gagong to.
"Una na'ko," sabi ko Kaizer at hindi ko na inantay ang sagot n'ya at mabilis na pinaharurot ang motor ko.
Nagising ako sa alarm at pinatay na yon, mabilis din akong nag asikaso at umalis na. Napakunot ang noo ko ng makita ko silang lahat na nag iintay sakin, pinark ko na ang motor ko at naglakad na.
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
