Chapter 26

2 0 0
                                        


Lunch na at nasa cafeteria kami, hindi pumasok yong babaeng yon at walang may alam sa'min kung nasa'n s'ya. Ano na naman bang ginagawa no'n?
"Dude," nabaling ang tingin ko kay Renzo ng tawagin n'ya ko.
"What?"
"Kanina ka pa namin tinatawag," napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko naman narinig yong pagtawag n'ya.
"Tch!"
"Hanapin mo kase hindi yong nakatulala ka d'yan,"

"What?" Napahagikgik naman ang mga babae sa sinabi n'ya.
"Si Zhey hanapin mo baka kase kanina ka pa tulala d'yan eh dahil wala s'ya."
"What the fuck?! Shut up!" Inismiran na lang nila ko at ako? Bakit ko hahanapin yon bahala s'ya. Wala kong ganang kumain kaya tumayo na'ko para umalis na dahil hindi pa sila tapos. Ang tatagal.
"Oh dude, hahanapin mo na ba s'ya?"
"Shut up will you?!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na lang. Napagpasyahan kong maglakad lakad na lang, dinala ko ng mga paa ko sa rooftop ng building namin at nagulat ako ng makita ko yung babaeng yon na nakahiga at nakapikit.
Nandito lang s'ya at natutulog? Tch! Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya at hindi gumagawa ng kahit na anong ingay dahil baka magising pa s'ya. Nang makalapit na'ko sa kanya ay pinagmasdan ko lang s'ya at naalala ko na naman yong nagkasakit s'ya. Gan'to din ang ginawa ko no'n no'ng tulog s'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatalon ako sa gulat dahil bigla na lang s'yang nagsalita.
"Anong?! Ba't ka ba nanggugulat d'yan?" Minulat n'ya naman ang mata n'ya at tinitigan ako kaya bigla na lang akong nailang sa paraan n'ya ng pagtingin.
"Gwapo ka naman pala, gago nga lang,"
"Anong?! Tch!"
"May pasok pa ba't ka nandito?" Tanong naman n'ya sa'kin.
"Ikaw ba't di ka pumasok?"
"May iniisip ako," bigla kong napatingin sa kanya dahil sa sinabi n'ya.
"What?! Dahil lang sa may iniisip ka eh hindi ka papasok?!"
"Txz!"
"Abnormal talaga,"
"Masaya bang may magulang?" Napatingin ako sa kanya ng bigla n'yang itanong yon.
"Oo naman sobrang saya lalo na kung malapit ka sa kanila at mahal na mahal ka." Naalala ko sila mommy at daddy dahil lahat ng gusto namin ay ibinibigay nila at hindi sila nagkulang sa pagmamahal sa'min.
"Txz!"
"Bakit mo pala natanong?"
"Wala lang, hindi ko lang kase naranasan." Sa sinabi n'ya na yon ay parang tinambol yong dibdib ko.
"W-What? You don't have parents?"
"Meron naman, pero hindi nila ko tinuring na anak kahit kailan." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa sinabi n'ya.
"Why?"
"Hindi ko alam," kaya pala lagi lang s'yang mag-isa sa bahay n'ya.
"Meron ka bang mga kapatid?"
"Meron,"
"Yon naman pala eh bakit hindi mo sila kausapin o puntahan man lang?"
"Ayos na sa'kin yong nakikita ko sila at nasa maayos na lagay."
"Pero ikaw naman tong nahihirapan,"
"Sanay naman na'ko simula pagkabata ko mag-isa na'ko pero minsan nand'yan din ang mga kapatid ko." Hindi man mahahalata sa kanya na malungkot s'ya pero kung titignan mong maigi ang mga mata n'ya, makikita mo kung ga'no s'ya kalungkot.
"Bakit hindi ka nila tinuring na anak?" Alam kong sobra na kung nanghihimasok pa'ko pero hindi ko talaga mapigilan dahil sa gusto kong malaman kung bakit gano'n ang parents n'ya.
"Ewan," napabuntong hininga ko sa isinagot n'ya, pa'nong hindi n'ya alam. Sabagay baka hindi n'ya lang masabi kaya gan'yan ang sinagot n'ya sa'kin.
Bigla naman na s'yang bumangon kaya napatayo na din ako.
"Pumasok na tayo baka malate pa tayo,"
"Ikaw na lang,"
"Anong?!" Sa'n na naman ba pupunta tong babaeng to?
"May practice pa'ko ng soccer,"
"What? Hindi pa magaling yong nasa braso mo at kagagaling mo lang sa sakit ah." Kumunot naman ang noo n'ya dahil sa sinabi ko.
"Wag kang mag-alala kaya ko naman na at kung hindi ko man kayanin ay nand'yan ka naman siguro para alagaan ako ulit." Nagulat ako sa sinabi n'ya pero mas nagulat ako ng kindatan n'ya ko kaya mas lalong tinambol yong dibdib ko sa sinabi n'ya.
Fuck!
"W-What?" Ba't ako nauutal? Shit!
"Tara na," tinalikuran n'ya naman ako at nagsimula ng maglakad pero ako ay nakatayo pa rin dito at hindi makagalaw. Ano bang nangyayari sayo Zheiren Ash?!
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sumunod sa kanya.
Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil naiilang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Bakit ba kase kailangan pang kindatan ako?!
Nang mag uwian na ay nasa parking lot na kami at naabutan namin yong babaeng yon ng may kausap na lalaki. At halatang manggugulo dahil ang dami nitong mga kasama. Mabilis naman namin s'yang nilapitan at napatingin sila sa'min.
"Oh andyan na pala ang mga kaibigan mo," nakangising sabi no'ng kausap n'ya.
"Txz!" Hindi naman kami binalingan ng tingin no'ng babaeng yon at nakatingin lang s'ya sa lalakeng to.
"Ravil!" Tumingin naman kami kay Kaizer dahil sa pagsigaw n'ya.
"Oh may isa pa, kung hindi ako nagkakamali ikaw yong kapatid ng ex nitong si Zheiravi." Nagulat kaming lahat sa sinabi n'ya, oo nga pala dahil hindi alam nila Krish ang bagay na'to.
"Ano na naman bang kailangan mo kay Ravil?"
"Wag kang mangialam dito Dela Fuente! Ano papatusin mo yong syota ng kapatid mo ngayong wala na'to?"
"Aba'y gago pala to eh!" Sigaw n'ya rito.
"Txz! Wag mo ng patulan Kaizer,"
"Ang sweet n'yo naman, akala ko etong si Azarem ang bago mong syota." Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Pa'no n'ya ko nakilala? Dahil ba no'ng nanggulo sila dito dati?
Nagulat kaming lahat ng bigla n'yang sapakin yong lalake kaya tumalsik ito papalayo sa'min.
"Pumasok na kayo sa kotse at umalis na,"
"Zheyyy,"
"Oh oh not so fast Zheiravil,"
"Sinasayang mo oras ko Axl kaya mabuti pang umalis ka na dahil malelate na naman ako sa trabaho ko."
"Trabaho? Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Eh kayang kaya mo ngang bilhin tong buong Pilipinas eh." Napasinghap kaming lahat sa sinabi n'ya. Ano daw?
"Txz! Masyado kang nag-iimbento Axl itigil mo yan!"
"Ako nag- iimbento? Patawa ka Zheiravil! Alam mong totoo lahat ng sinasabi ko at imposible naman na nawala sayo ang mga kayaman mo kahit na pinalayas ka sa inyo,"
"Ang dami mo naman yatang alam sa'kin,"
"Oo at hindi lang yon ang alam ko sayo,"
"Txz! Ano bang kailangan mo at sinasayang mo ang oras kong tangina ka!"
"Chill hahahahaha masyado kang highblood eh,"
"Txz!"
"Ravil umalis na tayo dito,"
"Mauna na kayo Kaizer,"
"Sa tingin n'yo hahayaan ko kayong basta na lang makaalis dito?"
"Ako lang naman ang kailangan mo diba?'
"Hindi na ngayon," ano bang kailangan nitong lalakeng to? Manggugulo na naman ba sila?!
"Ngayong nakabalik ka na Zheiravil, kamusta naman ang buhay mo ngayon?"
"Txz! Masyado ka naman yatang interesado sa'kin,"
"Sobrang interesado ako sayo,"
"Bakit? Sa tingin mo ba matatalo mo na'ko sa kagaganyan mo?" Kumuyom naman ang kamay n'ya sa sinabing yon nitong babaeng to.
"Masyado ka pa ring mayabang,"
"At hindi na magbabago yon," hirit n'ya naman.
"Tama na ang satsat, simulan na natin to,"
"Txz!" Napaatras kami dahil unti unti silang lumalapit sa'min pero yong babaeng yon hindi man lang natitinag at nakatayo pa rin sa pwesto n'ya. Ano bang ginagawa n'ya?'
"Sa pagkakataon na'to hindi ko na hahayaan na nanalo ka na naman."
"Txz! Si Night nga hindi mo matalo talo ako pa kaya?"
"Napakayabang mo talaga!" Akmang susugod na ito ng matigilan s'ya dahil may mga dumating na mga lalaki na naka formal attire.
Anong?! Panibagong kalaban na naman ba'to?
"Txz!"
"Tinawag mo ang mga tauhan mo?" Gulat nitong tanong sa babaeng yon.
Tauhan? Tauhan netong babaeng to ang mga yan?
"Txz!"
"Hindi mo ba kami kaya at nagtawag ka pa talaga ng mga tauhan mo?"
"Hindi ko tinawag yang mga tauhan na sinasabi mo!"
"Sinungaling!"
"Bakit? Natatakot ka ba sa kanila?!"
"Sa tingin mo matatakot ako sa mga yan?"
"Txz!" Nilapitan naman no'ng mga lalakeng yon etong babaeng to at lahat kami nagulat ng yumuko ang mga ito sa kanya kaya nangunot ang noo n'ya dahil sa ginawa ng mga to.
"Ginugulo po ba kayo nito?" Nakayuko nitong tanong sa kanya.
"Txz!" Totoo bang tauhan n'ya ang mga to? Base sa kilos nila parang mataas ang respeto nila sa babaeng to kaya imposibleng nagsisinungaling yong lalakeng yon.
"Kami na pong bahala sa kanila, makakaalis na po kayo."
"Bakit ba kayo nandito? Sinong nagpapunta sa inyo?"
"Ang Babushka n'yo po," halatang nagulat s'ya sa sinabi nito. (Grandma)
"Ona zdes?" ( She's here?)
"Da," hindi namin maintindihan ang sinasabi nila at parang ibang lenggwahe ang kanilang ginagamit. (Yes)
"Gde ona?" (Where is she?)
"V yeye osobnyake," ( At her mansion)
"Khorosho," (okay)
"Tama na ang pagsasalita ng ibang lenggwahe n'yo." Nabaling ang tingin namin sa kanya ng magsalita s'ya.
Ano bang lenggwahe yon?
"Alam ko ang lenggwaheng yon," napatingin kami kay Miro ng sabihin n'ya yon.
"Bro ano yong lenggwahe na ginamit nila?" Tanong sa kanya ni Excel.
"Russian," nanlaki ang mga mata namin sa sinabi n'ya. At bigla kong naalala yong cooking contest, hindi ba't Russian dishes din ang inihanda n'ya no'n?
"Oh my god! May lahing Russia si Zhey?" Gulat na tanong ni Krisha, maski ako ay naguguluhan sa nangyayari.
"Pagbibigyan kita sa gusto mo, kapag natalo ng mga tauhan mo ang mga tauhan ko na sinasabi mo, sige makikipag-usap ako sayo ng matino."
"Sinong may sabing matatalo ang mga tauhan ko sa walang kwentang mga tauhan mo?"
"Ba't di natin subukan? Txz!"
"Sige," pumitik s'ya sa ere at nagsimula ng magsisugod ang mga tauhan n'ya sa mga tauhan kuno no'ng babaeng yon. Ang bibilis nilang magsikilos at hindi masundan ng mga mata namin.
Nagpatuloy lang sila hanggang sa hindi rin nagtagal ay lahat ng tauhan no'ng lalakeng yon ay bumagsak. Samantalang yong mga lalaki ay wala man lang na halos sugat na natamo at parang hindi man lang hiningal.
"Txz!" Halatang nainis yong lalake sa nakikita n'ya dahil lahat ng tauhan n'ya ay bumagsak.
"Magaling naman pala ang mga tauhan mo, bakit? Dahil ba ikaw ang nag-ensayo sa mga yan?"
"Pa'no kung sabihin kung oo? May magagawa ka ba?"
"Masyado ka talagang mayabang Zheiravil!"
"Txz!"
"May naalala nga pala ko bago tayo magpatuloy," napatingin naman yong babaeng yon sa kanya. "Alam na ba ng mga magulang mo at mga kapatid mo na bumalik ka na?" Nakangisi nitong sabi sa kanya.
"Wala kang pakialam!" Ramdam kong inis s'ya ng sabihin n'ya yon.
"Ako na lang kaya ang magsabi sa kanila na nakabalik ka na. Ano kayang magiging reaksyon ng mga yon. Natural magagalit na naman yon sa'yo dahil bumalik ka na."
Nagulat kami ng sa isang iglap lang ay hawak n'ya na'to sa leeg. Hindi manlang namin namalayan na nakalapit na s'ya sa lalakeng yon. Napakabilis n'ya namang kumilos!
"Wag mo kong pakekealaman sa desisyon ko dahil wala kang alam,"
"S-Sa tingin mo wala kong alam?" mas hinigpitan n'ya pa ang pagkakasakal sa lalakeng yon.
"Hindi sapat yang alam mo para pakealaman ako! May alam ka man pero wala sa kalingkingan ng pagkatao ko ang alam mo! Kumbaga basic information lang ang alam mo!" Nanggagalaiti n'yang sabi habang mahigpit ang pagkakasakal sa lalakeng yon.
"H-Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin,"
"At mas lalong hindi mo alam kung anong kaya kong gawin ngayon sayo. Gusto mong makipaglaro diba? Pwes pagbibigyan kita pero huwag kang magkakamali na kantiin ang mga taong malalapit sa'kin dahil oras na gawin mo yon..." Inilapit n'ya ang bibig n'ya sa tenga nito at saka bumulong sapat na para marinig namin. "Papatayin kita sa paraan na hindi mo makakalimutan hanggang kabilang buhay! Tandaan mo yan at kung kilala mo talaga ko alam mo kung pa'no ko magalit Axl kaya sinasabi ko sayo huwag mo kong susubukan."
Halata namang natakot s'ya sa sinabi no'ng babaeng yon at saka n'ya inihagis yong Axl na yon. Aaminin kong maski ako ay natakot sa sinabi n'ya at ramdam kong gano'n din ang mga kasama ko.
Mas lalo kong naguguluhan sa pagkatao mo. Sino ka ba talaga? Ano ang papel mo sa buhay namin? Kapahamakan ba ang dala mo? Arrrg! Shit!
Zheiravil POV:
Ilang linggo na din kaming nagpapractice at last week na din ngayon dahil next week na ang laban namin. Kaya todo ang practice namin. Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa Axl na yon! Bakit bigla bigla na lang s'yang sumusulpot? Ano bang balak n'yang tangina n'ya?!
At naalala ko na nandito sa Pilipinas ang grandma, bakit? Anong ginagawa n'ya dito? At pa'nong alam n'ya kung nasa'n ako? Txz!
"Zheyyy!" Napatingin ako kay Krish ng tawagi n'ya ko. Breaktime namin ngayon dahil kanina pa kami nagpapractice.
"Hm?'
"Omg! Excited na'ko next week hehe,"
"Hm, kayo ba walang sinalihan na laro?"
"Ahh hehe wala pero magaling kami sa badminton at volleyball."
"Bakit hindi kayo sumali?" Tanong ko sa kanila, kung sanay naman pala sila maglaro no'n bakit hindi mga nagsisali ang mga to?
"Ahh hehe wala lang tsaka gusto naming icheer kayo ni Zhay,"
"Txz!"
"Ira," tumingin ako kay Kaizer ng marinig kong tawagin n'ya ko at kumunot ang noo ko dahil kasama n'ya ang mga kuya ko.
"Kaizer,"
"May ibibigay daw sila sayo Ravil," bulong n'ya naman sa'kin kaya mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Hi Ira! Ah ibibigay lang namin to sa'yo," iniabot naman sa'kin ni kuya Thunder yong dalawang box at tinanggap ko naman yon. Paniguradong sapatos ang mga to.
"Hm salamat,"
"Goodluck sa laro mo, ichicheer ka namin."
"Sige salamat,"
"Hindi naman kumpleto yan kung walang medyas, kaya eto." Sabi ni kuya Taexus at iniabot naman sa'kin yong apat na pares na medyas.
"S-Salamat," pagkasabi ko no'n ay tinalikuran n'ya na'ko at umupo na sa may bench. Tinignan ko naman si Kaizer at nakangiti lang s'ya sa'kin na para bang sinasabi n'yang deserve ko to.
"Mukang gaganahan ka ng maglaro n'yan Ravil," nakangiti nitong sabi sa'kin.
"Hm," nawala nga yong pagod ko no'ng makita ko sila. Tinawag na din ako ni coach at nagpatuloy na din kami sa practice.
Pagkatapos naming mag practice ay nilapitan ko na sila. Alam kong may mga pasok pa ang mga to pero ba't hindi sila nagsipasok? Txz para lang napanood ako?!
"Zhey inaaya tayo nila kuya Taexus sa Russian Restaurant dahil birthday n'ya nga pala ngayon." Nagulat ako sa sinabi ni Jex at inaalala kung anong araw ngayon. Napamura na lang ako ng mapagtanto kong birthday nga pala ni kuya ngayon. Tangina gusto kong saktan ang sarili ko dahil nakalimutan kong ngayon nga pala ang birthday ni kuya.
"A-Ah sige," yon lang ang nasabi ko dahil sa pagkagulat ko.
"Zhay sakto nandito na kayo, iniinvite tayo nila kuya sa Russian Restaurant dahil birthday ngayon ni kuya Taexus." Sabi ni Krisha pagdating no'ng gago. May practice nga din pala sila ng basketball.
"Gano'n ba? Sige tara, bro happy birthday!"
"Thanks," sabay sabay na kaming pumuntang parking lot at pasimple kong siniko si Kaizer dahilan para napatingin s'ya sa'kin.
"Bakit Raviil?"
"Siraulo ka ba't hindi mo pinaalala sa'kin na birthday ni kuya?" Bulong ko sa kanya sapat na para s'ya lang ang makarinig.
"Pft! Akala ko alam mo," pigil ang tawang sabi n'ya.
"Tangina nakalimutan ko nga txz!"
"Birthday ng kuya mo pero s'ya pa ang nagregalo sa'yo,"
"Txz!" Ba't hindi ko agad naisip yon? Sumakay na kami sa mga sasakyan namin at dumeretso na sa restaurant. Pagmamay-ari nga pala ito ng parents nila kuya.
Txz!
"Oh my god! Russian dishes at naalala ko yong mga niluto ni Zhey," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ayumi.
"Oo nga noh at nandito din yon sa menu," ramdam kong napatingin silang lahat sa'kin pero hindi ko na yon pinansin at tinignan na lang si kuya Taexus, hindi ko pa nga pala s'ya nababati.
"U-Uh happy birthday po k-kuya Taexus!" Halatang nagulat sila sa sinabi ko pero wala kong pakialam dahil ang importante sa'kin ay mabati ko ang kuya ko.
"Thank you Ira!" Nang maiserve na ang pagkain sa mesa namin ay tahimik lang kaming kumain. Hindi pa'ko nangangalahati sa pagkain ko ng magsalita si Kaizer.
"Ira kantahan mo naman kami," nakakunot noo ko s'yang tinignan at nginitian n'ya lang ako na para bang sinasabi n'yang para sa mga kuya ko ang ikakanta ko.
"Uh.. "
"Oo nga Zhey kantahan mo kami at saka birthday naman ni kuya, iparinig mo sa kanya yong boses mo." Gatong naman ni Jenz.
"Hm sige," tumayo na'ko at kinausap ko yong waiter kung pwedeng kumanta at pumayag naman ito tsaka ko inassist papunta sa harap.
"Wahhhh! Go Zhey!" Sigawan naman no'ng mga babae.
Angel Baby Song by Troye Sivan
I need a lover to keep me sane
Pull me from hell, bring me back again
Play me the classics
Something romantic
Give him my all when I don't even have it
I always dreamed of a solemn face
Someone who feels like a holiday
But now I'm in pieces
Barely believing
Starting to think that I've lost all feeling
You came out the blue on a rainy night
No lie
I'll tell you how I almost died
While you're bringing me back to life
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven, so we could be together
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
Nakatingin lang ako kila kuya habang kumakanta ko dahil naaalala ko na no'ng mga panahon na magkakasama kami lagi nilang sinasabi sa'kin na ang yong angel nila at hindi ko sila iiwan.
I fall in love with the little things
Counting the tattoos on your skin
Tell me a secret
And baby, I'll keep it
And maybe we could play house for the weekend
You came out the blue on a rainy night
No lie
I'll tell you how I almost died
While you're bringing me back to life
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven, so we could be together
Hanggang ngayon kaya ay ako pa din ang angel nila? Ako pa din ba yon kahit na hindi na ako yong bunso sa'min? Ang sakit! Sobrang sakit na makita silang nangungulila sa'kin. Ano kaya yong nararamdaman nila ngayon na akala nila hindi nila ko kasama?
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
All the sick and twisted nights that I've been waiting for ya
They were worth it all along, yeah
Sa apat na taon na lumipas, sa apat na taon na hindi ko sila nakita at nakasama lalo na sa mga panahong may okasyon. Masaya ko ngayon, sobrang saya ko dahil kasama ko an ulit sila kahit na hindi nila alam na bumalik na'ko.
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever" (on the word "forever")
Until you gave up heaven, so we could be together
Pinigilan kong maluha dahil baka magtaka sila kung bakit ako umiiyak. Mas mabuting sarilinin ko na lang ito kahit na masakit.
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
Mga kuya ko, kapag dumating yong araw na ipagtapat ko na sa inyo na ako to, sana matanggap n'yo pa din ako at kung magalit man kayo sa'kin maiintindihan ko yon dahil kasalanan ko din naman kung bakit kayo nahihirapan. Sorry mga kuya ko, patawarin n'yo ko.
Angel
Angel baby, angel (you're my angel, baby)
You're my angel, baby (you're my angel, baby)
Baby, you're my angel
Angel baby
Pagkatapos kong kumanta ay bigla na'kong tumalikod sa kanila dahil hindi ko napigilan yong luha ko at bumagsak na lang ito bigla. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka ko huminga ng malalim para pigilan ang paghikbi ko.
Narinig ko naman silang nagpalakpakan pati ang ibang taong nandidito ay nakikipalakpak na din.
Nagstay na muna kami ng konti at naisipan na ding umuwi. Nang nasa parking na kami ay napamura na lang ako ng makita ko nanaman si Axl.
"Zheyyy!" Tawag sakin no'ng mga babae.
"Long time no see," huminto s'ya sa pagsasalita at tinignan naman sila kuya. "Ohw nandito pala ang mga Xerxes."
"Txz!"
"Sino ang mga yan?" Tanong ni kuya Min.
"Madalas pong manggulo sa'min yan kuya," si Ayumi ang sumagot.
"What?!"
"Txz! Ano na namang kailangan mo?!" Pigil ang inis kong sabi sa kanya.
"Ikaw! Ikaw ang kailangan ko," dahil sa sinabi n'ya ay napatingin naman silang lahat sa'kin.
"Hindi mo ba kayang sumugod ng mag-isa at kailangan pang may mga kasama kang asungot!?"
"Hahahahahaha patawa ka talaga! Oh nandito ang mga Xerxes ba't hindi mo sabihin sa kanila ang sik-" hindi n'ya na natapos ang sasabihin n'ya ng bigla ko s'yang sinapak ng malakas maski ang mga kasama ko ay nagulat sa ginawa ko.
"Tarantado ka! Sinabi ko na sa'yong wag kang mangingialam sa desisyon ko!" Bulong ko sa kanya habang hawak hawak ko ang kwelyo n'ya.
"Bakit?! Natatakot ka bang malaman nila kung sino ka talaga?"
"Txz!" Pabato ko s'yang binitawan.
"Ikaw lang naman ang kailangan ko, hindi ako manggugulo kung sasama ka sa'kin." Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Ba't ako makikinig sa'yo? Eh tarantado ka!"
"May isang salita ako Zheiravil! Sasama ka sa'kin at hindi ko gagalawin ang mga kasama mo."
"Zheyyy!"
"Ira! Wag kang sasama sa kanya!" Sigaw ni Kaizer habang papalapit sa'kin pero pinigilan ko s'ya.
"Sige, sasama ko sa'yo pero maayos na makakauwi ang mga yan!" Turo ko sa kanila.
"Oo ba! Madali lang naman akong kausap,"
"Txz!" Tinalikuran ko na s'ya at pumunta na kila Kaizer. "Umuwi na kayo, Kaizer alam mo na gagawin mo!"
"Pero Ira-"
"Bilisan n'yo na baka magbago pa isip no'ng tarantadong yon!"
"Pa'no ka?" Napatingin ako d'on sa gago ng itanong n'ya sa'kin yon.
"Ayos lang ako,"
"Zheyyy!" Naiiyak na sabi ng mga babae.
"Magtiwala kayo, magiging ayos lang ako at saka hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'kin. May laro pa diba tayo sa Lunes?"
"Zheyyy mag-iingat ka!"
"Hm,"
"Ira!" Bigla naman akong niyakap ni Kaizer at hinayaan ko lang naman s'ya.
"Ikaw na bahala kila kuya, ihatid mo sila ng maayos. Mag-ingat kayo." Tinapik ko na lang s'ya at humiwalay na sa yakap.
"Mag-iingat ka Ira!" Iniiwas ko ang tingin ko kay kuya Taexus dahil nakaramdam ako ng pamamasa sa gilid ng mata ko dahil sa sinabi n'ya.
"Ayos lang ako, wag kayong mag-alala, sige na umuwi na kayo ako ng bahala ko dito."
"Zheyyy! Tuluyan ng umiyak yong mga babae.
"May tiwala naman kayo sa'kin diba?" Tumango naman sila sa sinabi ko. "Kaya sige na umuwi na kayo, mas delikado kung magstay pa kayo dito."
"Basta mag-iingat ka ah, tawagan mo agad kami."
"Hm sige," kahit napipilitan ay pumasok na sila sa kotse at pinaharurot na yon. Tinanaw ko na lang sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa pagsama ko sa tarantado na'to pero bahala na, sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa'kin. 

{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora