Pagdating ko sa parking lot ay pinark ko na ang motor ko, nandito na din sila. Naglakad na'ko papasok pero pana'y ang sulyap ko sa mga kotse nila hindi ko alam kung bakit. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa nakarating na'ko sa room.
Nakita ko naman yong gago na mag-isa lang sa upuan n'ya. Kumunot ang noo ko dahil hindi n'ya kasama ang mga kaibigan n'ya. Akala ko ba nandito na sila? Hindi ko na yon pinansin at umupo na lang ako sa upuan ko.
"Fuck! Bakit hindi nila sinasagot yong tawag ko?" Nilapitan ko na s'ya dahil kanina pa s'ya nagbubutingting sa cellphone n'ya.
"Nasa'n na mga kaibigan mo?"
"Anong? Ano ba! Bat ka ba nanggugulat d'yan?"
"Txz!" Kasalanan ko bang mabilis kang magulat? Letse!
"I don't know! Nauna pa sila sa'kin dito." May bahid nang pag-aalala n'yang sabi.
"Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Tumayo na'ko at tinalikuran s'ya.
"San ka pupunta?" Habol sa'kin no'ng gago.
"Txz!" At kamalas malasan nga naman, nakasalubong pa namin ang teacher namin sa next subject.
"Oh! Mr. Azarem and Ms. Santos where are you going?" "Ah sir pinapatawag po kami ni Dean Lo."
"I see, bilisan n'yo lang."
"Thank you po!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad at ramdam ko namang nakasunod sa'kin ang gago. Nilabas ko sa bulsa ko ang cellphone ko at binuksan ko ang location. Hinanap ko agad kung saan sila Krisha, dahil alam kong lagi ding nakabukas ang location n'ya sa cellphone.
"Sa likod ng school," pagkasabi ko non ay mabilis kaming tumakbo papunta d'on.
At hindi nga ko nagkamali dahil lahat sila ay nando'n at napapalibutan ng mga tanginang armadong mga pesteng lalaki! Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa mapatingin na silang lahat sa'min at nagulat sila nang makita kami.
"Zheyyy!" Umiiyak na tawag nila sa'kin. at pinagmasdan ko silang lahat at maayos naman ang mga babae kaya lang bugbog sarado naman ang mga lalaki. Kinginang!
"Zheiravil," nakangising tawag sa'kin ni Axl.
"Txz,"
"Sabi ko naman sa'yo hindi ako ang magdedesisyon n'yan."
"At sabi ko din sayo na wag dito!" May diin kong sabi sa kanya.
"Alam ko, pero hindi mo naman mapipigilan ang master ko eh." Tumingin naman s'ya sa likod n'ya kaya napatingin din ako dito. May lumabas na lalaki at hindi ko kilala pero alam kong pamilyar to sa'kin dahil nakita ko na ang tanginang to!
"Welcome back Ira Santos or should I say Zheiravil Frivaldo." Kilala n'ya pala ko, astig ang kingina.
"Anong kailangan mo?" Napahalakhak naman s'ya sa sinabi ko. Baliw ang tangina!
"Kung sasabihin ko ba sayo ibibigay mo?"
"Kung kaya ko bakit hindi?" Sumeryoso naman s'ya matapos marinig ang sagot ko.
"Hahahaha hindi ka pa din nagbabago, mas lumala ka pa."
"At magiging mas malala pa kung hindi mo pakakawalan ang mga to." Turo ko naman sa kanila. Ngayon ko lang din napansin na may mga nakasabit na bomba sa katawan nila. Tanginang mga to hindi ba sila nauubusan ng mga pesteng bomba na yan?
"Pakakawalan ko din naman sila, eh kung luluhod ka." Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya.
"BWAHAHAHAHAHHAHAHA KINGINA HAHAHAHAHHAHAHA!" Nagugulat naman nila kong tinignan lahat.
"Anong tinatawa tawa mo d'yan? Baka gusto mong pare-pareho tayong sumabog dito.
"HAHAHAHAHAHAH tangina mo!" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Naiinip na'ko ano gusto mo bang makawala yang mga kaibigan mo?"
"Txz!"
"Sige ganto na lang, kapag natalo mo ang mga tauhan ko ay pakakawalan ko kayong lahat."
"Txz!"
"Sampong tauhan ko kapalit ng isa mong kaibigan." Nagtagis ang panga ko sa sinabi n'ya.
"Tangina mo talaga!" Hindi n'ya naman pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Dose ang mga kaibigan mo, edi isang daan at dalawampung tauhan ko ang kailangan mong matalo sa loob ng limang minuto."
"Txz!" Nagsisimula na'kong mainis dahil tumatakbo ang oras at mahigit isang oras na lang bago ito sumabog.
"Pero may twist tayo Zheiravil," may inilabas naman s'yang panyo at unti unting lumapit sa'kin para ilagay sa mga mata ko.
"Titirahin mo ang mga tauhan ko kaya lang nakapiring ang mga mata mo." Bulong naman nito sa'kin.
"Txz!"
"Tandaan mo Zheiravil, limang minuto lang ang kailangan mo para matapos lahat ng tauhan ko." Pagkasabi n'ya non ay naramdaman ko na s'yang humakbang palayo at pumitik sa ere tanda na sumugod na sila sa'kin.
"Zheyyy!" Nakaramdam naman ako ng pamamanhid sa binti ko dahil sa hampas ng kung sino. Nagpatuloy lang ako sa pagsapak sa kanila at tinatamaan din nila ko.
"Sampu," pagkasabi ko non ay pinagtatadyakan ko na ang mga tanginang sumusugod sa'kin. Hindi ko na sila sinasapak dahil namanhid ang mga kamay ko sa pagsapak kanina. Sampung beses kong naramdaman ang paghampas sa'kin kaya hindi ko na hinayaan na tamaan pa nila ko.
"Dalawang minuto na lang," hindi ko alam pero nangangalahati pa lang ako. Sineryoso ko na ang pakikipaglaban sa mga walang kwenta na'to at sa huli kong tadyak ay inalis ko ang nakapiring sa mga mata ko kasabay no'n ay ang paghuli kong tinadyakan.
Nakatumba na silang lahat at natutulog na txz!
"Ang galing mo talaga Zheiravil!" Sabi no'ng peste habang pumapalakpak pa.
"Pakawalan mo na yang mga yan,"
"Okay," tinanguan n'ya naman yong tatlo n'yang tauhan para kalagan ang mga ito. Matapos maalis sa kanila ang mga bomba ay lumapit na sila sa'kin.
"Zheyyy huhuhuhu!"
"Makakaalis na kayo bago pa magbago ang isip ko." Tinitigan ko muna s'ya bago ko sila alalayan papaalis.
Kumunot ang noo ko dahil nawawala na naman ang gago!
"D'yan lang muna kayo," sabi ko sa kanila at bigla kong tumakbo papalapit d'on sa pesteng yon!
Mukang inaasahan n'ya naman akong babalik base sa ngiti n'ya. Kingina talaga sabi na eh hindi s'ya magpapalabas ng gano'n gano'n lang.
"Bakit ka bumalik Zheiravil?" Tanong nito sa'kin habang nakangisi.
"Asan yong gago?"
"Marami kaming gago dito, sino ba sa'min?"
"Ilalabas mo s'ya o ibabaon kita sa kinatatayuan mo?"
"Oh talaga ba?" Tinalikuran n'ya ko at may kinuha s'ya sa isang tabi na mahabang bagay. Mukang alam ko na kung ano yong hawak n'ya.
"Txz!"
"Makikita mo lang yong nobyo mo kung matatalo mo'ko dito."
"Txz!" Inihagis n'ya naman sa'kin yong samurai na kinuha n'ya at sa sobrang bilis n'yang ihagis yon ay mabuti na lang nasalo ko kaya lang ay nadaplisan naman ang mga kamay ko.
Tangina!
"Natatandaan mo ba? Ako ang pinakamahusay sa larangan ng samurai kaya nga tinuruan kita neto eh." Narinig ko namang napasinghap sila dahil sa narinig nila, halatang mga nagulat.
Totoo yon s'ya ang nagturo sa'kin no'n no'ng mga panahon na lugmok na lugmok ako. Kaya pala pamilyar sa'kin ang kingina! Humaba lang ang buhok kaya hindi ko nakilala.
"Txz!"
"Titignan ko lang kung kaya mo na ba'kong matalo dahil sa kaunti mong kaalaman sa paggamit nito." Pagkasabi n'ya no'n ay hindi ko inaasahang bigla s'yang susugod kaya nadaplisan ako sa braso.
Kinginang to!
Nagpatuloy lang ako sa pagsangga sa mga tira n'ya at pinag-aaralan ko ang mga galaw n'ya. Mas hamak naman na mabilis ako sa kanya.
"Ganyan nga, pag-aralan mo lang ang mga tira ko pero hindi lahat!" Kumunot na naman ang noo ko dahil nahiwa ako nito sa tagiliran.
Narinig ko namang mas lumakas ang iyakan no'ng mga babae pero hindi ko yon pinansin at nagpatuloy lang sa pagsangga.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito pero nakakaramdam na'ko ng pagod. Lihim akong napangisi nang maramdaman ko na s'ya ay gano'n din. Ako naman ngayon ang titira sayo. Hindi n'ya inaasahan na yuyuko ako at hihiwain ang binti n'ya kaya napalayo s'ya sa'kin. Hindi pa'ko tapos ng tadyakan ko s'ya sa muka at itinutok ko sa leeg n'ya ang samurai.
Umikot ako at hiniwa s'ya sa leeg hanggang sa batok n'ya sapat na para tumumba s'ya. Hindi naman masyadong malalim yon dahil kapag ginawa ko yon ay baka mapatay ko ang tanginang to!
Tinalikuran ko na s'ya at nakita ko naman yong gago na kasama na ng mga kaibigan n'ya.
"Hindi pa tayo tapos Zheiravil, hintayin mo ang ganti ko sayo." Itinaas ko lang ang kamay ko tanda na sige lang gawin n'ya lang ang gusto n'ya.
"Zheyyy ang dami mo ng dugo," hindi ko na pinansin yong sinabi ni Jenz at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nagpumilit silang dalhin din ako sa clinic tulad ng mga lalake kaya hindi na'ko nagmatigas pa para na rin matapos na. Pagkatapos kaming gamutin ay naisipan na naming hindi na pumasok at umuwi na lang.
Simula paggising ko ay sobra sobra na yong kaba ko, hindi ko alam kung bakit. Para bang may mangyayaring masama ngayong araw na'to. Huminga muna ko ng malalim para kumalma kahit papa'no. Pumasok na'ko sa room at umupo na sa upuan ko.
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang tumunog yong cellphone ko kaya napatingin sa'kin lahat pati si sir.
"Go Ms. Santos," tinanguan ko lang s'ya at lumabas na tsaka ko sinagot ang tawag ni Kaizer.
"Hello Ravil," mas lalong kumunot ang noo ko sa boses n'ya dahil parang hinhingal s'ya.
"Ano?"
"Ravil ang mga kuya mo!" Pagkasabi n'ya palang no'n ay mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko.
Tangina kaya pala sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko.
"Anong nangyari sa kanila Kaizer?" Pigil ang hikbi ko nang sabihin yon.
"Nawawala sila Ravil," pagkasabi n'ya no'n ay nabitawan ko na ang cellphone ko at nawalan ako ng balanse buti na lang napakapit ako sa railings.
Doon na kumawala ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Bigla kong napaharap sa room at nagtama ang mata namin no'ng gago. Nagulat s'ya ng makita akong lumuluha. Hindi ko na yon pinansin at dinampot ko na agad ang cellphone ko tsaka tumakbo.
"Nasa'n ka Kaizer?"
"Nandito ko sainyo, nagkakagulo na ang lahat dito Ravil. Simula no'ng pagsabog ay hindi na sila umuwi at hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanila.
" Magkita tayo sa may clubhouse." Pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang tawag. Mabilis akong nakarating sa parking lot at sumakay na sa motor ko. Pinaharurot ko na'to ng sobrang bilis papunta don.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mga kuya ko. At lalong hindi ko mapapalampas ang mga gumawa sa kanila nito.
Pagsisisihan nilang nabuhay pa sila!
"Ravil," bungad sa'kin ni Kaizer pagdating ko.
"Pa'nong hindi pa sila umuuwi? Magkakasabay tayong lahat no'n Kaizer!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
"Hindi ko alam basta tinawagan ako kanina ni tita at tinanong kung alam ko daw ba kung nasa'n sila."
"Putangina! Bakit sila pa? Bakit? Kaizer baka may nangyari na sa mga kuya ko! Tangina talaga!" Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa muka ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.
"Ravil makikita din natin sila," sabi n'ya habang yakap yakap ako.
"Talagang makikita pa natin sila dahil hindi ko alam ang gagawin ko oras na may nangyaring masama sa kanila!"
"Hindi ko pa nalilibot yong school kase pagkatawag nila sa'kin dito agad ako dumeretso."
"Ikaw na lang muna ang maghanap d'on at may pupuntahan pa'ko."
"Sige pero mag iingat ka Ravil." Tinanguan ko nalang s'ya at sumakay na ulit ako sa motor ko. Hindi ko alam kung saaan ako magsisimulang maghanap!
Dumoble na ang kabang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Kuya please, please kung nasa'n man kayo magpakita naman kayo. Mababaliw ako sa kakaisip kung ano nang lagay n'yo.
Hindi ko na pinansin ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko at nag focus na lang sa pagmamaneho.
Zheiren POV:
Dalawang linggo na ang lumilipas simula nang huling pumasok yong babaeng yon. Nalaman na din naming dalawang linggo ng nawawala ang mga Xerxes. Wala pa ring balita sa kanila.
"Nasa'n na kaya si Zhey? Bakit wala pa rin sya'ng paramdam?" Tanong naman ni Krish.
"Tch!" Naalala ko na naman yong nakita ko s'yang umiiyak habang may kausap sa cellphone, nabitawan n'ya pa nga yon.
"Sila kuya Min hanggang ngayon ay hindi pa din nahahanap." Hirit naman ni Jauw.
Bakit bigla silang nawala? Ano bang nangyayari? Una sila Krish ang kinidnap ngayon naman ang mga Xerxes. Hindi kaya iisa lang yong nangidnap sa kanila Krish at sa mga Xerxes? Aishhh! Bakit ba nangyayari to?
"Oh my god Zhey!" Napatingin agad ako sa sigaw na yon ni Jex at pumasok nga sa pintuan yong babaeng yon.
Tinitigan ko s'ya at parang wala s'ya sa sarili n'ya. Mugto ang mga mata n'ya at parang pinipilit n'ya lang na kumilos. Kung pagmamasdan s'ya ay nakakaawa s'ya.
"Zheyyy are you okay? Bakit ngayon ka lang pumasok?" Sunod sunod na tanong ni Krish sa kanya.
"Zhey," hindi sila pinansin netong babaeng to. Nakatingin lang kami sa kanya habang nakayuko s'ya at maya maya lang ay umuga na ang mga balikat n'ya.
Nagulat kaming lahat nang makita yon, tahimik s'yang umiiyak. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip kung bakit? Bakit ka umiiyak? Kung hindi ako nagkakamali, umiyak ka din no'ng mabugbog yong mga Xerxes.
Ano bang koneksyon mo sa kanila? Sino ka ba sa buhay nila? Bakit sa t'wing napapahamak sila ganyan ang ipinapakita mo. Ako lang ba ang nakakapansin nito? Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko at umiiyak din ang mga babae habang seryoso naman sila Renzo. Napatingin ako kay Miro at titig na titig s'ya sa babaeng yon.
Naramdaman n'ya sigurong may nakatingin sa kanya kaya bigla s'yang napatingin sa'kin agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya.
Hanggang sa uwian ay gano'n pa din s'ya sobrang tahimik at hindi kami tinitignan. Makikita lang sa mata n'ya ang lungkot at galit na hindi ko alam kung sa'n nagmumula.
"Iraaa!" Napahinto kami sa paglalakad ng may tumawag sa kanya. Nilingon n'ya ito at parang nabuhayan s'ya ng makita n'ya si Kaizer.
"Kaizer," tawag naman sa kanya nito.
"Nahanap na ang mga ku-, sila Taexus.
Sa sinabi n'ya na yon ay nagulat kaming lahat at mas nagulat yong bababeng yon. May tumulong luha sa mata n'ya, hindi ko alam kung naramdaman n'ya ba yon.
" Oh my god!" Bulalas ng mga babae.
"Talaga?" Nasa'n sila Kaizer? Gusto ko silang makita." Nilapitan n'ya ito at hinawakan sa kamay, umiwas ako ng tingin d'on dahil bigla kong nainis. The fuck? Anong pakealam ko?! Tch!
"Kaya lang," nagbaba naman s'ya ng tingin kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.
May nagyari ba?
"Kaya lang ano? Kaizer anong nangyari sa kanila?!"
"Nasa ospital sila at unconcious si Taexus." Nagulat kami ng sabihin n'ya yon pero mas nagulat kami ng biglang mapaupo yong babaeng yon at doon umiyak ng umiyak.
"Pa'no? Ano bang nangyari sa kanila?!" Umiiyak n'yang sabi.
"Ravil, puntahan na natin sila." Bigla namang tumayo yong babaeng yon at hinatak na si Kaizer kaya napasunod agad kami sa kanila.
Pinagbuksan s'ya ng pinto ni Kaizer dahil sa kotse nito s'ya sumakay. Pinaharurot ko na ang kotse ko no'ng makalampas na sila sa'min.
Nakarating agad kami at nakita kong halos liparin n'ya na sa pagtakbo ang ospital para makarating agad kung nasa'n man ang mga Xerxes. Pagdating namin ay naabutan namin ang parents nito at ang Chairman Xerxes.
Bigla namang nagdahan dahan yong babaeng yon sa paglalakad habang nakayuko. Bakit ganyan s'ya?!
"Good afternoon po, kamusta na po ang kalagayan nila?" Tanong naman ni Kaizer pagdating namin.
"Okay na sila Min at Thunder, nasa ICU naman si Taexus." Si Mr. Xerxes ang sumagot dahil pana'y ang iyak ng Misis nito.
"Hon! Bakit? Bakit nangyayari to sa mga anak natin?!" Umiiyak na sabi ni Mrs. Xerxes.
"Hush! Magiging maayos din sila hon."
"Kailan pa?! Wala na nga yong babaeng yon pero bakit hanggang ngayon minamalas pa rin tayo?!
Babae? Sino'ng tinutukoy nila? Sino'ng babae?
"You! Kaibigan ka ba ng anak ko?" Napatingin kami sa babaeng yon ng ituro ni Mrs.Xerxes ito.
"A-Ah opo tita," si Kaizer ang sumagot.
"What is her name?"
"I-Ira Santos po,"
"I see, hindi pa din s'ya nagigising dahil malala ang tama ng anak ko. M-May tatlo s'yang saksak at napuruhan ang internal organs n'ya." Doon na nakaangat ng tingin yong babaeng yon matapos sabihin ni Mrs. Xerxes iyon.
"Saksak?" Tanong naman nito. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa.
"Yes! You look familiar? Have we met before?"
"No!" Tinalikuran n'ya na kami pagkasabi no'n pero bago yon ay napansin ko kung pa'no magbago yong ekspresyon n'ya. Yong kaninang sobrang lungkot ngayon naman umaapaw sa galit. Anong bang nangyayari sayo?
Nag stay muna kami ng konti at napagpasyahan na naming umuwi na.
Maaga kaming pumasok at naabutan namin yong babaeng yon na nakayuko at mukang tulog. Hindi na namin pinansin yon at umupo na kami sa upuan.
"Good morning class," bungad sa'min ni Ma'am pagpasok n'ya.
"Good morning Ma'am," tinignan ko naman yong babaeng yon na hanggang ngayon ay nakayuko pa din. Hindi n'ya ba alam na nand'yan na ang teacher?
Tch!
"So may gaganaping cooking contest sa August 10. One representative each section."
"Wow!"
"Sino ang willing sumali? May cash prize naman kung sino ang magiging winner." Walang nag react sa'min siguro mga walang alam sa kusina kaya hindi makasali.
"Gusto kong sumali kaya lang puro ulam lang ang alam kong lutuin." Rinig kong sabi ni Krish.
"Walang gustong sumali? Class! Wala bang marunong magluto dito?! Ang tatanda n'yo na pero pagluluto lang hindi n'yo pa alam?!"
"Txz!" Napatingin kami sa babaeng yon na bigla na lang tumayo at lumapit kay Ma'am.
"Oh! Ms. Santos willing kang sumali sa contest?"
"Txz!" Binigay naman sa kanya ni Ma'am yong sasagutan n'ya sa papel.
"See? Ang dami dami n'yo pero isa lang ang marunong magluto?!"
"Txz!" Pagkatapos n'yang magsagot ay bumalik na s'ya sa upuan n'ya. Tinignan naman ni Ma'am yong papel na sinagutan no'ng babaeng yon.
"R-Russian Dishes?"
"Txz,"
"O-Okay, hindi mo na iisipin ang gastos dahil sagot ng section n'yo yon."
"Txz wag na, hindi ko kailangan,"
"Pero mahal ang mga ingredients."
"At baka hindi nila kayanin ang presyo no'n. Ako ng bahala d'on txz!"
Tch ang yabang!
Sa huli ay pumayag naman na si Ma'am dahil parang walang balak magpatalo yong babaeng yon.
"Oh my god Zhey! Really sasali ka talaga? Omooo!" Manghang sabi sa kanya ni Krish.
"Hm,"
"Pero totoo bang ang mamahal no'ng mga ingredients na yon?"
"Hm,"
"Halaa, kung need mo ng tulong willing kami na magbigay."
"Hindi na, salamat na lang," tinalikuran n'ya na kami pagkasabi no'n at pumunta na s'ya sa motor n'ya tsaka yon pinaharurot.
Kinabukasan ay naisipan naming dalawin ang mga Xerxes dahil balita ko ay gising na si Min at Thunder pero si Taexus ay hindi pa dahil inoperahan s'ya kahapon.
"Ah, good morning po," bati ni Krish pagdating namin sa ospital. Una naming pinuntahan yong kwarto ni Thunder.
"Good morning din, maiwan ko na muna kayo," pagkasabi ni Mrs. Xerxes no'n ay lumapit s'ya sa anak at hinalikan ito sa noo tsaka kami iniwan.
"Ahh kuya kamusta na po pakiramdam n'yo?" Tanong ni Ayumi sa kanya.
"Ayos na'ko medyo masakit lang ang mga sugat ko," nakangiti n'yang sagot dito.
"Pagaling po kayo ah hehe,"
"Oo naman, maitanong ko lang, wala na bang dumalaw sa'kin dito bukod kayo?"
"Ah wala naman na po kuya,"
"Ganun ba?"
"Bakit po?" Hinihintay naman namin s'yang magsalita. Bakit may inaasahan ba s'yang bisita bukod sa'min?
"Wala naman, akala ko kase dumating s'ya," malungkot n'yang sabi sa'min.
"Sino po?" Si Jauw naman ang nagtanong.
"Ahh wala, kumain na ba kayo?"
"Opo kuya," ngiti lang ang isinagot n'ya sa'min. Kahit nagtataka ay hindi ko na lang yon pinansin. Nagpaalam na kami sa kanya dahil pupuntahan naman namin si Min sa kwarto n'ya.
"Hello po kuya," bati naman sa kanya ni Krish pagdating namin sa kwarto n'ya.
"Hi," no'ng makita n'ya kami ay bigla n'ya na kaming nginitian.
"Kamusta na po pakiramdam n'yo?"
"Medyo ayos naman na,"
"Magpagaling po kayo ah,"
"Yeah, thank you," pana'y naman ang tingin n'ya sa likuran namin kaya hindi namin maiwasang magtaka.
"Kuya may hinahanap ka po ba?"
"Ahh, may napansin ba kayong dumalaw dito kagabi?"
"Po? Hindi po kase kami dito pumunta kagabi,"
"I see, I thought dinalaw n'ya ko baka nagha-halucinate lang ako." Nagkatinginan naman kaming lahat sa sinabi n'ya. Katulad ni Thunder ay gano'n din ang sinabi n'ya.
Nagstay pa muna kami bago namin naisipang umalis doon. Hindi naman namin nakita yong babaeng yon dahil hindi na naman s'ya pumasok. Ano bang pinagkakaabalahan no'n? Tch!
"Ano kayang ibig sabihin nila kuya sa akala nila dinalaw sila," nagtatakang tanong naman ni Jenz.
"Oonga eh parehas pa sila ng sinabing dalawa," si Jex.
"Hindi kaya may inaasahan silang may dadalaw sa kanila, pero sino naman?" Dahil sa tanong na yon ni Windy ay napaisip din kami dahil do'n. May inaasahan talaga silang dadalaw sa kanila, pero sino nga naman talaga? Girlfriends nila? Alam kong wala naman sila no'n.
Tch!
Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na. Pagdating ko sa'min ay nanlaki ang mga mata ko ng makakita ng motor na nakapark sa labas namin. Mabilis kong ibinaba ito at tinignan kung sino yon.
Damn! Bat nandito s'ya?
"Txz!"
"Anong? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah!"
"Kamusta sila?" Nagtaka naman ako sa tinatanong n'ya.
"Sinong sila?"
"Txz!"
"Ah okay na sila, hinihintay na lang na magising si Taexus."
"Hm,"
"Sandali nga bakit hindi ikaw ang dumalaw do'n?"
"Txz!" sumakay naman na s'ya sa motor n'ya pero bago n'ya paharurutin yon ay may napansin ako sa kamay n'ya.
"Wait!" Nilapitan ko naman s'ya at bigla kong hinawakan ang kamay n'ya kaya kumunot naman ang noo n'ya.
"Txz!" Mabilis n'ya namang binawi yong kamay n'ya sa pagkakahawak ko.
"Anong nangyari d'yan?"
"Txz!" Pinaharurot n'ya naman ang motor n'ya at iniwan akong nagugulat sa nakita ko.
Puro dugo ang kamao n'ya, at saan na naman ba s'ya sumabak? Wala na bang ibang alam yon kundi ang sumali sa gulo at magpabugbog?
Sandali nga? Ano bang pakialam ko sa babaeng yon? Tch! Nag doorbell na'ko at mabilis naman akong pinabuksan ni Manang, hindi na'ko kumain at dumeretso na lang sa kwarto ko para magpahinga.
YOU ARE READING
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
ActionWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
