Chapter One

24.8K 215 9
                                    

—-

-Drin-

"HELLO DREI!" bati sa akin ng mga nakakasalubong ko sa hallway... ningingitian ko na lang sila at maya maya ay mapapa iling. Panu naman kasi hindi naman ako si DREI... ako si DRIN... pero hindi ko sila masisisi kung mapagkakamalan nila akong si Drei.

Magkamukhang magkamukha kasi kami ng kakambal kong iyon, halos wala na kaming pinag kaiba pagdating sa pisikal na kaanyuan at pagdating din sa paguugali.

May dalawa akong kakambal na lalaki, si Drei at si Drenz. Ang sabi ni mama, nasa lahi na daw namin ang mga kambal, tulad na lamang ng mga pinsan namin na sil Gerone, Gavin at Grin na tulad namin ay mga triplets din at ang fraternal twins na sila Raven at Hawk.

Sa aming tatlo, kami ni Drei ang wala kang makakakitaan na pagkaka iba namin. Si Drenz kasi, medyo mahaba ang buhok nito, may pagkabalbon dahil may balbas ito na pinapabayaan niya lang naman na tumubo at tsaka seryoso masyado at tahimik. Kami ni Drei, pareho kami ng istilo ng pananamit, ugali, at gupit. Magkakamukha kaming tatlo, pero may palatandaan naman kami kahit papaano.

 Ang palatandaan naman namin ni Drei, ako may nunal ako sa tenga ko, minsan napagkakamalan iyong hikaw. Si Drei naman may nunal siya malapit sa mata na nasa bridge ng ilong nito.

Kung may pagkakatulad man kaming tatlo, yun yung mukha namin na magkamukha naman talaga, boses, at mga mata—hindi ko alam pero sabi ni mama lahat daw kami ang kulay daw ng mga mata namin is gray... patunay na may nananalatay na dugo ng isang Andrano sa amin.

"Yo brothers!" bati ko sa mga pinsan at kapatid ko. Kompleto sila doon sa pwesto namin sa University, maliban sa kakambal kong si Drei.

Nandun si Gavin, na may kung anong pinag ta-type sa laptop nito, ang kakambal nitong si Gerone na abala na kadaldalan ang pinsan naming si Hawk, si Grin na seryosong nagbabasa at ang kakambal kong si Drenz na as usual, tulog.

Sila Gavin, Gerone at Grin, tulad namin mga triplets din ang mga iyan. Pinsang buo namin sa mother side. Maging si Hawk ay pinsan din naming buo. May kakambal naman siya na babae.

"Hello Drin!" bati sa akin ni Hawk. Ningitian ko lang siya at tumabi sa gitna nila ni Gerone.

"Anong pinag uusapan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala! Tungkol lang sa mga babae" nakangising sagot ni Hawk. Binatukan ko nga.

"Ikaw talagang bata ka! Babae palagi ang nasa isip mo!" sermon ko dito. Mas bata kasi si Hawk sa amin ng dalawang taon, samantalang kami nila Gavin ay magkaka edaran lang.

"Tsk Drin naman, parang di mo naman iyon gawain" nakasimangot na sabi nito habang himas himas nito ang ulo na binatukan ko kanina.

"Tsk at least ako graduating na eh ikaw? Isumbong kita sa ate mo eh!?" nakangising pananakot ko dito. I am referring to her twin sister, Raven. Agad naman siyang namutla

"Wag! Di lang batok abot ko doon! Baka sipa pa!" namumutlang sabi nito. Natawa na lang ako. Si Raven lang naman ang sadista nitong kakambal. Daig pa nito ang mama nila kung makapanermon kay Hawk. Under nga si Hawk sa kakambal niyang iyon eh.

"Ikaw naman pinsang Gerone. Tinotolerate mo tong si Hawk" baling ko naman kay Gerone. Ngumisi lang ito.

"Dude, sayang ang kagwapuhan ni Hawk kung di siya man chi-chick" napailing na lang ako. Aaminin kong lahat kaming magpipinsan ay may kanya kanyang kalokohan sa mga babae...kahit ang dalawang seryosong sila Grin at Drenz ay may mga kalokohan din yang mga iyan pero we know our limitations. Aba takot lang namin sa mga mama namin na laging pinapaalala na huwag manakit ng mga damdamin ng mga babae.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon