Chapter Twenty Seven

8.1K 189 21
                                    

---

-Wise-

Pangatlong araw na namin ngayon ni Drin sa bahay ng pamilya niya. At sa tatlong araw na pagsasama naming iyon ay napakasaya ko. Sa isang iglap, nagkatotoo ng matagal ko ng pinapangarap. Ang makasama siya.

Dati pinapangarap kong sa paggising ko mukha niya ang makikita ko. Dati sa tuwing pinag luluto ko siya, di niya kinakaiin ang mga niluluto ko para sa kanya. Ngayon siya na mismo ang nagsasabing ipagluto ko siya. Dati hindi niya ako ningingitan ngayon, pati tawa niya naririnig ko na ngayon pag magkasama kami.

Sobrang saya ko dahil sa loob ng tatlong araw, lahat ng pangarap ko natupad. Wala naman na akong ibang pinangarap noon kundi si Drin eh, at ngayon abot kamay ko na lang siya.

Sa loob ng tatlong araw, para kaming mag asawa ni Drin. Kontento na ako sa sa mga nangyayari sa amin—pero alam ko darating din ang punto na kailangan ko ng magising sa magandang panaginip na ito.

"Hey" napapitlag ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko na ito kailangang lingunin dahil alam ko na kung sino ang nag ma-may ari ng mga braso na nakapulupot sa bewang ko ngayon.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, what are you thinking?" tanong nito sabay halik sa ulo ko. Umiling iling ako.

I'm thinking about you—us

"Nothing" sagot ko dito.

"Hmmmm" I heard him hummed. Pinaharap niya ako dito kaya ngayon ay nakikita niya na ang mukha ko. Hindi ko magawang salubungin ang tingin nito.

He cupped my face and forced me to look at him—straight to his grey piercing eyes.

"Hindi nothing lang ang pinapakita ng mukhang ito. Tell me, what are you thinking?" pagpipilit nito.

"Wala nga" pag gigiit ko. Bakit ba ang kulit ng lalaking to? Haist.

Nanlaki yung mga mata ko ng bigla ako nitong halikan sa labi. It's just a smack but that is enough to make my heart beat like crazy.

"What are you thinking?" tanong ulit nito.

"Wala nga—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng humalik na naman ito.

"I said what are you thinking?" tanong ulit nito.

"Wala—" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng halikan ulit ako nito. This time the kiss was longer, deeper. Napakurap kurap ako ng mga mata ko but in the end—kusang bumigay ang mga ito at pumikit.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na yun—the last thing I knew is I'm catching my breath after the kiss.

"Ano mag sisinungaling ka pa ba?" tanong ni Drin after he broke the kiss. Tulad ko hinihingal din ito. Umiling iling ako. So kaya niya ako hinahalikan dahil nag sisinungaling ako?!

"So, what are you thinking?" napabuntong hininga ako.

"I'm thinking—about us..." pag amin ko dito. Kasabay ng pag amin ko dito ang pamumula ng pisngi ko. Nag iwas na din ako ng tingin dito. Pero binalik nito ang mukha ko sa pagkakatingin sa kanya. Nakita ko itong nakangiti.

"So anong iniisip mo—about us?" tanong nito ng nakangiti.

"Iniisip ko kung ano bang meron tayo Drin" seryosong wika ko dito. Nawala ang pagkakangiti nito at nabitawan nito ang pagkakahawak sa mukha ko. Tumalikod din ito sa akin.

Mariin akong napapikit. This is the reason why I don't want to tell him. Alam ko ang magiging reaksyon nito at sa pinapakita nitong reaksyon hindi ko maiwasang masaktan.

Out of my LeagueWhere stories live. Discover now