Chapter Eighteen

7.9K 191 16
                                    

(Thank you so much for the comments and votes guys! Love you po ^^... Dedicated para kay @AolPrincess ^^)

---

-Drin-

Habang nag di-dinner kami ay pilit kong hinuhuli ang tingin ni Wise, pero kahit isang sulyap man lang ay hindi nito nagawa! Nag tatawanan ang parents namin pati na din ang pamilyang Salvador, kami lang ni Drenz ang nanatiling walang imik.

"So tell me hijo, panu kayo nag kakilala ni Wise?" tanong ni Mrs. Salvador kay Drei

"Oh, kaibigan po kasi namin si Clever kaya nakilala namin si Wise ng minsang ipakilala ito ni Clever sa amin" nakangiting sagot naman ni Drei. I remember that day, yung araw kung kailan namin unang nakilala si Wise.

"Sure kayong dito yung bahay ni Clever?" tanong ni Drei. Nasa labas kasi kami ng bahay—o mas tamang sabihin na mansion dahil sa laki nito. Wala kaming makita sa loob dahil sa taas nong gate. May usapan kasi kaming matutulog dito ngayong gabi na ito. Trip lang namin. Slumber party kumbaga. Tapos na naming tulugan yung Hacienda Andrano kung saan nakatira yung triplets na Andrano at sa bahay namin. Turn naman ni Clever na mag patulog sa amin sa bahay nila.

"Oo nga! ang kulit mo naman Drei" naiinis na sabi dito ni Gerone

"Sorry ah ayaw ko lang kasing mapahiya kasi ibang bahay yung pinag tanungan natin. Drin napindot mo na ba yung doorbell?"

"Oo. Maghintay ka kasi" sagot ko dito. Excited kasing makapasok sa loob eh. Well ako din naman curious na kung anong hitusra yung bahay nila Clever.

Pagkapindot ko nong doorbell ay agad na nagbukas yung gate. Isang security guard yung nagbukas nito.

"Ano pong kailangan niyo?"

"Ah kami po yung mga kaibigan ni Clever" si Grin ang sumagot.

"Ahh kayo po pala yung bisita ni Sir Clever. Pasok po kayo" niluwagan nito yung pagkakabukas sa gate tsaka para makapasok kami. May isang katulong ang sumalubong sa amin at iginiya kami papasok sa loob ng bahay, sa may sala.

"Tatawagin ko lang po si sir Clever" pag imporma nito. Sabay sabay naming inilibot yung mga mata namin sa bahay. Halatang mamahalin ang mga gamit at muwebles na naroroon. May chandelier din at sobrang linis ng sahig. Parang mahihiya kang tumapak doon dahil baka madumihan mo pa.

Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang family portrait na parang ito ang pinaka sentro ng sala.

"Yan pala yung kapatid na babae ni Clever" si Drei ang nag salita. Lahat pala kami ay nakatitig na sa portrait.

"Nabanggit niyang may kapatid siyang babae pero di niya nabanggit na maganda pala ito" dagdag ni Gerone.

"Ikaw Gerone lumalabas na naman yang pagka playboy mo" saway ni Gavin dito

"Playboy na kaagad? Come on! I'm just appreciating her beauty! Bawal na ba yun ngayon?" depensa naman ni Gerone sa sarili.

Nakarinig kami ng mga yabag pababa at di nagtagal ay may nakita kaming taong pababa ng engrandeng hagdanan. Pero hindi si Clever iyon, babae.

"Wise! Bumalik ka dito!" dumagundong sa buong kabahayan ang sigaw na iyon—na boses ni Clever.

"Ayaw ko nga!" sigaw pabalik ng babae dito. Napatanga na lang kaming magpipinsan ng makita naming maghabulan ang mga ito pababa ng hagdan.

"Pag ikaw nahuli ko humanda ka sa akin!" banta ni Clever sa babae pero hindi pa rin tumigil yung babae at nagtuloy ruloy sa pag tkbo. Nakababa na yung babae sa hagdanan at patuloy pa rin ito sa pagtakbo pero natigilan ito ng makita kami sa sala.

Out of my LeagueWhere stories live. Discover now