Chapter Fourteen

7.1K 186 17
                                    

(dedicated kay @nor_aina15 haha natawa ako sa comment mo! Thank you po ^^)

[Hello guys! Dahil wala akong pasok ngayon kaya napaaga ang update hahah! Ewan ko Cordelleira Day ata XD pati na din sa Friday wala kaming pasok kaya happy happy si Antukin ngayon^^]

---

-Wise-

"WHAT?!" gulat kong sabi kay Drei. Napangiwi ito dahil sa pagsigaw ko.

"I said—" panimula nito na balak pa atang ulitin yung sinabi nito kanina pero hindi ko na ito pinatapos.

"No.way" madiing sagot ko dito.

"But Wise pretty please? Just for this night! Pag bigyan mo naman ako!" paki usap nito pero hindi ko ito pinansin.

"Look boss, kahit maglupasay pa kayo sa harpan ko hindi ako sasama sa inyo sa party na sinasabi niyo! It will just bored me to death maawa ka naman sa akin!" pag tanggi ko dito.

Nagulat ako ng bigla ako nitong patawagin sa loob ng opisina nito. May importante daw itong sasabihin sa akin. Akala ko kung anong importante na iyon pero, hindi naman dahil niyayaya lang ako nitong maging date nito sa isang party na dadaluhan nito.

"Matatanggihan mo ang mukhang to?" sabi nito sabay turo sa mukha nitong naka pout at puppy eyes pa! He looked so cute and hard to resist! Kaya bago pa ako maluko ng mukhang iyon ay ipinikit ko na yung mga mata ko.

"My answer is still a no Drei! Tsk bakit ba kasi ako pa ang niyayaya mo? eh mas marami namang mga babaeng magandang di hamak gan kesa sa akin eh!" yamot na sabi ko dito

"I don't want them, I want you" sabi naman nito

"Eh yung girlfriend mo?! siya na lang ayain mo!"

"I don't have a girlfriend, if I have one then I won't bother asking you anymore"

"Tsk ede mga flings mo!"

"I want you!"

Napapikit na lang ako. Ang kulit nito!

"Drei naman sabi ng ayaw ko—"

"Please?" pagsusumamo nito, ginamit na naman nito yung charms nito sa akin, pouty lips and puppy eyes, napapikit ako ng mariin para hindi ko ito makita at muling nag dilat ng mga mata para lang makita na nakaganun pa din ito! Feeling ko nakatitig ako sa mga mata ni Puss, ang kaso kulay abo lang ang mga mata ni Drei samantalang kay Puss is green.

"Please?" napapikit ako ng mariin

"Arrgh fine!"

"Yes!" tumayo ito at niyakap ako

"Thanks Wise!" ng humiwalay ito sa akin ng pagkakayakap ay hindi nakaligtas sa akin ang nakakalokong ngisi nito at hindi ko maiwasang di kabahan sa ngising iyon.

Their playful smirk only means one thing...

Trouble

---

"Oh! Look who's here? The famous Andrei Lee!" pagpasok pa lang namin ni Drei sa bulwagan ay may sumalubong na kaagad sa amin na isang may edad na babae. Ngumiti dito si Drei at bumeso sa ginang.

"I'm glad that you came" magiliw na sabi ng ginang.

"Well I cannot resist your invitation Mrs. Gomez, by the way I want you to meet Wise Kinsley Eugenio" pag papakilala sa akin ni Drei dito. Tipid naman na ngumiti ako at inilahad ko ang kamay ko.

"Hello po!" magiliw na bati ko dito. Kinuha nito ang kamay ko at sa gulat ko ay bumeso ito sa akin.

"No need to introduce her to me my dear, I know her as well as her brother! Sino ba ang hindi makakakilala sa batang ito kung kasabay ng pagsikat ng pangalan ng kuya nito sa larangan ng negosyo ay ang pagsikat din naman nito sa larangan ng media?" nakangiting turan ng ginang. Mas lalo akong napangiti sa sinabi nito.

Out of my LeagueWhere stories live. Discover now