Chapter Twenty One

7.2K 183 9
                                    

(Dedicated para kay @chriztu)

---

-Wise-

"Ano ba Drin!" saway ko dito. Kasalukuyan ko itong inaalalayan papasok sa guestroom ng unit ko. Lasing na lasing ito at halos hindi nito magawang makatayo sa sarili nitong mga paa. Nagtataka pa nga ako kung paano ito nakapunta sa unit ko, at bakit sa unit ko pa ito nag punta!

"Ugggh" tanging ungol lang ang isinagot nito at tsaka nilapit ulit ang mukha nito sa leeg ko na inilayo ko naman kaagad.

"Drin!" tili ko ng yakapin ako nito sa bewang ko. Nakaakbay na ito sa akin at bigat na bigat na ako sa lagay na iyon, lalo pang nadagdagan ng niyakap ako nito. Parang nalipat lahat sa akin ng bigat nito. Hindi ko nakayanan ang bigat nito kaya pareho kaming bumagsak sa sahig.

"Aray ko" daing ko ng maramdaman ko ang malamig na sahig ng unit ko. Lumanding sa ibabaw ko si Drin.

Nag angat ako ng tingin at nakita kong nakangisi ito sa akin. Tinulak ko ito but he won't budge .

"Drin ano ba pwedeng umalis ka na sa ibabaw ko?" inis na sita ko dito pero ang gwapong mama, ningisihan lang ako at nilapit pa ang mukha sa akin. Tinitigan ko ang namumungay na mga mata nito dahil sa kalasingan.

"No way. I like it here" wika nito sa lasing na boses.

"You like it but I hate it. ANo ba Drin! Ang bigat bigat mo kaya!" tinulak ko ulit ito pero mas lalo lang nitong dinagan ang sarili nito. Natigilan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig when I realize something. Nasa ibabaw ko si Drin. I just realize how awkward our position is!

"D-Drin..."

"Bakit Wise?" malambing na tanong nito. Napatitig ako sa mga mata nito at parang hinihigop nito ang pagkatao ko dahil sa tingin na ipinupukol nito sa akin.

Nagkaroon ng katahimikan. Walang gumagalaw ni isa sa amin ni Drin at nanatili kaming nakatitig sa isat isa. Nakita kong napatingin ito sa labi ko, parang automatic na nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Kitang kita ko kung paano magdilim ang mga mata nito at ang paggalaw ng adams apple nito. Maging ang mabilis na tibok ng puso nito na nadadama ko sa aking palad na nakalapat sa malapad nitong dibdib.

Unting unting bumaba ang mukha ni Drin sa akin. mas lalo akong na alarma ng naisip kong hahalikan ako nito. gahibla na lang ang layo namin sa isat isa ng tinipon ko lahat ng lakas ko ko at tinulak ko ito ng ubod ng lakas. Nagtagumpay ako at dali dali akong tumayo at lumayo dito.

"Ouch" rinig kong daing nito. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Get up there bastard. Hindi na kita tutulungan" nakapamewang na saad ko dito. Tumingala ito sa akin at parang nag mamakaawa ito sa akin na tulungan ko ito pero nag matigas ako. Tinuro ko ang pinto ng guestroom.

"Doon ang guestroom. I don't care kung paano ka pupunta doon. Crawl if you want but I want you there in a minute. Kukuha lang ako ng mga gagamitin ko para mahimasmasan ka sa kalasingan mo." bago pa ito umangal ay tinalikuran ko na ito at tinungo ko ang kusina. Pag dating ko doon ay tsaka ko lang pinakawan ang isang malalim na buntong hininga. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Damn you Drin... you're the only one that can me go crazy!

---

-Drin-

Napangisi na lang ako while I'm watching Wise walk away from me. Ng mawala na ito sa paningin ko ay tumayo na ako at tinungo ko ang pinto ng guestroom. Hindi naman talaga ako lasing eh. Nagpapanggap lang ako dahil may pinaplano akong gawin. Akmang pipihitin ko na pabukas ng pinto ng guestroom pero nakita ko ang isa pang pinto na katabi nito at kung tama ang iniisip ko, ito ang pinto ng kwarto ni Wise. Pinihit ko iyon pabukas at tama nga ang hinala ko.

Out of my LeagueWhere stories live. Discover now