6

243 4 0
                                    

para akong nasa bangin
naghihintay na sagipin.

ikaw ang hinihintay.

nag-aabang na dumating
para hindi na dumaing
sa sakit ng kamay
na ngayong nangangalay.

ngunit pupunta ka ba?

alam kong hindi na ako
pero umaasa pa rin ako
na sasagipin mo
ang taong minsang minahal mo.

mga tula at prosaWhere stories live. Discover now