26

60 2 0
                                    

"nakakabighani ang iyong kagandahan"
saad niya sa 'kin habang ako'y pinagmamasdan.
hindi mawari, nagugulumihanan
pinaintindi niya sa akin, maganda ako sa kaniyang paningin.
hindi pa rin lubos nagtitiwala sa kaniyang mga kataga
kaya gamit ang kamay, sapilitang kinuha ang kaniyang mga mata
isinuot sa aking mukha at nagalit sa nakita,
siya'y isang sinungaling, walang pinagbago ang aking repleksyon sa salamin.

mga tula at prosaWhere stories live. Discover now