19

83 2 0
                                    

"hiling"

ikaw ang may sabi na tutuparin mo ang kahilingan ko kahit isang beses lamang sa tanang ng aking buhay. ngunit heto ako at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin na mangyari iyon. pinaniwala at pinaasa mo ako sa wala. nagmukha akong tanga sa harap nila. hindi naman mahirap sabihin ang salitang "hindi" 'di ba? maiintindihan ko naman. ah alam ko na, kaya pala hindi mo mabitaw-bitawan ang katagang iyon ay dahil umoo ka na sa iba. ang galing mong magtago. sa sampung taon na pinagsamahan natin, puro awa at hindi na ba pagmamahal ang iyong nararamdaman? mahirap bang sabihin sa akin na ayaw mo na? na may iba kang minamahal? ayaw mo akong masaktan? ano bang klaseng palusot iyan, gasgas na. sana ramdam mo kung gaano kasakit para sa akin na malaman ang lahat ng iyon na nagmula pa sa ibang tao, para kahit man lang sa damdaming iyon ay magantihan kita.

mga tula at prosaWhere stories live. Discover now