Chapter 32: Don't Touch Me

6.3K 249 175
                                    

"You're not supposed to cry. Stand up and let everyone kneel for your attention."

Akmang tatayu pa sana ako nang mabilisan baka kase may nakakita saken pero kagad na ako netong inalalayan.

Ang tanga ko talaga. I never learned my lesson. How dumb am I to even ignore the mixed signals? I'm so dumb and naive to think that seeing her kneeling in front of me, saying those words...you're so stupid, Alexandra.

So so stupid.

Why did I let myself go this far just to question myself with questions that I already have the answers?

They...they used me.

"You're still pretty when you cry.."

Natauhan ako sa sinabe neto kaya napapunas ako bigla ng mata ko pero kagad ako netong inabutan ng panyo neto. Alanganin pa sana akong tanggapin eto kase baka sumingha pa ako ng sipon dun pero ngumiti lang eto at siya na mismo pumahid ng mga luha sa mukha ko na ikinahiya ko bigla.

"S-sab...ako na.." nahihiyang sambit ko.

"Let's go to the clinic. That wound might be deep.." sagot neto na hindi man lang pinansin ang sinabe ko't patuloy pa netong pinunasan ang mukha ko at inayus yung buhok ko sa tenga.

She was holding my waist as I was clinging to her nang mag umpisa na kaming humakbang patungo sa clinic which is making me panic kase napakaarte pa naman neto at hindi nagpapahawak sa mga kung sino sino lang.

But she made me feel like it's okay, that she got me and she was trying to help kaya hindi na ako umangal pa baka sabihin ako na naman yung maarte.

Nang makarating kami sa clinic ay kagad kaming inasikaso ng nurse assistant dun kase wala pa daw yung mismong nurse na ikinagalit naman ni Sabrina.

"No, you will not touch her. Sabihin mo sa nurse na yan na if she's not here in five minutes, she better ready her resignation letter." Pasungit pa netong sagot sa nurse assistant na halos mangiyak ngiyak na kase di na alam ang isasagot.

"Sab, wag na siya na lang saglit lang naman ata to.." saad ko na ikinatigil naman kagad niya.

"You sure?" pagsisigurado neto na ikinatango ko naman.

"Okay."

Kagad na nilinisan ng nurse assistant yung kamay ko't pinaglagyan ng mga kung ano ano habang si Sabrina naman ay pinapanood ang bawat kilos neto.

Di naman malalim yung sugat ko pero takte ang hapdi nong nilagay!

"Hubarin niyu na lang po yung vest ng uniform niyu po para hindi po kayu mahirapan gumalaw." Suggestion ng nurse assistant na akmang tutulungan pa sana akong hubarin eto pero napatigil eto sa titig ni Sabrina na halos parang sinusunog ang buong kaluluwa neto.

"S-sorry po.."

Agad ko na lang na hinubad nang mabilisan ang vest ng uniform ko't sinama na rin ang necktie ko. Tanging skirt at nakatucked in na white long sleeves na lang ang natira na inunbutton ko pa ang dalawang buttones sa itaas banda ng dibdib ko upang makaramdam ako ng aliwalas. Nang akmang ilalagay ko na sana ang vest ko at ang necktie sa likuran ng upuan ko banda ay napatigil ako nang makita kong nakatitig lang silang dalawa saken na animo'y nakakita ng kung ano na halos di sila makagalaw sa pwesto nila.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon