#41 Meteor Garden ni Roi

8 0 0
                                    

Sinamantala namin ni Roi yung buong Recreation sa garden niya. 

ALEX POV

At simula nun hindi na ako madalas nakakapag-recreation. Hindi ka naman din nila papasahan ng bola o palalaruin kase di ka nga marunog eh. Kaya nandito na lang ako sa garden ni Roi. Dinidiligan yung mga talong niya. Yung pananim niya para palaging mataba, malaki at mahaba. 

"O! Alexis hijo!" 

Sabi ni Sis. Zeny sa akin 

"Bakit hindi ka naglalaro??"

"Ay nako Sister, wala naman akong mapapala sa laro laro na yan. Mas maigi pa ako dito sa garden ni Roi dinidiligan ko yung mga pananim niya... Tsk parang mag-iisang buwan na akong ganito. Pag nandito ko feeling ko nawawala yung mga problema ko. Parang napaka-at peace ko." 

"O siya Alexis, pakuha ako ng talong at lulutuin ko. Ito na yung ulam niyo ngayon."

Ani ni Sister habang patuloy lang akong nagdidiling habang kumakanta ng Leaves ng Ben and Ben at nahuhulog yung mga dahon mula sa puno ng manga. Mabilis na dumilim ngayong panahon na ito. Ilang araw na lang December na. Kaya malamig na ang simoy ng hangin at abala na kami sa pagkakaroling at paghahanda para sa PASS-KOH. 

Paglingon ko, nakita ko na tinangal na ni Sis. Zeny yung belo niya dahil sa init. Madili kase siyang pawisan. Minsan magugulat ko na lang sa kanya talaga. Lalo na nung una ko siyang makita na mag-alis ng belo. Pero ngayon normal na yun na nakikita ko sa kanya. 

***

Kahit pa gabi bago matulog binabalikan ko ang garden ni Roi para muling diligan ang mga pananim. Hindi na rin ako masyadong nagdarasal. Tila na-attach na ako sa halamanan na ito. Ewan ko ba, may naalala lang kase akong isang tao. Yung isang taong minsan ko nang naging kasanga at minsan na ring nagpapawi ng kalungkutan ko sa loob. 

(Reminisce) 

Nadatnan ako ni Kuya Gelo na malungkot habang nakaupo sa Chapel ilang minuto bago mag-midday. 

"Oh bakit malungkot yang beshy ko na yan?"

Tumabi siya sa akin at nakita niya akong umiiyak habang nakatingin sa altar.

"M-may chicks ka na noh?"

Nabigla ako sa binulaslas niya. 

"Nainlove ka noh? Sino ba yan? Maganda ba yan?"

"..."

Nanahimik na lang ako. 

"Sige na oh, kwento mo naman sa akin oh. Anong nagustuhan mo sa kanya? ah?... Wag mong sasabihing nagkakacrisis ka dahil sa kanya. Dahil lang sa babae, Alexis lalabas ka? Isusuko mo ang bokasyon mo sa ngalan ng pag-ibig?"

Hindi niya talaga alam ang sinasabi niya... Mas lalong hindi niya alam na siya ang nasa likod ng mga luha ko. Bakit ba kase unang beses ko na nga lang iibig sa kanya pa. Sa kanya pa na dapat kapatid ko lang. Pero higit ba doon ang tingin ko sa kanya. Kaya naman labis labis ang pag-sososrry ko kay Lord nung mga panahon na iyon. 

***

"Sorry?? SORRY?? Nag-sosorry ka ba talaga Alexs?"

Luh sino yun?? Nagsimulang tumayo ang balahibo ko at ang lamig. 

"I-Ikaw nanaman??"

Nagpakita nanaman sa akin yung kamukha ko. 

"Sure kang nagsisi ka sa mga feelings mo?? Guilty ba talaga yang beshy ko na yan??"

Nagulat ako nung tumabling siya papaikot sa akin. 

"Tigilan mo nga yan! Bakit mo ba ako ginugulo??"

"Kase ito ang trabaho ko Alex ang mangulo. Lalo na ng mga taong kagayo mo."

𝕯𝖚𝖈 𝖎𝖓 𝕬𝖑𝖙𝖚𝖒Where stories live. Discover now