Kabanata 1

23 6 5
                                    

Teacher:
Sir Newrith

Grade 12 Philippians Students:

Azreath Adler
Austin Huxley

Hugo Mintz
Mikaela Marblemaw
Trisha Tatcher
Mikayla Bozzelli
Jeff Cromwell
Elaiza Fellowes
Rhian Windward
Grace Yarrow
Matthew Wixx
Dwight Humblecut
Jay Hansley
Nicole Dustfinger
Angel Biddercombe
Ludicrous Lauriel
Kiro Madden
Kate Whitlock
Gia Hayes
Gio Hayes
Neil Hats
Adrian Katz
Dave Remington
Narziso Sharpe
Seirious Singh
Renz Ashford
Seah Humington
Mark Salvettere
Justine Woodpecker
•••••
T

hird Person Point Of View

"Welcome to mobile legends five seconds..."

"Tamaan mo t*nga!"

"Until the enemy reach the battlefield... "

"Waahhhhhhh ipis!!!"

"Ang ingay n'yo!"

"Smash them! All troops deployed."

"Nakakakilig naman 'tong pinapanood ko!"

"Sanaol nakakakilig."

"Asawa ko yan ahhhhhh! "

"Alam niya ba? "

Yan ang dinatnan ng Sir Newrith sa room. Napaka ingay pero sanay na siya rito. Malapit na rin silang magtapos at alam niyang mamimiss niya ang mga 'to.

Lumapit si Sir Newrith sa kaniyang lamesa at kinalampag ito na naging sanhi ng pagtahimik ng mga estudyante.

"Mga anak. Malapit na kayong magtapos at alam kong mamimiss ko kayo." Natawa siya dahil sa panunudyo ng estudyante niya.

"Napagdesisyonan ko na magkaroon tayo ng field trip. 'Di 'to alam ng principal dahil atin atin lang 'to. Napag-usapan na rin naman namin ng President niyo at ng Vice-President niyo at um-oo naman sila." Pagpapaliwanag ni Sir Newrith.

Tumayo naman sina Azreath at Austin. Sila ang mga President at Vice-President ng klase.

"Agree ba kayo? Kasi malapit na tayong grumaduate at gusto sana namin na magbonding tayong lahat." Tanong ni Azreath.

"Um-agree na kayo bawal humindi. Ang 'di sasama hindi gagraduate sabi ni Sir." Pananakot pa ni Austin.

"Talaga Austin? Ah my heart. 'Kala ko ba 'di ka nagsisinungaling? Akala ko ba- ARAY!!! " Daing ni Hugo ng batuhin siya ng eraser ni Austin.

"Manahimik ka nga diyan Pugo."

"Anong Pugo?! Hugo 'yon Vice Hugo!!"

"Whatever."

"Sana all pinapatahimik." Singit naman ni Seah na mukhang singit.

Nilingon siya ng buong klase maliban kay Sir Newrith na nakikinig lamang at inirapan nila ito. Tsaka na sila nagpatuloy sa pinag-uusapan nila.

Sa kalagitnaan ng pag uusap nila ay sumingit na naman ang isa nilang kaklase na si Mikaela.

"Uhhh guys? What you'll talking about?"

"Ahhh right englishera pala ang isang 'to." Pairap na sabi ni Azreath.

Mabuti na lamang ay sumingit si Austin. Baka mag-away pa ang dalawa. "As we said, again. We are talking about our field trip so are you up?"

" Oh, yes! I loved field trip you know that I am always-"

" Oo, Mikaela. Sasama kana." Pagpuputol ni Azreath kay Mikaela. At natawa lamang si Austin at si Sir Newrith.

"So I guess, wala namang hindi sasama sainyo. Here's the choices of places where we can have our field trip." Sabi ni Sir Newrith nagbibigay ng tig-iisang papel bawat estudyante at may nakalagay na larawan na maaari nilang puntahan para sa kanilang field trip.

"Makikita n'yo r'yan na may tatlong picture ng mga lugar kung saan natin gagawin ang nasabing field trip. Sa una ay sa skyranch alam n'yo na 'to dahil halos ang field trip ng school ay 'yan ang pinupuntahan. Sa pangalawang picture naman ay ang mansion, med'yo liblib ang lugar na 'yan wala ring internet para sa mga gadgets n'yo pero maganda ang view. P'wede kayong mag picture taking d'yan pero I guess made-delay ang pagpopost ng pictures n'yo dahil wala ngang internet. And lastly ay camping, halos meron tayo niyan taon-taon pero kayo pa rin naman ang magde-decide kung sa'ng lugar n'yo gustong ganapin ang field trip." Pagpapaliwanag ni Sir Newrith sa ibinigay niyang papel.

"Makikita n'yo r'yan na may maliliit na box. Kulayan n'yo o i-shade ninyo ang napili n'yong lugar. At pagkatapos ay ilagay ito sa box na hawak ko." Dagdag pa ni Sir Newrith.

Tumango-tango naman ang mga estudyante at nagsimula ng bumoto.

Nang lahat ay inilagay na ang kanilang papel sa box ay kinuha ito ni Sir Newrith isa-isa at bnilang na kung ilan ang mga bumoto sa tatlong lugar na kanilang pupuntahan.

Tatlo ang bumoto sa skyranch at ito ay sina Mikaela, Trisha at Mikayla. Ang trio na puro ganda at med'yo matalino. Mga richkid at sila lang ang bumoto sa skyranch.

Labing-isa naman ang bumoto para sa camping. Si Hugo, Seah, Jeff, Elaiza, Rhian, Grace, Matthew, Dwight, Jay, Nicole, Angel.

Habang labinglima naman ang bumoto sa mansion. At ito ay sina Azreath, Austin, Ludicrous, Kiro, Kate, Gia, Gio, Neil, Adrian, Dave, Narziso, Seirious, Mark, Justine at si Renz.

"Malinaw naman na sa mansion tayo mag f-field trip. Wala tayong babayaran dito except sa bus at sa pagkain ninyo." Saad ni Sir Newrith.

Tumango-tango naman ang mga ito.

Napansin ni Sir Newrith na masama ang timpla ng tatlong magkakaibigan sa sulok na sina Mikayla, Mikaela at Trisha.

"Mikaela. It's okay if you don't want to go with us on the mansion. If you want the three of you can bonding on the skyranch while us will go in the mansion." Pagkikipag-usap niya kina Mikaela.

"No sir I wan't to see my crush so I'll go with you." Sabi naman ni Mikaela.

"Sanaol gustong makita si crush." Singit na naman ni Seah pero walang pumansin sa kaniya.

"Ang harot, tss." Bulong naman ni Azreath kaya siniko ito no Austin pero sinamaan naman siya ng tingin.

"Oh well. So guys tomorrow ang alis natin, later pack your things na. And ang call time natin will be 9:00 am." Sabi ni Sir Newrith and everyone's agree.

"Maliwanag ba tayo?"

"Yes Sir!" Grade 12 Philippians.

"Okay class dismiss and wait just a reminder na wag niyong ipagsabi ito kahit kanino sa atin lang ito. Maliwanag?"

"Yes sir"

"Sige you can go." Pag papa-alis ni Sir Newrith sa mga estudyante.

Lahat ng mga estudyante ay pumunta na sa kani-kanilang bahay para ayusin at i-impake na ang kanilang mga gamit na kailangang dalhin para sa kanilang field trip.

Para kinabukasan ay ready na ang lahat at wala ng ihahabol pa na iba. Lahat ng estudyante ay excited para bukas dahil ang mansion ay bago lamang na desinasyon na kanilang pupuntahan. Siguro ay nagsawa na sila sa museum at boring doon dahil puro pictures at ibang art lang naman ang makikita roon. Lalo na at hindi mahilig sa mga art ang mga Grade 12 Philippians.

Its_GoldenDarkness || I.G.D.
July 12, 2023

ABC to DeathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora