Kabanata 6

9 1 1
                                    

Sumapit na ang umaga at naunang nagising sina Azreath at ang tatlong magkakaibigan na sina Trisha, Mikaela at Mikayla.

Nagbabayangan nanaman sila kaya nagising na lahat ng kanilang kaklase except kina Ludicrous at Austin dahil sa nangyari kagabi. Nakailang rounds din sila kaya pagod ang kanilang katawan at hindi agad nagising.

"Hayy umagang umaga bubungad sa'kin 'tong mga mukhang unggoy na 'to." Pagpaparinig ni Azreath sa tatlo. Pero ang mga 'to ay patuloy sa pag-uusap nila.

Nang makababa na sa sala para sana makapaghanda na ng kanilang kakainin nang makita nila sina Jeff at Matthew na wala ng buhay.

Napuno ng sigawan at tilian ang nasa baba dahil sa kanilang nakita, kaya nagising sila Ludicrous at Austin t'saka na sila bumaba at nagulat din sa kanilang nakita.

Halos masuka sila sa nakita dahil hindi normal ang pagkamatay ng dalawa para bang isang halimaw ang gumawa sa kanila nito, si Jeff ay lapnos na ang balat at kita na rin ang kaniyang bungo dahil sa umuusok pa ang plantsa na at nakapatong sa kaniyang mukha, tuluyan pa ding umaagos ang dugo niya mula sa kaniyang mukha.

Habang si Matthew naman ay puno ng pako ang mukha niya. Ang mga pako ay mga isang dangkal kung susukatin, hindi mabilan kung ilan ang nakasuksok sa mukha ni Matthew dahil napaka dami nito. Sa kaniyang mga mata pa lamang ay sampo na ang nakasuksok, meron din sa kaniyang tainga, bunganga, ilong at sa taas ng ulo niya.

"Shit, sigurado ako na may ibang gumagawa nito. Oo possessed ang mansiyon na ito pero hindi eto ang gumagawa nang pagpatay. Mayroong killer dito na kasama natin at uubusin tayo." Kalkasyon naman ni Hugo.

Si Austin naman ay lumapit sa mga katawan ni Matthew at Jeff 'saka niya sinusuri ang buong parte ng katawan ng mga 'to.

"Vice anong ginagawa mo?" Tanong ni Hugo ng makalapit kay Austin.

"May hinahanap ako Pugo, 'wag ka munang maingay." Pagpapatahimik ni Austin sa kaniya.

Inalis ni Hugo ang plantsa sa mukha ni Jeff at may kinuha roon. "Eto ba Vice?" Saad niya habang pinapakita kay Austin ang nakuha niyang maliit na plastic na may papel sa loob.

"Oo 'yan nga. Mark, Justine, Narziso at Renz. Iligpit niyo muna itong katawan nila Jeff at Matthew. Trisha and friends linisin niyo 'tong kalat." Pang-uutos ni Austin sa mga kasamahan niya.

"Ew! That's so disgusting you know? I will not touch their blood with my bare hands!" Maarteng reklamo ni Mikaela.

"You're stupid. Who said that you will clean that mess with your bare hands? Go get a towel and clean that mess like your face. A mess." Pambabara pa ni Azreath kay Mikaela.

"Kayong dalawa 'di talaga matatapos pag-aaway niyo 'no?" Singit ni Gio.

"'wag mo nalang silang pagkealaman Gio, mind your own business." Sabi ni Gia.

"Ikaw ang mag mind ng business mo, Gia." Pagmamaldita ni Azreath sa kaniya.

"P'wede ba Azreath, tama na muna 'yang pagmamaldita mo sa mga kasama natin. Mamamatay na nga tayo ayaw mo pang makipag close sa kanila." Pagbabawal ni Austin kay Azreath.

"Hindi naman kasi ako nakikipag kaibigan sa mga animals, e." Ayaw talagang patalo ni Azreath kaya hinayaan na lamang ito ni Austin.

"Sorry ha? Mas mukha ka pa ngang hayop sa amin, e." Ayaw paawat ni Gia.

"Sige na Azreath. Linisin niyo na 'to."

"Huh?! Why me?! Sa pagkaka-alam ko ang mga walanghiya ang maglilinis niyan tapos napunta sa'kin?!" Pagrereklamo ni Azreath. "I am not going to clean that disgusting thing." Dagdag pa niya.

Paalis na nagdabog si Azreath kaya wala ng nagawa si Austin kung hindi tumingin kila Mikaela at sa mga kasamahan nito. Hindi na siya nag salita at sila Mikaela naman ay alam na ang kanilang gagawin at hindi na sila nagreklamo at pumunta ng kusina upang kumuha nga kailangan upang malinisan ang nagkalat na dugo nina Jeff at Matthew.

"Bakit kaya gan'to? Nauuna 'yung mga may ambag tapos 'yung mga natitira mga... HAHAHAHA." Konklusyon ni Hugo kaya binatukan siya ni Austin.

"What if ikaw ang sumunod? Wala ka namang ambag, e." Pambabara ni Austin sa kaniya.

Eto namang si Hugo ay sinaniban na naman ng kawalang-hiyaan at humawak siya sa dibdib niya na para bang nasaktan.

"Ano ba 'yan Pugo nag-dadrama ka na naman, e hindi mo naman bagay." Singit ni Seirious kaya tumigil sa pagda-drama si Hugo at tumingin ng may panlilisik na mata kay Seirious.

"Ay hehe joke lang pala." Pagbibiro niya kay Hugo.

"Tsk tsk tsk. Hina mo naman pare." Sumingit naman itong si Mark.

"Manahimik ka rin diyan Mark at isama mo si Renz at ilagay niyo sa may washing area itong sofa dahil nagmantsa na dahil sa dugong nagkalatna nanggaling kina Jeff." Pang-uutos ni Austin sa kanila.

"Eh, Vice—", may sasabihin pa sana si Mark kaso nakita niyang seryoso si Austin kaya wala siyang nagawa kung hindi sumunod na lamang.

Binuhat nila Mark at Renz ang sofa pero narinig ni Austin ang pagrereklamo nito.

"Kami na nga nagligpit sa katawan nila Jeff tapos kami pa rin magbubuhat nitong sofa. Dami-dami naming kasamahan pero kami ang napag-utusan." Pabulong na reklamo ni Mark pero nadinig nila Renz at Austin ito.

"Lesson learned, 'wag na ulit magpapa-epal sa usapan." Sabi ni Hugo na narinig ang pagbulong ni Mark.

At ang iba naman ay tumawa except sa mga kababaihan na mayroong nagyayakapan, umiiyak, at natatakot dahil baka hindi na sila sisikatan pa ng araw. Na baka hindi na sila mabubuhay. Na hindi na sila magiging masaya sa labas ng mansion. Na hindi na sila magsu-survive dito sa impyernong lugar na ito. Kahit ang mga kalalakihan ay natatakot na rin, ayaw lamang nilang ipakita dahil tingin nila ito ay nakakabakla. Kahit sa paningin ng kanilang kaklase ay hindi naman dahil natural lamang na matakot sa ganitong uri ng lugar. Kung saan p'wede kang mamatay at hindi na muling masisilayan ang mundong na puno lamang ng kasiyahan at katahimikan. Hindi tulad dito puno ng ingay ng kahayupan, ng katatakutan at ang kamatayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ABC to DeathWhere stories live. Discover now