Kabanata 3

11 3 1
                                    

Third Person Point of View

Nang sumapit na ang gabi at ang dalawang bus na kanilang sinakyan ay umalis na, si Sir Newrith naman ay isinara na ang pinto at inilock ito.

"Eh Sir ba't niyo po nilock?" Tanong ni Hugo.

"Ahh. Napanood ko kasi kanina sa balita na malakas ang ulan mamayang gabi at wala itong tigil ng dalawang araw. T'saka proteksyon na rin 'yan kung merong wild animals malapit dito para 'di kayo maaksidente." Pagpapaliwanag ni Sir Newrith.

Sabay sabay namang nag 'ahh' ang mga estudyante at ang iba naman ay tumango-tango.

"Tara na sa dining kain muna tayo." Pag-aaya ni Sir Newrith sa kaniyang mga estudyante at ang mga ito naman ay tuwang-tuwa dahil pag usapang pagkain ay nabubuhayan ang kanilang kaluluwa.

Nang nasa lamesa na ang lahat ang mga estudyante tila nalula dahil sa dami ng pagkain.

"Wow! Ang dami, sa atin ba talaga lahat 'to Sir Newrith?" Tanong ni Hugo.

"Ay hindi Pugo baka sa kapre 'yan." Pamimilosopo ni Azreath sa kaniya.

"Ikaw ba si Sir Newrith? Manahamik ka nga Pres kuda ka na naman ng kuda, e." Saad naman ni Hugo habang naka kunit ang noo at si Azreath naman ay inirapan siya.

"Tama na nga 'yan at mag sikain na kayo." Pagbabawal ni Sir Newrith sa kanila.

"Hmm, ang sarap! Pahinging letchon Gio!" Sigaw ni Hugo.

"Ayoko" simpleng saad ni Gio at 'to namang si Hugo ay tumayo t'saka pumunta sa pwesto ni Gio at kinuha ang letchon sa pinggan niya.

"Sa'kin na 'to." Tuwang sabi ni Hugo at bumalik sa kaniyang pwesto at sa pagka-upo niya ay nawala na ang pagkain sa pinggan niya.

"Hoy sinong kumuha ng pagkain ko rito?!" Umangat ng tingin si Hugo at dumako ang mga mata niya sa mga naghihigkikan niyang tropa na sina Jeff at Matthew.

"Mga walanghiya hmp!" Wala nang nagawa si Hugo kun'di kumuha na lamang ulit ng pagkain.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay biglang nagsalita si Mikaela.

"Ew! What is this? It's disgusting!" Nandidiring sigaw ni Mikaela.

"Arte mo para lang sa kapirasong papel gumaganyan ka." Singit ni Gia na tila narindi na sa pagrereklamo ni Mikaela.

"Girl shut up."

"You shut up bitch." Tugon naman ni Gia at si Mikaela naman ay walang nagawa kaya nag walk out siya. Sumunod naman kay Mikaela sina Mikayla at Trisha.

Parang walang nangyari dahil ni isa ay walang tumigil sa kanilang pagkain. Tuloy pa rin ang iba sa pagnguya hanggang sa pinulot muli ni Nicole ang papel na nakain kanina ni Mikaela at binasa niya ang nakasulat doon.

"Let's play a game." Sabi ni Nicole at ang kaninang nasa unang bus kung nasaan si Sir Newrith ay napatigil sa pagkain at tumitig kay Nicole.

"Uhm bakit?" Takang tanong ni Nicole ng mapansin niya na nakatitig sa kaniya ang iba.

"What did you just said?" Gia asked.

"Uhm let's play a game." Pag-uulit pa ni Nicole.

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?!" Biglang sigaw ni Gia kay Nicole.

Habang si Nicole ay nagulat dahil sa biglang pagsigaw ni Gia sa kaniya.

"Hey Gia, 'di niya alam ang tungkol diyan and hindi mo ba narinig si Sir Newrith? Hindi naman daw sigurado kung totoo 'yon." Pagpipigil ni Gio sa kaniya.

ABC to DeathWhere stories live. Discover now