Kabanata 5

7 2 0
                                    

"Austin nakita namin tong papel nung binunot namin ang espada sa ulo ni Dwight." Sabi ni Matthew na hawak hawak ang papel na may dugo pa.

"Kakatawa nga 'yang si Matthew kanina suka ng suka nung inaalis niya 'yang papel sa may espada. Napaka-arte e ako na nga 'yong bumunot sa espada na nasa ulo ni Dwight." Pang-aasar ni Jeff.

"Tss ang saya-saya niyo e mamamatay na tayo anytime." Pagsingit ni Azreath sabay madabog na naupo sa sofa.

"Alam mo pres kung nanahimik ka nasa at peace na ang mga tainga namin." Sabi ni Hugo at tumabi kay Azreath at 'saka inakbayan.

"ARAY!" Sigaw ni Hugo ng sampalin ni Azreath ang bibig nito.

"'Yan nababagay sa'yo Pugo!" Sabi ni Azreath ang mga kalalakihan ay humalagpak ng tawa.

"Deserve Pugo" mangiti-ngiting sabi ni Austin.

"Vice! 'Di ka ba naaawa sa'kin? Sinampal niya 'yong napakagwapo kong labi!" Sabay tayo at lumuhod sa harap ni Austin.

"Hindi sino kaba." Tawa pang sabi ni Austin.

"Vice!" Sigaw pa ni Hugo at 'saka yumakap sa tuhod ni Austin at nagkunwaring umiiyak.

"Ehem may nagseselos dito" Sigaw ni Ludicrous.

At eto namang si Hugo ay tumayo at inayos ang sarili. "Nako Vice manuyo kana nagpaparinig na bebe mo oh" at tsaka bumalik sa kinauupuan kung nasa'n si Azreath.

"Ang mas mabuti pa magsitulog na tayong lahat. Para naman may lakas tayo para bukas." Saad naman ni Jay.

"Mabuti pa nga." Pagsang-ayon naman nila Neil.

"Tabi tayo bebe Neil!" Excited na sabi ni Matthew.

"Hoy Matt! Sa'kin 'yan! " Sigaw naman ni Jay.

"Suge tabi tayo Matt." Sabi ni Neil na ikana-asim ng mukha ni Jay.

Si Jay naman ay lumapit kay Neil at piniggy bank ito.

"Sa'kin kalang tatabi." Sabi niya at umakyat na sila papunta sa kanilang kwarto at eto namang si Neil ay pilit na sumisigaw na ibaba siya nito pero hindi ito pinapakinggan ni Jay.

"Mga lason." Sabi naman ni Austin.

"Hoy Ludicrous mag piggy bank kana rin daw kay Vice!" Pagtawag ni Hugo kay Ludicrous at si Ludicrous naman ay lumapit kay Austin.

"Oh Austin 'wag mo nang taasan pride mo ayan na oh ikaw na may kasalanan pero siya pa rin lumalapit sa'yo" Sabi naman ni Azreath.

"Me nalang ang i-carry mo Austin!" Sabi naman ni Mikaela.

"Hoy babaitang malandi manahimik ka." Pagpipigil ni Azreath dito.

"Hey ugly don't call me malandi huh. I'm so innocent kaya."

"Ikaw inosente? Ulol mo manahimik ka." Pambabara pa ni Azreath. Inirapan lamang siya ni Mikaela at umalis na kasama ang kalahi niyang mga aso.

"Sige na Vice buhatin mo na si Ludicrous oh." Pamimilit pa ni Hugo.

" Oo nga naman Austin dalin mo na sa kwarto niyo. " Dagdag pa ni Azreath.

"Nahiya kapa Austin, buhatin mo na o baka magtampo na naman 'yan!" Pakikisali pa ni Jeff.

"Sige na Tintin sige ka aagawin ko 'yan sayo." Pananakot pa ni Matthew at itong si Austin ay ang sumama ang paningin kay Matthew.

Kaya wala ng nagawa si Austin kun'di tumayo at bitbitin ng pa bride stlye si Ludicrous.

" 'yun oh! Happy honeymoon wooooh! " Sigaw ni Jeff at ang mga loko ay naghihiyawan na, animo'y bagong kasal nila Austin at Ludicrous.

—————
Warning this part is containing R-18 scene. If you're uncomfortable with that scene please skip this part thank you.

ABC to DeathWhere stories live. Discover now