Kabanata 4

5 2 0
                                    

Third Person Point Of View

"Gusto ko ng umuwi natatakot na'ko!" Umiiyak na sigaw ni Trisha.

"Me too, I'm scared." Pagsang-ayon naman ni Mikaela.

"Guys naka lock ang pinto hindi niyo ba tiningnan ang bulsa ni Sir Newrith?" Pagbabalisa naman ni Matthew.

"Kinapkapan namin silang apat bago namin sila ilagay sa isang kwarto na may lamang bag na para sa mga namatay at wala naman kaming nakita ni Jeff do'n." Kamot-ulong sabi ni Jeff.

"Pa'no tayo makakalabas nito? Halos tayong lahat ay natatakot na." Sabat ni Kate.

"Not me." Singit ni Azreath.

"Tss" Bulong ni Gia.

"Ano na namang gusto mo Gia? Hindi naman talaga ako natatakot."

"Edi hindi pakealam namin." Pagkasabi ni Gia ay 'di na siya pinansin ni Azreath dahil wala na siyang pang sagot kay Gia.

"Guys, kanina sa katawan ni Sir Newrith may nakita akong papel, dalawa sila. Ang sabi sa isa kailangan nating tapusin ang puzzle at hulaan ang lalabas na word sa mga riddle, 'yon daw ang clue kung sino ang nagmamay-ari nitong mansion. At sa huli ay makikita ang susi ng main door dito sa mansion. So kanina ang sagot ay rope bali kukunin natin ang letter r do'n." Pagpapaliwanag ni Austin.

"Eh 'yong isa?" Tanong ni Gio.

"Panibagong riddle. Panigurado ay may mamamatay ulit sa atin."

"Ayokong sumali ayokong sumagot." Pagtanggi ni Renz.

"Kung hindi ka sasali dito p'wede ka ring mamatay ang choice lang naman natin dito ay mabuhay hanggang dulo." Pagpapaliwanag ni Austin.

"Nakakatakot Austin totoo nga 'yong sinabi ni Sir Newrith sa bus." Sabi ni Seirious.

"Ang pinagtataka ko lang, alam naman pala ni Sir Newrith ang tungkol dito pero bakit tumuloy pa rin tayo?" Pagtatanong ni Seah.

"Base sa pagkukwento niya hindi rin siya sure kung totoo ito, and see namatay na rin si Sir Newrith kaya wala na tayong magagawa kung pagbibintangan pa natin siya." Si Azreath na ang sumagot.

"Eh totoo naman kasi ang sinabi ni Seah, kung hindi dahil kay Sir hindi tayo andito para maglaro at mamatay." Pag sang-ayon naman ni Kate.

"Ano pa bang magagawa niyo, patay na 'yong tao? Sige nga." Pagsingit ni Hugo na may hawak na chicken joy sa kamay niya at sarap na sarap niyang kinakain ito.

"Ano 'yan Pugo? Nasa kusina ka na naman kanina ni 'di ka tumulong?!" Galit na tanong ni Austin.

"Hehe gusto mo? " Pag aalok niya pa.

"Sayo na isaksak mo sa baga mo." Singhal pa ni Austin.

"Teka ano nga ulit 'yong riddle na napulot mo Austin?" Tanong ni Gia.

Biglang natauhan si Austin at binuklat niya ang pangalawang papel na nakuha niya sa katawan ni Sir Newrith.

"A man found murdéred in his office and these suspect are Peter‚ Julie‚ Jason‚ Molly and Brain. there’s a celendar in his office with the number of 6‚ 4‚ 9‚ 10 and 11 written in blood. Who is the killer?" Pagbasa ni Austin dito.

" Huh? What the hell? " Kunot-noong sabi ni Gio.

"Ang hirap naman niyan." Pagrereklamo ni Hugo.

"Kumain lang naman ang madali sa'yo." Sabi naman ni Austin.

"Edi wow Vice." Sabi ni Hugo at nagpatuloy sa pagsimot ng chicken joy niya.

"Hayys. Guys pag-isipan niyong mabuti ang isasagot niyo at baka mangyari sainyo ang nangyari sa tatlo kanina." Pagpapaalala ni Austin sa mga kasamahan niya.

ABC to DeathWhere stories live. Discover now