DALAWAMPU'T APAT

9 1 0
                                    

--CALLIE POV--




Kasalukuyan na kaming nakasakay ng kotse ngayon ni Macarius, galing kami sa bahay para makapagbihis ako ng uniform at ihahatid na niya ako sa school, 6pm kasi ang klase ko ngayon.

"Pagkahatid mo saakin sunduin mo agad si Karius kina Tacy ha?" paalala ko habang hawak ang notebook ko't binabasa yun. Nagrereview ako dahil may quiz kami ngayon.

"Yes madam, then anong oras ang uwi mo? sunduin kita." Macarius habang nakatingin siya sa kalsada.

"Mga 9 na ako makakauwi, wag mo na ako sunduin, tulog na si Karius at ano kaba hindi mo siya pwedeng iwan." Sabi ko.

"Paano ka uuwi?" Gagapang?

"Ihahatid ako ni Samuel." Ani ko naman.

"That guy again." Inis na sabi ni Macarius, ng tignan ko siya ay salubong na ang kilay niyang nakatingin sa Kalsada.

Natawa naman ako ng bahagya bago ko hawakan ang kilay niya at tanggalin iyon sa pagkakasalubong "Kaibigan ko lang siya." Ani ko. Tinignan naman niya ako.

"Exes can't be friends, Callie." Seryosong aniya.

"Ano? itatabuy ko siya? madaming ginawa si Samuel para saamin ni Karius, siya tumulong saaking mag-alaga nung kakapanganak ko palang kay Karius, hindi ko siya pwedeng itabuy." Seryoso ring sabi ko pero may ngiti sa labi ko.

Ng ibalik niya ang tingin niya sa kalsada ay umayos akong muli sa pagkakaupo.

"What if he still loves you?" Biglang tanong ni Macarius kaya muli akong napatingin sakanya.

Umiling ako "Gusto niya si Erie." Sabi ko.

"What? really?" Animong hindi makapaniwalang tanong ni Macarius, tumango naman ako bilang pagsasabi ko ng totoo. 

"I also can't believe it." Ani ko, para kasing hindi siya naniniwala eh.

"Is he blind?" natawa naman ako sa sinabi ni Macarius.

"Mabait si Erie, nagmahal lang siya ng sobra, na-ipon yung galit sa puso kaya ayan..." Ako.

"Yeah i know she's kind but damn her." Parang malaki ang galit ni Macarius kay Erie, ganon din naman ako pero mas nangingibabaw ang  pagmamahal ko kay Erie bilang kaibigan.

Pero kung totoo man na si Erie ang may pakana ng pagsunog ng shop ko... magkalimutan na.

--

Pagdating sa tapat ng university namin ay sinukbit ko agad ang bag ko, animong bubuksan ko na ang pintuan ng "Be a good girl." tinignan ko si Macarius.

"Shut up." medyo inis na sabi ko kaya natawa si Macarius. 

Binuksan ko agad ang pintuan, animong bababa na ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Macarius sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya at dun parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng halikan ako ni Macarius habang hawak niya pa ang pisnge ko!

An unexplained panic starts to run through my veins!

Nanlaki pa ang mata ko habang nasa ganong posisyon, si Macarius naman ay nakapikit.

Kaya pumikit nadin ako at isarado pa muna ang pintuan dahil baka may makakita no.

Hinawakan pa ni Macarius ang batok ko habang ang isang kamay niya ay naglalakbay sa hita at sa bewang ko.

God!! Why are his kisses making me so weak?!

Dinama ko ang mga bawat halik na binibigay ni Macarius, napahawak din ako sa balikat niya.

Fallen Spell: The Callie and MacariusWhere stories live. Discover now