TATLUMPU'T ANIM

10 1 0
                                    

--CALLIE POV--




"Are you excited?" tanong ko kay Karius habang binibihisan siya.

"Opo!! But Mommy where are we going?" Nagkibit balikat naman ako sa tanong ng anak ko.

"I don't know, surprise daw sabi ng Dad mo." Ani ko.

"I love surprises!!" Karius, habang nakataas pa ang dalawang kamay niya.

Napangiti naman ako. "Picturan ka ni Mommy teka." Kinuha ko agad ang phone ko sa side table, pagbukas ko nun ay agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita kong may missed calls si Samuel saakin. 

Tinawagan ko agad yun pero hindi naman niya sinasagot.

Siguro busy na.

Ng marinig ko ang pag-bukas ng pintuan ay napatingin ako sa cr at makita si Macarius na kakalabas lang mula sa cr habang naka bathrobe pa at pinupunasan niya ng towel ang buhok niya.

"Laro ka muna sa sala, ingat sa pagbaba ha?" Utos ko kay Karius.

"Opo!" Agad itong tumakbo palabas ng kwarto kaya tinignan ko ulit si Macarius na nakatingin na sa repleksyon niya sa salamin.

Kanina pa niya ako hindi pinapansin.

"Hoy," wala itong kibo. "Love?" Lumapit lang ito sa upuan at kunin ang susuotin niya bago siya pumasok ulit sa cr. "Psh." inis na usal ko bago ako naupo sa kama at hintayin siyang lumabas.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya namamansin eh.

Paglabas niya ng cr ay nakabihis na ito bago humarap ulit sa salamin at ayusin ang buhok niya "Hindi mo ba talaga ako papansin?" Muli ay hindi niya ako kinibo. Napabuntong hininga naman ako, yung malalim at malakas para dinig niya at malaman niyang nauubos na ang pasensya ko! "Hindi mo ba talaga ako papansin?" galit na tanong ko.

Dun ay tinignan niya na ako pero sa repleksyon ko sa salamin. "What?" tanong niya.

Aba, may attitude ang pagkakatanong niya nun ha.

"Kung hindi pa ako mag-gagalit-galitan hindi mo ako papansin no?" hindi naman niya ako sinagot "Bakit ba hindi mo ako pinapansin ha?" galit pa rin na tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago niya ako harapin "Iniwan mo ko sa ere." inis na aniya.

Nagsalubong naman ang kilay ko "Ano?" naguguluhan kong tanong.

"Love you made me hard last night, iniwan mo ako ng ganon." animong inis na aniya habang salubong na salubong ang kilay niya na animong bata na nagtatampo! kaya naman hindi ko mapigilang matawa "It's not funny." sumeryoso agad ako pero hindi ko talaga mapigilan eh!

"Pft. Then... anong ginawa mo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa.

"Ginawa ang dapat gawin." sabay inis na tanggalin ang tingin niya sa akin, bumalik ito sa pag-aayos ng buhok niya.

Naglakad agad ako papalapit sakanya at yakapin siya mula sa likod "I'm sorry... malay ko ba." Natatawa padin na ani ko.

"Malay mo ba?" Animong hindi siya naniniwala sa sinabi ko  "Love alam na alam mo yung ginawa mo sa akin kagabi." Galit na galit naman tong asawa ko!

"Fine! I'm sorry!" humarap naman siya saakin habang yakap ko padin siya.

"Kailangan mong bumawi saakin, mamaya pag dating natin sa pupuntahan natin." Ngisi niya.

Natawa naman ako "Ay puntahan ko lang si Karius." ani ko at tumakbo na palabas.

"Love naman!" dinig ko pang sigaw niya.

Fallen Spell: The Callie and MacariusWhere stories live. Discover now