TATLUMPU'T LIMA

8 1 0
                                    

--CALLIE POV--




Nandito pa rin kami sa labas ng kwarto ni Erie at hinihintay ang paglabas ng doctor na pumasok dun para icheck ang kalagayan ni Erie.

Nasa tabi ng pintuan ni Erie ako nakaupo, katabi ko si Tacy, nasa harapan ko naman si Macarius, katabi niya si Magnus tapos si Samuel.

"Wait, Why are you here?" biglang tanong ni Macarius kay Magnus.

Oo nga.

"I'm with Tacy," Magnus. Tinignan naman ako ni Magnus "I didn't know you were friends." Magnus.

"Are you dating her?" Tanong ni Macarius.

"NO!" Napatingin ako kay Tacy dahil sa sagot niya.

"Hindi naman ikaw tinatanong." Ani ko.

"Bat ba." Pinanliitan ko naman siya ng mata.

May something ha.

Ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ay napatayo agad ako at humarap sa doctor "Kamusta siya doc?" tanong ko.

"Hindi ka naman niya siguro binayaran no? aminin mo doc, hindi totoong putol yung paa niya, palabas niya lang to." Pinalo ko naman ng marahan si Tacy.

"Tacy ano ba." suway ko kay Tacy.

"Well, totoong naputulan siya ng paa, we need to run more tests before siya ma-discharge. So far, okay naman ang kalagayan niya." Ani ng Doctor.

"Masamang damo yan eh." Bulong ni Tacy.

"Salamat po Doc." Ngiti ko bago maglakad paalis yung doctor.

Tinignan ko naman sila "Tara, pasok tayo." Aya ko sakanilang apat.

"Nope!" Tacy.

"No thanks." Samuel.

"I don't know her so no." Magnus.

"Hell fucking nah." Macarius.

"Ano ba kayo." Dismiyadong sabi ko sa apat.

"Love, we need to go back to the office, pabalik na anak natin." Macarius.

"Ganon... teka magpapaalam lang ako kay Erie." Ani ko at pumasok na ng kwarto ni Erie.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakatulala sa kisame kaya nilapitan ko agad siya.

"Are you okay?" tanong ko.

Tinignan naman niya ako "Yes... Thank you." Tugon niya.

"Hmm... we need to go, babalik nalang ako dito." Ani ko.

"Walang... magbabantay saakin ngayon?" Tanong ni Erie.

"W-wala eh." Sagot ko.

"How about Tacy?" Erie.

"She's busy." Ako.

"You?" Erie.

"Kailangan kong magising ng maaga bukas eh, may pasok pa si Karius." Ako.

"How about... Macarius?" Nagsalubong naman ang kilay ko.

"May early meeting siya tomorrow and I don't think... papayag siyang magbantay sayo dito ngayong gabi." Sagot ko.

"Okay..." Animong malungkot na sagot niya.

Malungkot ba siya kasi walang magbabantay sakanya dito o... kasi hindi siya mababantayan ni Macarius?

Fallen Spell: The Callie and MacariusWhere stories live. Discover now