WANDER - STARTS

7 1 0
                                    

Naglalakad sa isang maganda at mapayapa na lugar ang babae.

"Nasaan ba ako, ba't parang ako lang mag-isa dito?," Patuloy sa paglalakad ang babae "Hello people!" nag echo ang malakas na boses niya sa lugar. hanggang sa nakita niya sa di kalayuan na Talon at may isang lalaki na nakasuot ng puting button up long sleeve habang ang babae ay nakasuot ng dress na hanggang tuod ang taas. Naglakad siya paroon sa talon at sa lalaki.

"Hoy!"

"Kuya!"

Tinatawag niya ang lalaki ngunit mukhang di siya naririnig ng lalaki dahil hindi ito lumilingon. Lumapit na siya sa nakahigang lalaki sa damuhan malapit sa talon.

"Hoy! Kuya" umupo siya tabi ng lalaki. "Bingi ka ba?" walang siyang nakuhang sagot "Pipi?" "or both?," Naiinis na ang babae dahil walang imik sa kanya ang lalaki at nanatiling nakapikit ito. Kinalabit niya ito "Huy! patay ka na ba?"

"Pwede bang tumahimik ka!?" nagulat ang babae sa biglang pagsalita ng lalaki pero nakapikit pa rin.

"Hala, marunong ka pala magsalita at buhay ka pala"

"Oo"

"Eh bat—"

"shhh"

"Hindi ka—"

"Ingay"

"Ang tahimik naman kasi dito, para tayo nasa malayong lugar— teka nasaan pala tayo?"

" 'di ko alam"

Tumahimik saglit at lumilinga linga ang babae sa paligid at tumigil ulit ito sa lalaking nakahiga sa tabi niya. "Ako pala si KARI" nilahad niya ang kamay sa lalaki, dumilat ang lalaki at tinignan ang kamay ni Kari "ROHO" sabay tabig sa kamay ni Kari.

Umirap si Kari at tahimik na tumabi kay Roho. Tahimik ang paligid ang tanging naririnig ay ang agos at pagbagsak ng tubig sa talon kasabay ng mga nito ang mga huni ng ibon sa paligid. Kumuha ng bato si Kari at ibinato ito sa talon. Ilang sandali lang di na kayanan ni Kari ang katahimikan at kabagutan.

"Roho," tawag niya rito.

"Roho, tara doon tayo," sabay turo ni Kari sa kung saan at tumayo na ito. Hindi siya pinansin ni Roho kaya sinipa niya 'to ng mahina "Huy, hindi ka ba nababagot dito?."

"Hindi"

"Pwes, ako bagot na bagot na at parang mabibingi ako sa katahimikan."

Hindi siya pinansin ni Roho, may napansin si Kari malapit sa batuhan nilapitan niya ito at nakita niya ang isang maliit na palaka kaya kinuha niya ito. "Roho, tignan mo yung nakita ko 'o," lumapit siya kay Roho habang dala dala niya ang palaka. Dumilat si Roho at tinignan si Kari na nakalapit na pala sa pwesto at nakatapat sa pagmumukha ni Roho ang Palaka, "Putek na palaka" biglang napatayo si Roho sa pagkakahiga habang ang isa ay tawa ng tawa, lumapit ulit si Kari kay Roho "Uy, 'wag kang lalapit" hindi siya pinakinggan ni Kari at lumapit pa ito kaya lumayo si Roho.

"Sabi'ng wag kang lalapit"

"Bakit ba? ipapakita ko lang naman sayo yung palaka"

"Ayos na, nakita ko na"

"Utot mo, paano mo makikita layo ka ng layo" habang lumalapit kay Roho na layo ng layo. "Ba't ka ba layo ng layo?"

"Eh kasi lapit ka ng lapit, bitawan mo nga yan"

"Takot ka ba sa palaka?"

"H-Hindi"

"Hindi pala, wag ka na lumayo at hawakan mo 'to"

"Ayaw ko nga, bitawan mo na yan"

"Ok" sabay bitaw ni Kari sa palaka

"AHHHHH!!!" napasigaw si Roho at tawa naman ng tawa si Kari habang nakahawak pa 'to sa tyan niya.

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘰𝘶𝘭𝘴Where stories live. Discover now