WANDER - 2

6 1 0
                                    

KARI POV

Napalingon si Roho sa akin pagkatapos ko siyang tapikin sa balikat.

" Ba't hingal na hingal ka? " tanong ni Roho sa akin habang nakakunot ang ulo.

" Tumakbo ako, malamang " hingal na sabi ko.

" Tumakas ka? " tumango naman ako sa tanong niya.

Magsasalita pa sana 'to " Wag ka na mag alala wala naman nakakita eh" sabi ko sa kanya kasi mukhang aangal pa kasi.

"Galing ko di ba! " sabi ko habang nagtataas baba ng kilay.

" Ewan ko sayo"

" Tsk, tawag doon eat and run"

" Pag talaga tayo —"

" Hindi yan, nabusog ka naman di ba? " pagputol ko sa sasabihin niya.

Tumango naman ito sa akin. Naglakad na ulit kami palayo sa karinderya. May nakita ako Mangga na may tree house sa taas. Hinila ko siya papunta doon.

~~~~~

Humiga ako sa ilalim ng Puno ng mangga habang siya nakatayo at nakatingin lang sa akin.

" Ba't nakatayo ka lang dyan? " para kasing tanga nakatayo lang, hindi ba siya pagod?

" Ba't tayo nandito " balik na tanong nito sa akin.

"Pagpapahinga, di ka ba napagod? "

" Hindi" walang gana niyang sagot at lumapit sa akin.

Pinakiramdam ko lang siya kung uupo o hihiga siya sa tabi ko pero hindi kaya dinilat ko na yung mata ko para malaman kung ano ginagawa niya. Nakita ko siya nakatingin sa puno kaya tumayo kasi nacucurious ako sa tinitignan niya. Pagkatayo ko at tumabi sa kanya may nakita akong pangalan? na nakaukit doon. Nagtataka man di ko na pinansin humiga nalang ulit ako.

" Roho di ka ba talaga magpapahinga o iidlip man lang?" tanong ko sa kanya kasi tingin pa rin.

"Sige mauna ka na" sagot niya habang nakatingin pa rin at sinisipat na niya iyon.

"Sige, hay siesta time!! " pumikit na ko at naramdaman ko may tumabi na sa akin kaya ngumiti nalang ako at natulog na ng tuluyan.

Pagkagising ko tulog pa si Roho. Tinignan ko yung langit at mukhang mga alas kwatro na ng hapon.

"Hihintayin ko nalang 'to sungit na 'to na magising tska kami gumala ulit " bulong ko habang nakatingin sa kanya.

Nakatingin lang ako sa paligid at dinadama ang sariwang hangin. Dahil ang tagal magising ng lalaking 'to nababagot na ko! Napatingin ako sa Tree house sa taas. Tumayo ako para hanapin sana kung saan hagdanan nito.

"Nandito pala sa likod yung hagdan" bulong ko sa sarili ko.

Aakyat na sana ako nang biglang may batang sumulpot, "Ay diwende!" gulat na sabi ko. Natawa naman yung bata sa akin.

"Di ako diwende pero medyo malapit doon?" sabi ng bata sa akin

"Huh? malapit doon? " naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito at ngumiti. "Tyanak,? " tanong ko ulit umiling naman ito at umakyat nalang sa taas ng tree house.

"Hoy bata! bumababa ka dyan" sigaw ko pero wala ako nakuhang sagot.

"Bastos na bata yun ah nilayasan lang ako bigla" bulong ko sa sarili ko. Susundan ko na sana yung bata sa taas, nasa nakadalawang hakbang palang ako ng marinig ko si Roho.

" Mukhang nagising na si Sungit na pangit" bulong ko sa sarili at bumababa para tignan siya.

"Gising ka na pala, tara gala muna tayo" tumango lamang ito sa akin, tumayo na at nag unat.

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘰𝘶𝘭𝘴Where stories live. Discover now