WANDER - 3

5 1 0
                                    

Tapos na kami kumain at nagpapahinga lang saglit, Yayain ko si Roho doon sa perya narinig ko kasi kanina doon sa juice stall sa mga magkakaibigan na kabataan na nag uusap tungkol sa bagong bukas na perya kaya doon ang sunod na adventure ni dora the explorer.

"Roho" tawag ko dito para makuha ko yung atensyon niya, nakatingin lang kasi 'to sa kawalan.

Nagwagi naman ako dahil tumingin lang ito ng blanko sa akin, tsk.

"Tara doon sa perya"

"Paano mo naman nalaman na may perya dito?" tanong nito sa akin.

Hay nako Roho wala ka pa rin bang bilib sa akin.

"Nasense ko lang" pinipigilan ko ang pag ngiti para maniwala siya.

Tumingin lang ito at umiling lang ito sa akin.

"Joke narinig ko lang kanina sa kabataan, tara?"

Tumango naman ito sa'kin kaya tumayo na kami habang dala ang mga pinagkainan namin at itinapon sa basurahan, CLAYGO.

"Roho bilisan mo palubog na yung araw"

"Sigurado ka ba sa dinadaanan natin"

"Hindi" tipid na sagot ko, kaya nakatanggap ako ng matalim na tingin sa kanya.

"Hindi, pero yung mga kabataan sa unahan natin yung susundan natin panigurado doon sila sa perya pupunta." Napatingin naman siya sa harap namin kung saan naglalakad ang mga kabataan na sinusundan namin. Nagpatuloy lang kami sa paglakad.

Nasa Entrance na kami ng perya, ang problema wala kami pambili ng ticket para makapasok sa loob tapos ang haba pa ng pila sa entrance.

"What now?" tanong nito sa akin.

Tumingin lang ako sa paligid at nag isip ng paraan paano kami makakapasok ng walang ticket.

Hinila ko siya para makapila doon sa entrance.

Habang nakapila kami may mga nakukulitan na magbabarkada sa likod namin, nakatingin lang ako sa magkakaibigan habang nag iisip kung paano kami makakapasok sa loob. Natigil ako sa pag iisip ng biglang may nagtulak sa akin na kamuntikan na ko matumba kaagad naman napansin yun ni Roho at pinagpalit niya ang pwesto namin pinapunta niya ko sa harap at siya sa likod ka at tumingin siya ng masama sa mga nagkukulitan at umiling nalang.

"We are near to the entrance." biglang sabi nito.

Napatingin tuloy ako sa pila ko sa harap at tama siya malapit na kami.

"Tulak mo ko" sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin na may pagtataka.

"Sige na, tulak mo ko" kahit nagtataka siya tinulak niya pero di naman malakas hindi nga natabig yung nasa harapan ko.

"Lakasan mo naman ng unti, ulit" itinulak niya ko ng malakas, sa sobrang lakas ayun natumba ako at yung mga nasa harapan. Tinulungan niya ako tumayo habang ako nakatingin ng masama sa kanya, Tinignan niya lang ng may 'what look' sarap bunutin yung mata.

"Ano ba!?" sabi ng babaeng nasa harap ko na natumba rin.

"Sorry po may mga nakukulitan po kasi sa likod"

Napatingin naman yung babae ko sa likod ko nakita si Roho at biglang nalang nagpapacute yung babae kay Roho. Natigil lang yung pagpapacute niya ng napansin niya yung mga kabataan na nasa likod.

"Sila ba yung tinutukoy mo miss?" tanong nito sa akin na nakangisi.

"A-ah opo"

"Kung sinuswerte ka nga naman nandito rin yung mga Gaga" bulong nito at tsaka tinapik yung mga kaibigan nito at tinuro yung mga kabataan sa likod.

"Kami na bahala, sige mauna kayo ito o' sa inyo na rin 'tong ticket namin mukhang mas mag eenjoy ako dito" sabi nito sa akin na nakangiti pero yung ngiti na kakaiba at ibinigay yung ticket sa amin.

"Meron na po kami ticket pero salamat pa rin po" sabi ko, syempre kunwari lang na may ticket na kami. Tumango nalang ito sa akin at kumindat naman ito kay Roho na tahimik lang nakatingin sa amin tsaka umalis.

"Mukhang may mapapa away ah," nakangiti wagi na sabi ko habang nakatingin doon sa babae na papalayo sa amin.

"At dahil sayo yun" sabi naman ng kasama ko, ay may kasama pala ako dito.

"Tsk may gusto ata sayo yung babae sayo" natatawa sabi ko.

"Wala ako pake"

"Di mo ba type sa si ate ganda naman niya"

"No, anyways it looks like we got a free tickets" nakatingin ito sa hawak kong mga ticket. Ang dami pala nito dalawa lang naman kami ni Roho may matitira pang apat na ticket, tinignan ko yung ticket at binasa ang mga nakalagay doon kung siniswerte ka naman special tix pala 'to meaning unlimited rides ang ticket na ito. Ibebenta ko nalang 'to para may pera ako ay kami pala.

"Kuya, magkano po yung tickets dito" tanong ko sa lalaking nasa harap ko, mukhang nagulat pa ito at napatulala pa sa akin. Kinilabit ko ito at mukhang natauhan siya.

"A-ah yung Regular Pass 799 at yung Special Pass 1,199" sabi nito sa akin.

"Sige po, Salamat po" sabi ko at tumalikod na para humarap kay Roho na mukhang naiinip na.

"Roho dito ka lang ibebenta ko lang yung mga natira ticket" mahinang sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin, "Roho dito ka lang bili lang ako ticket natin" sabi ko ulit na may pagkalakasan na sinadya ko talaga baka kasi paghinalaan ako. Tumingin naman sa akin si Roho na nakakunot yung noo. Umalis nalang ako at naglibot para makahanap ng buyer parang pusher lang ang peg ko, char.

Habang nag iikot may napansin ako na pamilya na nakaupo doon sa bench at mukhang nagtatalo kung sino maiiwan sa para bantayan yung mga anak nila at kung sino ang bibili ng ticket. Lumapit ako sa kanila para iabot yung bola ng bata na nagawi sa akin pagkabato ng batang lalaki na sa tingin ko mga nasa walong taong gulang na.

"Excuse me po, yung bola po ni baby boy" nagulat pa ang mag asawa sa biglang pagsulpot ko, mukhang di nga talaga nila napansin dahil sa pagtatalo nila.

"Salamat iha" sabi ng lalaki sa akin. Tumango nalang ako at tumalikod na ng dahan dahan.

Hindi pa ko nakakalayo sa kanila narinig ko na agad ang pagtatalo nila. Humarap ulit ako at bumalik sa kinaroroonan nila.

"Ah excuse me po pala" tumigil sila sa pagtatalo at tumingin sa akin.

"May extra tickets po ako baka gusto niyo bilhin?," medyo nahihiya kong pahayag "Hindi po kasi makakapunta yung mga kaibigan ko kaya may natira sayang naman po kung itatapon ko di po kasi sila nagrerefund ng tickets" mahinahon at malungkot na pagkasabi ko para maniwala at maawa sila akin. Kumagat kayo please lang.

"Ganun ba iha, ilan ba ticket na natira?" tanong nito sa akin natuwa naman ako sa kaloob looban ko dahil kumagat sila.

"Apat po"

"Sakto yan para sa amin" Masayang pagkasabi ng Ginang.

"Magkano ba yan iha?" tanong naman ng Ginoo sa akin.

"1 thousand nalang po bawat ticket para sa inyo, special pass naman po ito."

"Sige iha bibilhin na namin" sabay hugot ng Ginang sa kanyang pitaka at naglabas ng Apat na libo. Iniabot nito sa akin at iniabot ko rin yung apat na ticket sa kanya.

"Salamat po, enjoy po kayo sa rides, babye mga babies" sabay kurot ng mahina sa pisngi ng mga anak nila. Tumalikod na ko na may ngiting tagumpay nanaman.

Mission Accomplished.


— 𝚜𝚘𝚞𝚕𝚓𝚊𝚓𝚘𝚢 :> —

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘰𝘶𝘭𝘴Where stories live. Discover now