WANDER - 5

6 2 0
                                    

Nakapasok na kami sa loob ng Horror House at gustong gusto ko na magback out kaso ayaw ko naman pagtawanan ako ni Roho at sabihang TAKOT! Mahal ko ang pride ko 'nu!

"AHHH!!!" 

May narinig naman akong tumatawa sa gilid ko. Kaya tinignan ko siya ng masama.

"Hi-hindi ako takot na-nagulat lang ako, wag kang tumawa diyan" 

"Sige sabi mo eh" sabi niya habang sobrang lawak ng ngiti. Kaasar.

Naglakad na ulit kami pero itong kasama ang laki ng ngisi, sarap burahin ng mukha.

Habang naglalakad kami may biglang humarang na kabaong sa amin kay ineexpect ko na may lalabas na multo doon kaya naman hinanda ko na sarili ko.

"REST IN PEACE!!" sigaw ko ng may kumalabit sa likod ko at nakita ko yung patay, potek dapat nasa kabaong siya ba't siya nakatayo sa likod ko!

Si Roho naman parang tanga na tumatawa lang di man lang ba 'to nagulat o natakot man lang.

"Tuwang tuwa si koya, nagulat lang ako!" inis na sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong sinasabi, bakit napaka defensive mo!" sabay tawa ng malakas. Bwesit 'tong lalaking 'to nasaan na yung Roho na tahimik at tipid na sumagot ibalik niyo na siya!

"A-ah... basta" nauna na ko naglakad sa kanya.

Iniwan ko na siya doon bahala siya dyan nakakainis siya bwisit!!

"MOMMYYYY!!!!!!" Tangina talaga. Tumakbo ako pabalik kay Roho ng may lumabas na payaso na may dalang kutsilyo at hinabol ako. Nakita ko si Roho at nagtago ako sa likod niya.

"Siya nalang po patayin niyo!" sambit ko sa clown na humabol sa akin na ngayon ay nasa harapan na namin ni Roho. Tinignan ko yung payaso na nakatingin lang sa amin? o sa akin? at parang nagpipigil ito ng tawa, tangina nitong payasong 'to!

Umalis na yung payaso at tumawa ng malakas si Roho kaya naman kinurot ko siya tigiliran niya.

"Oo na takot na ko pero doon lang sa payasong yun, I mean sinong hindi matatakot doon may dalang kutsilyo yun!" paliwanag ko sa kanya.

"Oh? Talaga?" nauubos na pasensiya ko sa lalaking ito, ba't ba ang daldal niya ngayon.

"OO NGA!" sigaw ko

"Bakit ka sumisigaw?" mahinahon na tanong niya.

"Nakakainis ka kasi, ang daldal mo!"

"Akala ko ba gusto mong dumaldal ako."

"Bad timing naman yung pagiging madaldal mo" inis na sambit ko at kumamot sa ulo ko.

Tinawanan lang ako nito. 'O di ba nakakainis.

"Tara na hanapin na natin yung exit"

"Mabuti pa nga."

Tumuloy na kami, nasa unahan siya  at ako nasa likod habang luminga linga at nag sign of the cross. 

Nang may naramdaman ako di maganda, kasi feel ko may lalabas nanaman na multo sa gilid o kaya sa mga nakabukas na pinto. Humawak ako sa laylayan ng damit niya kaya napatingin siya sa damit niya at tumingin sa akin na may mapang asar na ngiti.

"Baka maligaw ka" sabi ko. Tumango lang siya at naglakad na ulit pero alam ko nakangit ito ng wagas. Argh!!

"Nadaan na natin 'to, Roho" pansin ko sa dinadaanan namin.

"Hindi pa"

"Nililigaw mo ba ako?" pag ako pinagtri tripan nito, Nako talaga mapapatay ko siya!

"Ako na nga mauna, follow the leader" sabi ko wala akong tiwala sa lalaking 'to ngayon.

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘰𝘶𝘭𝘴Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt