WANDERING:H&S - EPILOGUE

4 1 0
                                    

A/N: Last chapter na :'>, May Pov si Roho sa baba. Salamat sa Pagbabasa ng unang wattpad story ko.


Naglalakad na kami pabalik doon sa puno ng mangga, napagdesisyonan namin na doon nalang magpalipas ng gabi tutal may tree house naman sa taas 'nun baka sakali pwede kami matulog.
Nasa harap na kami ni Tree House at tumitingin tingin muna sa paligid baka kasi may tao at palayasin kami dito, eh makikitulog lang naman ng isang gabi.

Nauna na si Roho umakyat.

"Hoy, di ba tresspasing itong ginagawa natin?" sabi ko habang humahakbang paakyat.
Hindi siya sumagot, patuloy lang ito sa pag-akyat.

"Hoy, Roho" mahinang saad ko.

"Diyan ka lang check ko lang muna," layo ng sagot.

Binuksan na niya yung maliit na pinto at pumasok para tignan niyo loob. Naghintay lang ako ng ilang minuto sa hagdan ng lumabas ulit siya.

"Pasok ka na, it's safe here" sabi niya habang nakasilip sa pinto.

Kaya umakyat na ko sa itaas. Napanganga ako dahil ang ganda ng loob nito.
Pagka akyat mo may sasalubong sayo veranda na maliit na lamesa para sa kape na gawa sa kahoy at may dalawang maliit na kahoy. Sa gilid nito may rocking chair at may halaman sa bawat sulok ng veranda, may nakapaligid pa na mga ilaw. Pagkapasok mo naman sa loob may L shape sofa, carpet, tv at center table na gawa rin sa kahot pero may tempered glass. May mini kitchen dito na at may divider sa pagitan ng sala at kitchen papunta bedroom nasa tingin ko na King size. Napatigil lang ako sa pagtingin sa buong punong bahay ng may tumikhim sa gilid ko. Nakita ko si Roho na may hawak na hot chocolate? Teka saan niya nakuha 'to? Nangialam ba siya sa kusina?

Pabalik balik yung tingin ko sa kanya at sa baso na hawak niya.

"Nangangalay na ko, Kari" nauubusan na pasensiya na saad niya.
Kaya kinuha ko nalang at dinamdam ang init ng baso para pawiin yung lamig na nararamdaman ko "Sa-salamat".

Tahimik kaming umupo sa sala habang sumisimsim sa mainit na tsokalate at pinapakinggan ang ingay ng mga kuliglig.

"Tapos ka na?" pagputol niya sa katahimikan.
Tumango ako bilang sagot, nilalamig pa rin ako walang epekto yung hot chocolate niya.

"Punta ka na doon sa kwarto dito nalang ako sa sala" sabi niya tumayo papunta sa pintuan para isara na ito.

"Ok lang naman sa akin kung tumabi ka sa akin," mahinang sabi ko.
"I-i mean malaki naman yu-yung kama, kasya naman t-tayo doon" utal na pagkakasabi ko dahil nilalamig na talaga ako.

Wala bang heater dito?

Humarap ito sa akin na may pag-alala, "Kari, namumutla ka" lumapit ito sa akin na napatigil ako sa pagbuka ng bibig ko ng bigla niyang sinipat ng dahan dahan ang noo.

"Hindi naman mainit" tumingin ito sa mata ko at kitang kita ko ang pag aalala.

"Baka p-pagod lang 'to" at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Sige na magpahinga ka na doon, tawagin mo lang ako dito kung may kailangan ka ah," Hinatid na niya ako sa harap ng kwarto at ngumiti sa akin. 

Pumasok na ko sa loob at binalot ang sarili sa comforter baka sakaling mapawi ang lamig na nararamdaman ko. Halos kalahating oras na ko nakahiga pero nanginginig na ko sa sobrang ginaw.

"Ro-roho" mahinang sabi ko.

"Ro-roho?" tawag ko dahil walang sumagot sa akin.
Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa gawi ko.

"Bakit?"

"Tabi ka sa akin giniginaw ako" lumapit naman ito sa akin at nagulat sa sitwasyon ko.

"Ka-kari" tumabi ito sa akin. 

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘰𝘶𝘭𝘴Where stories live. Discover now