C h a p t e r 4: The New Place

15 4 0
                                    

"wow" mangha kong sabi dahil sabi niya sa bahay niya na raw ako titira ayaw ko pa nga pumayag dahil babae ako at lalaki siya ngunit naalala ko na naman yung kahapon.

"flashback"

"Aling Tessa yung bayad ko ng isang bwan sa sunod na lang pag nagkasweldo na ako bukas pa kasi ako mag-start magtrabaho" agad na sabi ko ng siya'y lumingon dahil nasa kabilang apartment lang siya at mukhang naniningil na.

"Pwede ka ng lumayas mamaya. Bayad na lahat ng utang mo sa bill at sa tubig. Binayaran kana, dimo naman sinabi neng na may gwapo at mayaman kang boyfriend" pilyo netong sabi.

Nagtaka ako. Teka sa pagkakaalam ko single ako diba? Nagbago na ba?

"Teka lang po single po ako tsaka sino pong nagbayad?" ngunit agad na siyang tumalikod at sinabihan ako ng....

"Neng, wag mong papakawalan yun. Naks nakatsamba ka" wika neto sabay kaway na sya senyalis na aalis na siya.

Wala ako nagawa kundi mag-empake kokonti lang naman gamit ko kaya madali ako natapos at mag 5:30 na pala malapit na mag 6. Ang tinutukoy pala ni Aling Tessa si pogito pala.

"end of flashback"

Kahit kagabi ako sinundo diko masyado naaninag yung sa labas. At oo yung secretary niya ang sumundo sa akin kagabi dahil may importante pa itong tinapos.

Maaga ako nagising at mag-aalasais pa lang ng umaga. Diko pa nakita si pogito ih maaga ako natulog haha.

"Neng ang aga mo naman nagising?"

hmm sa pagkakaalam ko nanny siya ni pogito.

"Hello po, magandang umaga po. Di po kasi ako makatulog ng maayos kaya maaga ako nagising. Pasensya na po at naglibot-libot po ako"

Aba malay ko ba baka may tamang oras pala paggising dito. Naku patay ako niyan.

"Haha ang bait mo naman neng. Wag ka mahiya sa akin tawagin mo na lang ako Nanny Felly halika at samahan mo ko magluto" at naglakad na ito kaya sinabayan ko.

Nagluto na kami ng kanin at magluluto daw kami ng adobo dahil bihira mag almusal si pogito kaya nagpapasalamat sila sa akin dahil andito daw ako kaya magluluto daw kami adobong manok.

Sosyal naman sila umaga manok agad. Hello allergy charr.

"Marunong ka pala magluto neng" tila namamanghang kumento neto.

Ngumiti na lang ako. Wala kasi sila at kumukulo na yung manok need na ihulog yung mga sangkap at kailangan ng timplahan ng pangpalasa.

"Sige po naihanda ko na po maliligo lang po ako" paalam ko tutal malapit na mag seven o'clock.

"Sige neng at pagkatapos mo bumaba ka na at kakain na gigisingin ko na si Xavier" sigaw neto agad ko naman binilisan maligo noh baka isipin nila masyado akong pagong eh hindi naman ako pinaglihi sa pagong.

After ko mag-ayos at mag suot ng black slack na fitted ng konti at white blouse sa top ay bumaba na ako sakto pagbaba ko nandun na si pogito at secretary niya.

"Good morning po sir"

"Good morning Mr. driver/secretary"

Opps bakit may mali ba sa sinabi ko. Nag good morning lang ang sungit na ni sir. Kung nakakapatay lang ang tingin sigurado abo na ako ngayon.

Anyway dito daw talaga nag uumagahan si Secretary Dixon. Alam ko na name niya binanggit kasi ni Nanny Felly eh.

After namin kumain nag-aya na si sir.

"Let's go"

Tumayo na ako dahil tumayo na sila papunta sa labas.

"Ingat kayo" pahabol na bilin ni Nanny Felly ngumiti ako sa kanila bago sumunod kela sir.

Pagpasok ko sa car at umumpo sa passenger seat. Bakit di pa umaandar?

"Why po?" tanong ko sa secretary tinuro niya si sir kaya lumingon ako sa likod at nakatingin nga ito sa akin at ibinalik ko ang tingin ko kay secretary dixon at nagets naman niya na diko gets ang tinutukoy niya kaya nagsalita na siya.

"Ma'am doon po kayo sa tabi ni sir pag tayong tatlo pag si sir nagdrive kayo po ang sasakay mismo jan sa sinasakyan niyo kaya please lang po sa tabi kayo ni sir at ng maiandar ko na" mahabang litanya neto.

Ang ending sa tabi na ako ni sir pogito. Ang dami niyang rules. Diko na nga pinansin nung pinasadahan niya ako ng tingin parang nainis siya na ewan.

Dahil andito na kami sa company niya. Agad rin kaming pumasok nauna lang kaming dalawa ni pogito dahil ipapark pa ni Secretary Dixon yung car.

Akala ko tahimik ang magiging buhay ko dito mukhang mali ako.

"Ang pogi talaga ni sir mygosh"

"Kyahh anjan na si sir, bes maayos ba make up ko"

"Wait who's that ugly girl!?"

"Is she the alalay hahaha"

Luh grabi naman entrance yan bulungan agad. Mabali sana mga leeg niyo kalilingon hmp!

"Don't mind them" narinig kong bulong ni pogito teka sir na nga mamaya matawag ko ng pogito baka masesante ako ng wala sa oras.

Hindi pa talaga ako sanay sa elevator pero hindi ko pinahalata syempre nakakahiya. Hanggang sa mapadpad na kami sa 15th floor dun na ako nakahinga.

Ganun pa rin ang tinginan ng mga staff niya parang gusto na nila ako lunukin at idura sa basurahan.

Agad ng pumasok si sir sa kaniyang office pero binukas niya pala para makapasok ako. Ayun tulaley mga babae na mukhang nagkakagusto sa kaniya.

"Sir, una na po kayo ako na po dapat nagbukas" nahihiya kong sabi diko naman talaga inexpect na gagawin niya yun.

"No, its okay. Go inside."

Dali-dali naman ako pumasok para makatakas sa nakakamatay nilang tingin.

Teka parang may nag-iba. Wala naman lamesa dito sa gilid malapit sa tanawin na makikita mo ang view ng mga iba't ibang gusali nung pinapunta ako dito pero ngayon meron na.

"That's your table. All you need to do is always go with me if I have meeting if I want you to be there. Or if there is a business trip or any kind of events. I have here mini kitchen if I want coffee you don't need to go outside"

"Okay sir, what else sir? If your not here and someone needs help should I help?" syempre hindi naman lahat ng oras kailangan kong bumuntot sa kaniya di ko kaya yun.

"If that's really important and you think you want to help it's okay you can do it"

Tumalikod na siya at nagsimulang magtrabaho kaya umupo na ako at inayos ang gamit ko. Wala pang dalawang minuto may kumatok.

"Excuse me Ms, Skyrim give me a hand"

Agad ako tumayo at lumabas para sundan yung tumawag sakin.

"Bring this papers to sir" nagtaka ako sa inabot niya sa akin ang gaan naman ha bat kailangan niya ng need ko?

"Haha, I know konti lang itong papers but the instructions of sir Xavier is that if we need his signature or he need to read this documents we need to give it to you so, you're the one who deliver these documents to him" nakangiting saad neto.

Okay mukha naman siya mabait at hindi marites.

"Okay" tumango ako at nagpaalam.

Pumasok na ako at ipinatong ang dala ko sa lamesa ni sir bago bumalik sa aking table.

Matapos yun buong araw wala na ako masyadong ginawa dahil halos busy lahat at mukhang di naman ako napapansin ni sir which is maganda makakaidlip muna ako pero joke lang nagcp na lang ako baka may pumasok at makita ako noh. Hintayin ko na lang matapos ang oras at kailangan kong hintayin si sir takot ako umuwi mag-isa noh.

The EncounterWhere stories live. Discover now