C h a p t e r 5.1: Bonding with Old Sis

14 4 0
                                    

Mahigit isang buwan simula nong magtrabaho ako at nasanay na rin ako sa elevator. Hindi ko kasabay si sir dahil nauna na ako para mag-asikaso ng ipi-print ko at ipapaxerox may meeting kasi sila at ang mga board.

Hindi na ako nagpaalam kay sir dahil agad ako chinat ni Judy siya yung babaeng unang kumausap sa akin yung nag-abot ng papeles para dalhin kay sir.

Heto ako ngayon at nag-piprint at nag-aayos ng lamesa ni sir pinupunasan ko na rin malapit na mag 8 kaya siguradong paparating na yun dahil 9 daw ang start ng meeting nila. Bago pa mag alas otso natapos ko na gagawin ko.

"Knock! Knock!"

Si judy pala ang kumakatok.

"Are you done na sa papeles i-stapler muna at samahan mo ko ilagay sa conference room yang mga documents"

Buti na lang at madali ko natapos ito at sumunod na sa kaniya papunta kaming conference room at ang ganda naman pala dito ang lamig at ang haba ng lamesa mukhang maganda magdebate char.

"Ilapag mo na sa bawat table at lalagyan ko na ng tubig" agad ako tumango at nagsimula na kami mag-ayos malapit na mag 8:30 kaya dinalian na namin.

Nang matapos ay lumabas na kami at bumalik na ako sa office ni sir.

Opps, napaatras ako ng konti mali ata pagpasok ko dapat kumatok muna ako.

May kausap si sir magandang babae nakatalikod ito hahakbang na sana ako para lumabas pero....

"Stay" sambit ni sir at nakatingin na pala sila sa akin.

"Sorry for interrupting your discussion ma'am/sir" ngunit nagsenyales ang babae na its okay at nilapitan niya ako.

"Hi, I'm Emily Zefarda, Xavier sister. You can call me Old Sis" at nagpacute pa sa akin hindi lang iyun at lumingkis pa sa akin.

Na estatwa ako dahil bakit feeling close ito. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya hello... kapatid siya ng may ari noh baka mamarites na naman ako.

"Hey, you will be my friend hahaha don't worry di ako nangangain hahaha (only my brother /*pabulong)" wika niya na parang may sinabi pa siya pero di ko narinig at feel ko may pilyo itong naisip.

Naiilang na nga ko sa tingin ni sir at lalo na sa Old Sis niya. Sila yung tipong hindi ka makatanggi. Si sir na nakakatakot at pamistery at si ma'am na mukhang mabait pero masama magalit.

Help me lord. Masyado silang macharm.

"Why are you here Old Sis?" tila nababagot na wika ni sir at tinignan ang watch niya.

"I have a meeting at 9 so I can't accompany you"

"It's okay my brother, she will accompany me" at tinuro ba naman ako ni Ma'am Emily. Ngunit umiling si sir.

"She'll come with me in my meeting" at pahakbang na lumapit sa amin at akmang hahawakan na ako ni sir ngunit pumwesto sa harapan ko si Ma'am na hinarang niya ang sarili niya kay sir.

"No, she's my date for today bye bro" at hinila niya na ako ako palabas.

Lumingon pa ako at nakitang mukhang nainis ito sa inasal ng kapatid niya. Pumasok na yung secretary niya at mukhang kailangan niya na pumunta sa meeting.

Sumabay na lang ako sa agos ng hangin habang hila-hila niya ako.

Nasa kotse na kami at nakakapit talaga ako ng mabuti dahil ang bilis niya magpatakbo ano ito? may karera? hayst puso ko maygosh!

So sabi niya kapag kami lang daw na dalawa o kesyo trip niya kung san man daw kami wag ko daw siya tawaging ma'am, Old Sis na lang kundi ipapakasal niya daw ako mismo sa kapatid niya. Like what the hell.... kaya mapilit siya kaya umuo na lang ako. Kesa ireto pa ako sa kapatid niya.

The EncounterWhere stories live. Discover now