Chapter 6

5 1 2
                                    


Makalipas ang tatlong araw nilang pagpunta sa iba't ibang lugar ay sa studio naman ulit ang taping ginanap. Abala na sila sa pag aayos ng mga isusuot ni Brandy nang may kumatok.

"Sir Nixon napadalaw ka." Sabi ni Jayjay.

Kinabahan siya nang muling marinig ang pangalan ng binata. Imbes na lumingon ay lihim lang siyang tumingin sa salamin sa harap ni Brandy. Nakapikit kasi ito at nagna-nap habang inaayusan niya. Nakita niyang may dala itong mga bulaklak, at obvious na para iyon kay Brandy. Kaya imbes bigyan ng pansin ang sariling damdamin na kahit papaano ay nakakaramdam ng selos sa dalawa ay inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aayos kay Brandy. Kung hindi lang niya ito amo at kaibigan na rin ay malamang pinapangit niya ito para makabawi siya kahit papaano sa pagpapaselos na ginagawa nito sa kanya kahit hindi niya alam kung may dapat siyang ikaselos sa dalawang ito. Kaibigan niya si Brandy. Kahit papaano ay malaki ang naitulong nito sakanya lalo na noong naguumpisa pa lamang siya. Mabilis kasing napalapit ang loob nito sakanya noong nag uumpisa pa lamang siya bilang make up artist. Kapag wala namang show si Brandy ay talgang hinahanapan siya nito ng raket para may gawin siya at hindi siya mabakante. Kaya kung sakaling magkakatuluyan man si Brandy at si Nixon ay magiging masaya na lamang siya sa kaibigan. Nalungkot siya sa naisip niyang iyon ngunit sino ba naman siya para magustuhan ng isang sikat at mayamang architect na si Nixon.

"Napadaan lang ako para ibigay sana ito kay Brandy." Napatingin siya sa salamin kung saan nagrereflect roon ang anyo ng binata. Napataas ang kilay niya nang makitang sakanya ito nakatingin kahit sinasabing ang mga bulaklak na iyon ay para kay Brandy. Una siyang nagbawi ng tingin. Bahagya niyang niyugyog ang balikat ni Brandy upang gisingin. Nasanay na kasi itong matulog nang nakaupo dahil sa busy nitong schedule at kaliwat kanang hostings.

"Hi Nix! Miss mo ko agad?" sabi ni Brandy na hindi na nilingon si Nixon at sa salamin na lang tumingin para makita ang reflection ng binata dahil hindi siya pwedeng lumingon dahil inaayos ni Steffi ang buhok niya.

"Ah..." Napakamot si Nixon nang lingunin niya ito at hintayin ang isasagot sa tanong ni Brandy.

"Oo namiss kita agad." Sa kanya ito muli tumingin. Inisip na lang niya na baka nag aalangan ito na naroon siya. Lumabas kasi sandali si Jayjay. Sorry na lang sila dahil hindi niya ito mabibigyan ng privacy dahil nga kailangan niyang tapusin ang hair and make up ni Brandy. 45 minutes na lang kasi ay mag uumpisa na ang kanilang taping.

"Yayayain mo ba akong kumain after nito?" tanong ni Brandy na mukhang excited na matapos na ang taping.

"O- Oo sana. Kaso mukhang matagal pa ang taping ninyo."

"Isang oras lang naman toh."

"Ah ok. Anyway wala akong gagawin ngayon kaya makikinood na rin sana ako ng show mo kung pwede."

"Siyempre naman. Naging guest ka kaya namin noong unang episode kaya malakas ka sa show na ito." Bahagya pang hinampas ni Brandy ang braso ng binata.

Nang mag umpisa ang taping ay naupo lang siya sa sulok at pinanood ang ginagawa ni Brandy. Hindi niya namalayan na nakaupo na sa tabi niya si Nixon.

"Hay sa wakas nasolo rin kita." Nagulat pa siya nang marinig itong magsalita. Masikip kasi ang spot na napili niyang pwestuhan kaya halos magkadikit na ang braso nila. Kinilabutan tuloy siya nang muling madikit rito. Naalala niya noong unang beses na magkadikit sila ay tuwalya lamang ang kaniyang tanging saplot at kakapirasong tela rin ang saplot ni Nixon noon. Bahagya tuloy siyang napaatras at hindi iyon nakaligtas sa binata.

"Iniiwasan mo ba ako?" umpisa nito.

"Hindi naman. Baka kasi makita tayo ni Brandy magselos siya." Matapos sabihin iyon ay muli niyang binalingan ang nagtatping na mga artista sa unahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why Do I love You?  (Steffi)Where stories live. Discover now