Chapter 2

33 2 0
                                    


Narinig ni Nixon ang tunog ng nawasa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Narinig ni Nixon ang tunog ng nawasa. Tiningnan niya kung saan iyon nagmula. Nakita niya ang butas butas na bubong ng katabing bahay nila. May nakita siyang tila naliligo. Mataman siyang napamasid sa babaeng nagbubuhos ng tubig sa katawan. Kahit ayaw niya nang pagmasdan ito ay hindi niya naman magawang umalis at iiwas ang tingin sa dalagitang naliligo. Nang tumingala ito upang maghilod sa leeg ay namukhaan niya ito.

Isa siya doon sa mga babaeng nasa harap nila ng mesa noong umattend siya sa La Famosa. Naalala niya tuloy ang grupo ng mga dalagitang naroon na halos pare-pareho ang damit. Nakuha ng mga ito ang atensiyon nilang magkakaibigan dahil nga kaharap lamang nila ng mesa ang mga ito.

"Taga rito siya?" napakunot ang noo niya. Ang buong akala niya kasi ay mayayaman ang mga bisita kahapon ng Tito Max at Aunthie Mathilda ni Gemrald. Tila nacurious tuloy siya kung bakit naroon ang dalagita sa Famosong village na iyon.

Isinabit ni Steffi ang damit na hinubad sa nakausling pako sa pinto ng kanilang banyo. Pinabuhusan niya na ang baldeng tubig para makapag ipon na iyon ng tubig. Sarap na sarap siya sa pagligo. Napapikit siya nang hiluran niya ang kanyang leeg gamit ang batong napulot ng nanay niya noong may nagtambak ng graba sa katabi nilang nagpapatrabaho ng bahay. Maganda raw kasing ihilod ang batong iyon, at mukhang tama nga ang nanay niya. Pakiramdam niya ay nalilinis ang katawan niya gamit ang batong iyon. Bigla niyang naisipang dumilat habang nakatingala. Isang mala anghel na tila galing sa langit at tinatanaw siya mula sa bubong ng kapitbahay. Isang anghel na dumapo sa bubong upang pagmasdan siya ng mga oras na iyon. Mestisuhin ito at may maamong mukha. Hindi agad siya nakapag react dahil akala niya ay nananaginip siya dahil kakadilat niya lang. Narealize niyang naliligo nga pala siya nang mga oras na iyon at wala siya ni isang saplot. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na tila nataranta siya sa mga nangyayari. Nakita niyang ngumiti ang lalaking nakatanaw sa kanya sa itaas. Dali daling dinampot ang tuwalya at nagtatakbong lumapit sa nanay niya na nasa hapagkainan kasama si Axel. Naghihiwa pa rin ang dalawa ng isasahog sa ginataan mamaya.

"Nay! Nay!" naiiyak niyang sabi

"Oh bakit ano'ng nagyari? May nakita ka 'bang ahas sa banyo? Bakit may sabon pa ang katawan mo nakatuwalya ka na agad? Nawalan ba ng tubig?" Nalilitong sabi nito.

"Nay! nay!" wala siyang ibang masabi. Pakiramdam niya ay narape siya, nabusohan at pinag-interesan ang kanyang murang katawan. Nanlalabo na ang kanyang mga mata. Hindi niya mapigilang mapaiyak.

"Ate ano'ng nangyari?! Na rape ka ba? Bakit pulang pula ang mukha mo?" natigilan sa paghiwa si Axel

"Nay!" nagpapadyak na sabi niya habang mahigpit na nakahawak sa tuwalyang tanging tumatakip sa katawan niya.

"Ano nga?! Axel, tingnan mo kung ano'ng meron sa banyo? Baka natuklaw ng ahas ang kapatid mo bilis. Dalhin mo iyang kutsilyo. Kapag may ahas ay tagain mo agad." Natatarantang sabi ng nanay niya. Patuloy siya sa pag-iyak.

Why Do I love You?  (Steffi)Where stories live. Discover now