Chapter 3

20 0 0
                                    



Nang sumunod na araw ay napag-utusan sila ng nanay nila na maningil sa kabarangay nila. Nagpaluto kasi iyon ng palabok sa nanay nila at ngayon raw makukuha ang bayad. Wala nang nagawa si Steffi nang piliin ni Axel ang daanan kung saan mapapadaan sila sa bahay na nasa likod nila. Inilugay niya ang buhok at sinadyang itakip sa mukha niya. Napaparanoid na siya baka kasi makasalubong niya ang lalaking nakasilip sa kanya.

"Bakit ba kasi kailangan magpasama ka pa sa akin?" nayayamot niyang sabi.

"Sabi ni Nanay sumama ka kasi raw baka bawasan ko 'yung bayad ng sisingilin natin."sagot ng kapatid niyang si Axel na tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Bilisan na natin baka makita pa natin yung..."nakayuko siya habang nagsasalita at patuloy sa pagsunod sa kapatid niya.

"Uy ate si Mr. Pink nasa tapat ng bahay nila oh, lapitan natin mabait iyan." Excited na sabi ng kapatid niya.

"Huwag na nagmamadali tayo ano ba!." Hinatak siya ni Axel. Mas matangkad pa kasi ang kapatid niyang ito sa kanya. 5'4 siya at ito naman ay 5'6 na kahit high school pa lamang. Sabi nga ng nanay nila ay may itatangkad pa raw ito.

"Hi kuya Nixon! ano po ang ginagawa ninyo?" tumayo ang binata mula sa pag aayos ng tanim sa nilalandscape sa tapat ng bahay.

"Inaayos ko ang design ng landscape, hindi ko kasi nagustuhan. Architect kasi ako kaya may background din ako sa ganito." Nakangiting sabi ni Nixon tapos ay binalingan ang.babaeng kasama ni Axel na nakatalikod sa kanya. Tila sadya ring nagtatago ito sa buhok na nakatakip sa mukha nito. Sa tantiya niya ay ito yung babaeng naliligo sa banyo na nakita niya.

"Siya ba ang ate mo?"nakatingin siya sa dalagita kahit si Axel ang kausap.

Naku lagot na. Pinapawisang sabi ni Steffi. Kinikilabutan siya sa boses nito kahit hindi niya alam kung bakit.

"Opo siya po pala si ate Steffi."

"Hi! Steffi nice to meet you. Hindi na ako makikipagkamay madumi kasi ang kamay ko." Sabi ni Nixon. Gusto niyang humarap ito para makita niyang muli ang mala anghel na mukha nito.

"Naku, kuya ok lang nextime mo na lang siya kamayan kapag hindi na siya nahihiya, ayaw humarap eh." Pinandilatan ni Steffi ang kapatid na hinahawi ang buhok niya sa mukha na pilit naman niyang ibinabalik para magtago sa binata.

"Pasensiya ka na nga pala sa nagyari kahapon." Tila mabibigo si Nixon na muling makita ang mukha ng dalaga.

Hindi sumagot si Steffi. Lalo pa siyang yumuko.

"Tara na Axel!" pabulong at pigil sa pagsasalitang sabi ni Steffi.

"Sige po kuya, mauna na po kami."sabi ni Axel habang hatak hatak ng kanyang ate.

"Sige." Binalingan niya ulit ang dalagitang hiyang hiya sakanya. Napailing siyang nang maalalang marahil ay naghihiya ito dahil sa nakita niya ang murang katawan nito. Hindi niya tuloy maisawasang isipin ang nakita niya noong nagdaang araw.

"Hindi ko talaga maintindihan itong si Ate, 'Nay. Panay ang iwas kay Mr. Pink." Sumbong ni Axel sa nanay nila nang makauwi sila.

"Bakit naman anak? Mabait naman ang batang iyon ah."

"Ayoko po 'nay, Hindi ninyo ako naiintindihan. Katawan ko ang nasilipan kaya may karapatan akong mahiya at iwasan siya." Nagkatinginan na lang si Axel ang kanyang nanay.

"Hayaan niyo na po iyan si Ate nay' Makakalimot rin ho iyan, at isa pa nagbabakasyon lang si Mr. Pink rito. Maaring hindi na siya ulit makita ni ate." Sabi ni Axel.

Why Do I love You?  (Steffi)Where stories live. Discover now