Chapter 5

26 0 0
                                    


Kagaya nang mga nakaraang pangyayaring kahiya-hiya sa kanya sa harap ni Mr. Pink ay pilit na lamang niyang kinalimutan ang mga iyon at mamuhay ng normal. Tutal ay hindi niya naman nakikita si Mr. Pink araw araw. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang makita niya si Nixon sa bahay nina Catalie. Naging abala na siya sa trabaho. Isang buwan makalipas ang kasal ni Catalie ay ginanap naman ang engagement party ni Phoebe sa restaurant ng kanyang kaibigang si Sabine. At isang linggo mula ngayon ay ikakasal na si Phoebe kay Nathaniel. Alam niyang may posibilidad na makita niya muli si Nixon dahil balita niya ay magkakaibigan sina Nixon, Gemrald at Nathaniel.

Mag-isa lang siyang kumuha ng pagkain sa mesa. Buffet style kasi ang kainan sa reception ng kasal ni Phoebe. Akmang titingin sa gawi ng mga kaibigan niya si Steffi ay biglang nakita niya si Nixon na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng pagkain. Sa gilid ng mga mata niya ay alam niyang nasa tabi lang niya ito at kumukuha rin ng makakain.

"Hi!" narinig niyang sabi nito kaya napilitan siyang mag angat ng tingin.

"Hi!" bati niya tapos ay muli siyang namili ng makakain. Hindi niya magawang umakto ng normal lalo na at kahiya hiya ang mga unang naging pagtatagpo nila. Well, sa part lang niya siguro ang nakakahiya. Kulang nalang ay damputin niya ang isang flower vase na malapit sa kanya at itakip iyon sa mukha niya.

"Steffi ang pangalan mo di ba?' sabi ni Nixon na nakatayo pa rin sa tabi niya habang siya ay abala sa pagyoko at pilit na pagtatago ng kanyang mukha sa binata.

"O-oo. Natatandaan mo pa pala." Sabi ni Steffi sa pilit iniiwas ang tingin. Lahat ng kayang niyang madampot sa mesa ay inilalagay niya sa kanyang plato. Hindi niya na rin namalayang halos ibuhos na niya sa plato niya ang sauce na nakalagay sa platito sa gitna ng mesa. Dahil doon ay lalo niyang nakuha ang atensiyon ni Nixon at kunot noo na siyang pinagmamasdan.

"Sino ba ang makakalimot sa kagaya mo? Lalo na't memorable ang naging mga una nating pagkikita." Sabi nito na sakanya nakatingin. Napakagat na lamang siya ng labi. Alam na niya ang tinutukoy nito.

Natigilan siya sa ginagawang paghahakot ng pagkain. Six years ago rin ng una siyang makitang walang saplot ng binatang ito.

"Makakaya mo ba'ng ubusin iyan?" inginuso nito ang hawak hawak niyang plato na kabundok na ang pagkain.

Nanlalaki ang mga mata niya nang makita niyang nagkahalo halo na lahat ng putahe sa platong hawak niya. Nagmukha itong kakaning baboy. Nakaramdam siya ng hiya, sa sobrang pagpipilit niyang abalahin ang sarili para makaiwas sa binata ay lalo siyang napahiya. Baka kasi akalain nito na grabe siyang lumamon sa dami ng kinuha niya. Napakagat na lamang siya ng labi imbes na sumagot sa binata. Ngumiti ito sa kanya.

"Ako si Nixon. Ngayon lang ako nakapagpakilala. Dati kasi ay palagi mo akong iniiwasan. Mabuti nga at nakaharap kita ng matagal tagal." Naglahad ito ng palad para kamayan siya.

Kung alam mo lang. Gusto ko nang kumaripas ng takbo, kung hindi ka nakaharang sa harap ko! Nais sana niyang isatinig iyon.

Ibinaba niya ang hawak niyang plato at inabot ang kamay ng binata. Wala na siyang magagawa ngayon kundi harapin ito. Mahigpit ang ginawang paghawak na iyon ni Nixon sa kamay niya. Tila alam nitong anumang oras ay aalis siya at mawawala siya sa paningin nito. Tila kinakabisado pa nito ang bawat anggulo ng kanyang mukha at tila aliw na aliw pa ito sa kanya kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya.

"Ahmm, you can let go of my hand now." Sabi niya na pilit binawi ang kamay sa binata.

"Oops sorry." Napakamot ito ng batok.

Why Do I love You?  (Steffi)Where stories live. Discover now