QUINCE

112 12 0
                                    

"Iba talaga si kuya oh! May trabaho na, may asawa pa!" magkahalong bati at asar sa akin ni Phen habang bumababa kami ng hagdan. Kinwento ko kasi sa kanya ano kinahinatnan ng interview ko kahapon. Nakalikutan ko na nga lang sabihin kila Tatay dahil sa pagdating nila Mateo dito sa bahay namin.

"Ungas! Asawa ka d'yan! Hindi naman official 'yon."

"Ganuon na din 'yon kapag na-inlove iyon sa iyo."

"Asa ka namang ma-inlove sa akin iyon eh straight iyon at mukhang subsob sa kung ano mang kinabu-busyhan niya."

"Ano ba kinabu-busyhan niya? Thou mukhang CEO mga datingan niya for me."

"Eh baka iyon nga. Baka busy magpatakbo ng kompanya niya. Usually walang time sa pamilya ang mga ganuon. Ayaw ko naman kung mag asawa ako walang time sa akin at mas lalo na ang umuwi ng bahay."

"Ayiie, eh di nadulas ka rin. So, iniisip mo na baka may chance na maging kayo nga sooner or later? I support, para naman hindi ka na malungkot na single ka."

"Ewan ko sa'yo, Phen." ang nasabi ko nalang pero tama naman si bunso. Sumagi din sa isip ko 'yung tungkol sa bagay na iyon kagabi kahit na suntok sa buwan eh hindi ibig sabihin impossibleng mangyari. Paano ko nasabi? Eh bakla-tomboy nga nagkaka inlovean, nagiging mag asawa, iyon pa kayang ma-fall ka sa straight or vise versa?

"Gandang umaga, Tay!" bati ni Phen kay Tatay na karga-karga si Bon at niyakap ito na siyang tinugunan naman ni Tatay. Si Ate naman busy maghain ng almusal namin.

"Gandang buhay, Tay!" hindi ko papatalong bati at gigil na niyakap sina Tatay at Bon. Hindi pa sana ako titigil kaso sinambunutan ako ng pamangkin ko eh. Sakit ah! Mali yata gising nitong isang ito. Sungit eh.

"Ate oh! Si Bon!" sumbong ko.

"Ang bulahaw mo kasi." asar nito sa akin.

"Salamat sa pagpapakita ng concern sa akin bilang kapatid." tugon ko dito pabalik na siyang kinatawa nila Tatay.

Saka ko lang narealized na ang daming nakahain sa hapag. Anong meron? Mukha namang hindi ito yung mga tira kagabi sa dala nila Mateo.

"Congratulations, 'nak!" bati ni Tatay ng siguro napansin niya na mukha akong timang na nakatingin sa mga nakahain sa lamesa.

"Congratulations, kapatid sa pananampalataya!" segunda ni Ate.

"Hindi na kita babatiin tama na yung bati ko kanina!" mataray ngunit nakangiti na sabi ni Phen.

Si Bon ayun, palakpak lang ang ginawa at mukhang hindi pa niya nafu-fully grasp ang nangyayari kaya ang cute niyang tignan.

"Luh, paano ninyo nalaman eh si Phen palang sinabihan ko ngayong umaga?"

"So natanggap ka nga?" gulat na tanong ni Ate.

"O--"

"Malamang. Iyan pa ba? Dugong Martinez 'yan eh!" sabat ni Phen.

"Ay shuta! Well, alam ko namang makukuha ka pero hindi ko pa rin inexpect paano naman kasi itong si Tatay sabi matanggap ka or hindi, maghahanda pa rin para i-congratulate ka sa milestone mo sa buhay na na-experience mong ma-job interview." talak ni Ate.

"Talaga ba?" tanong ko. Na-touch naman ako sa narinig at agad na tumingin kay Tatay na siyang tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Ate.

"I love you, Tatay!" sabi ko at niyakap siya ng umiiyak. Okay, sige na. Ako na crybaby pero kasi, 'di ba kayo mata-touch kapag ginawa sa inyo ito ng magulang ninyo? Like, uhuhu! Si Tatay talaga oh!

"Pahalagahan mo 'yang binigay sa iyo na trabaho. Hindi lahat nagkakaruon ng ganyan opportunity. Mag ipon ka. Gamitin mo iyan bilang foundation mo kapag nagsimula ka na ulit mag-aral at higit sa lahat para hindi ka umasa sa ibang tao lalo na kay Mateo kahit na mayaman siya. Ipakita mo sa kanya na kaya mo sarili mo kahit wala siya o ang pera niya, maliwanag ba?"

THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)Where stories live. Discover now