VEINTITRÉS

92 13 3
                                    

"Oh Phen bakit ang dusing nito ni Bon? Hindi pa ba ito nakaligo?" tanong ko pagkapasok ko ng bahay at agad na kinarga ang nakatayo kong pamangkin sa tabi ko at hinihintay akong matanggal ang sapatos at medyas ko.

"Oo. Papaliguan ko pa nga lang siya. Tinatapos ko lang itong pini prito ko." sigaw nito mula sa kusina.

Huh? Kailan pa siya natutong mag prito? Agad naming pinuntahan si Phen because let me get one thing straight, hindi marunong magluto ang bunso namin!

And true enough papasok palang kami ng kusina, sinalubong na kami agad ng usok at tunog ng tatalsikang mantika. Kasunod nu'n ay sigaw ni Phen.

"Kuya!" sabay takbo nito sa akin. Not only nakuha ng kapatid ko ang buong atensyon ko dahil sa nakabalot na twalya sa buong katawan niya, nakita ko 'yung unang set ng isda na pinrito niya na lasug-lasog at mukhang nasunog pa 'yung gilid. Jusmiyo!

Agad itong yumakap sa akin. Takut na takot paano ba naman, ang lakas ding mang asar ng nantika sa kanya parang paputok na piccolo kung tumunog habang si Bon ewan ko ba dito, other people's misery is her happiness ang peg. Tawang-tawa sa nangyayari.

"Tanggalin mo nga 'yan. Ang init-init saka hindi ka naman maliligo nakabalot ka n'yan," sabi ko at binaba si Bon para kunin 'yung twalya sa kanya.

"Eeii!" tantruns nito pero hindi ko nalang pinansin.

"Oh anong araw ba ngayon at hindi ka pa nagpalit ng damit mo? Naka uniform ka pa pati. At saka bakit ikaw nagluluto? Nasaan si Ate? Siya ba bantay ngayon sa pantry? Eh kung ganuon, nasaan si Tatay? Angas ah, pinayagan ka niya magprito?" pangaasar ko.

"Kakauwi ko lang din halos. May tinatapos akong project, kuya. Pagdating ko nga akala ko nakaluto na eh kaso nilalagnat si Ate. Si Tatay naman pauwi palang. Hindi daw muna siya magtinda. Dadaan lang din siya sabi niya sa botika."

"Wala ka bang ibang gagawin after nito?"

"Meron. May activity pa ako na bukas na pasahan," nakanguso niyang sagot. Para na nga siyang maiiyak eh.

Agad kong ginulo ng buhok nito, "Sige na. Ako na bahala. Gawin mo na 'yung gagawin mo."

"Eh paano si Bon?"

"Ako na din. Sige na. Umakyat ka na dun. Tawagin nalang kita kapag kakain na."

Napabuntung-hininga ako. Pagod ako ngayong araw pero alam kong mas pagod si Tatay at si Ate kesa sa amin.

Pinatay ko 'yung kalan at inalis yung isdang nakalagay para maisantabi ko muna 'yung mantika at malinis yung kawali. Nagdikitan na kasi 'yung nasunog na balat ng isda sa unang sinalang ni Phen.

After nu'n, isinalang ko na 'yung isda kanina para maprito ng maayos habang yung naunang lasug-lasog pinapak nalang namin ni Bon excluding 'yung may sunog na part. Tinapon ko iyon syempre. Magka cancer pa kami duon.

Hininaan ko muna 'yung apoy ng pinprito ko para mapaliguan ko na si Bon. Mahirap na, mamaya may dumating na bisita makita pa siyang madusing.

After kong mabilisan na paliguan si Bon at mabihisan, bumalik ako sa niluluto ko at nagsalang ng lulutuing kanin para gawing lugaw para kay Ate.

Sinilip ko saglit si Bon at nakitang abala siya sa panunuod ng Oggy and the Cockroaches. Humahagikhik pa nga.

Nagdecide akong umakyat sa kwarto para silipin si Phen at sobrang subsob nito sa ginagawa niyang activity. Napangiti ako. Sipag talaga. Sunod kong chineck si Ate at ang lalim ng tulog nito habang may nakadikit na kool fever sa nuo niya. Natawa ako sa isip ko. Naalala ko ng unang i-introduce sa amin ni Phen 'yan at gamitin kay Tatay ng magkasakit ito ayaw ni Ate dahil para daw may sticker sa ulo si Tatay. Malamang si Phen din naglagay n'yan sa nuo niya kasi may lampin na nakasampay sa gilid eh.

THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)Where stories live. Discover now