TREINTA Y OCHO

101 11 5
                                    

"Saan tayo pupunta, Ni?" tanong ko kay Mateo habang naka indian sit ako sa pwesto ko dito sa kotse niya pero sabi niya sa akin kanina kotse daw namin. Ewan ko ba dito paano naging amin ito eh siya naman bumili dito passenger princess niya lang ako este prince. 

And yes, shinorten ko na 'yung tawag ko sa kanya. Ang haba kasi bukod sa nakakabulol. 

Nagpatulong din ako kay Tatay kanina ng nagmessage ako sa kanya personally sa messenger kung ano 'yung meaning ng dati naming kapit-bahay na mag asawa at nagulat ako sa naging sagot niya.

Cebuano word daw iyon na ang ibig sabihin ay my beloved. Nagulat nga siya sa akin dahil natandaan ko pa daw iyon given na siya nga hindi niya agad natandaan ng pinaalala ko. 

So okay naman pala. Hindi naman pala bastos or masamang word 'yung nabanggit ko kagabi. Buti nalang. Pinagpapala pa rin ako ng universe. At buti nalang din hindi naman nag violent reaction 'tong isa ng shinort form ko nalang 'yung tawag ko sa kanya. 

Nakangiting aso nga lang siya mula ng pag gising naming dalawa. Bangung-bango siguro sa akin ito kagabi. Paano ba naman naging little spoon si mokong at ako ang naging big spoon eh kalaki-laking tao niya eh! Hindi ba dapat ako 'yung small spoon? 

"Later you'll find out," maiksing sagot lang nito sa akin. Napanguso ako. May pa thrill pa talaga. Mamaya dalhin ako nito sa sementeryo tapos last day ko na pala dito sa earth. Hmmp!

Binelatan ko nalang siya at bumalik sa pinanunuod ko sa cellphone ko na anime. Buti nga hindi pa ako nilalait nitong si Mateo dahil sa trip kong panuorin. Eh anong magagawa ko? Minsan mas okay pang manuod ng ganito kesa telebabad na pare-parehas lang naman ang plot. 

Anyways, kung may interested man sa pinanunuod ko, nanunuod ako ng Asobi Asobase. Kanina pa nga ako tawa ng tawa dito kaya panay lingon din sa akin ni Mateo. Chine-check siguro kung kailangan na ba niya ako dalhin sa mental hospital. Ay teka, paano kung duon pala punta namin? Agad ko siyang nilingon para tarayan na sana kaso nagulat ako ng huminto kami sa isang coffee shop na matagal ko ng gustong pasukan kaso nahihiya ako kasi parang hindi siya gaya ng Starbucks na para sa lahat. Para kasing 'yung mga nandito talaga mayayaman. I don't know pero 'yun yung vibes na nakukuha. I'm sure may mga ganuon din kayong moments. 

"What do you want, Tesoro?" tanong niya sa akin habang naka pila kami. Buti naman at nakipila kami. Ayaw kong gumawa ng eksena dito dahil trip lang ng lalaking ito ang bumili ng kape. Alam ninyo 'yun? Typical rich and celebrity na galawan. Magcucut-off sa linya kesyo ganito ganyan tapos 'yung iba maiinis ng palihim, 'yung iba ivo-voice out 'yung hassle na cnreate ng bumili na dalawa lang ang pwedeng maging kahantungan— either hindi pansinin or pansinin at mauwi sa away. Kaya naman thankful ako at marunong pumila itong Mateo na ito. 

Nilibot ko 'yung tingin ko sa menu at ang daming choices! Malamang, marami. Coffee shop nga eh. Minsan ang labo din ng utak ko! 

"Hindi ko alam eh. Ano ba sa iyo?" unconsciously, at hindi ko rin alam kung bakit, nalingkis ko yung kamay ko sa braso niya. Hindi naman siya nagreact at nilapit ang mukha niya sa akin para marinig ko 'yung sasabihin niya kahit hindi naman kailangan kasi hindi naman ganuon ka-tao 'yung place pagdating namin. 

"Just a regular Brewed Dark Roast," 

"Uhm, ano bang masarap d'yan? Makakatulog pa ba ako n'yan mamayang gabi pag uminom ako ng mga nandyan sa menu?"

"Of course, Tesoro." tugon niya at saka inexplain sa akin ang bawat options na nasa menu. 

"Sige, yung Sinature French Vanilla nalang para safe, 'Ni." 

Pagdating namin sa tapat ng counter agad inorder ni Mateo 'yung mga drinks namin at nag-add pa siya ng baked goodies para sa akin. Baka daw kasi maghanap ako ng nguyain tapos wala, tapos siya pag initan ko. Take note, sinabi niya 'yan sa akin sa harap mismo ni ateng cashier na namumulang natatawa sa banat niya kaya sa inis ko kinurot ko. Ayun, tahimik siya agad eh. 

THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)Where stories live. Discover now