Chapter 4: The Recipe

2.8K 128 10
                                    

[Chapter 4]

"Paumanhin, Binibini..." Nahihiyang saad ng kasama ng lalaki at kaagad na dinaluhan ang kaibigan na ngayon ay nakahiga sa sahig.

Nagtatakang napatitig naman si Sarina sa lalaking nakahiga sa sahig. Lumuhod siya upang matitigan ito ng maayos. Sa hitsura nito ay hindi naman mukhang mayaman. Sa halip ay simple lang ang suot nito. Wala ring suot na alahas. Sa palagay niya ay kasali ito sa mga taong tinatawag na commoner. Gayun din ang kasama nito na pilit tinatapik ang kaibigan.

"Anong nangyari sa kaniya?" Saad ni Sarina at akmang hahawakan pa ang lalaki pero hindi niya naituloy dahil may kamay na biglang humawak sa kaniyang pulsuhan.

Napatingala siya. Si Miguel iyon na nakangusong nakatingin sa kaniya. "Baka iyong nakakalimutan na isang ginoo ang iyong nasa harapan," saad nito saka siya marahang hinila patayo.

Napatayo naman siya at napatitig nalang sa dalawa. Nagsisimula naring magdumugan ang mga tao kaya kaagad siyang hinila ni Miguel palayo roon, pero ang mga mata niya ay nakatingin parin sa dalawang lalaki.

"Alas, gumising ka! Nasa harap tayo ng maraming tao!" Rinig niyang sabi ng lalaking tumatakip sa pisngi ng binata.

Napangisi si Sarina nang marinig ang pangalan ng binatang nawalan ng malay. Hindi niya naman alam kung bakit iyon nahimatay pero alam niya sa kaniyang sarili na sa susunod na magkita sila ay pasasalamatan niya ito dahil ito lang naman ang nakapagbigay sa kaniya ng ideya kung paano magagawa ulit ang bagay na ginagawa niya sa panahon niya.

"Kanina pa namin kayo hinihintay, akala namin si Azrael ang pinagkukumpulan roon." Nakakahingang maluwag na sabi ni Cielo. Nawala kasi sa paningin niya si Azrael pagkapasok palang nila sa tindahan.

Si Diego naman ay kaagad na lumapit kay Azrael at sinuri ito. "Wala ka namang galos. Akala ko pa naman nadurog ka na doon."

"Azrael, mabuti nalang at nakita kita kung hindi ay siguradong nadamay ka pa roon," saad naman ni Miguel.

Nagkatinginan silang tatlo nang mapansing hindi kumikibo si Sarina at nanatili itong nakayuko. Kaagad silang nag-aalala at sinuri ang dalaga.

"Azrael, may problema ba?" Tanong ni Cielo.

Ngunit kaagad silang natigilan nang unti-unting gumalaw ang balikat ng dalaga na tila ito'y patagong humahagikhik. Hanggang sa mag-angat ito ng tingin at malakas na tumawa.

"BWA HA HA HA HA HA!" Ang tawa nito ay tila sinapian ng masamang spirito kaya kaagad silang nabahala.

Nakatingala pa ito. Ang ngisi nito ay nakakakilabot sa kanilang tatlo.

Kaagad namang lumapit si Diego sa pinsan at tinakpan ang bibig nito gamit ang malalaki niyang palad. Bukod sa ingay nito ay nakakakuha narin sila ng atensyon. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.

Wala namang pake si Sarina kahit na tintakpan ni Diego ang bibig niya. Nagpapapakawala parin siya ng malakas na tawa sa isip niya.

May plano na siya. And it's because of that man na nagpakalat ng balita na tatanggap ng mga bagong tagapagluto sa palasyo.

At dahil the best siya, hindi siya magpapahuli! Ngayon palang ay dapat maghanda na siya para makapag-apply!

"Azrael, ano bang nangyayari saiyo?" Natatakot na tanong ni Miguel. Nakahawak pa ito sa laylayan ng damit ni Cielo na ngayon ay nababahala rin sa inaasta ni Azrael.

Si Diego lang ang nagtangkang lumapit sa pinsan at tinangay ito patungo sa kanilang karuwahe habang hawak parin ang bibig nito. Siya ay natatakot rin, ngunit sino ba ang lalapit dito kundi siya lang? Ang dalawa niyang kapatid ay nagyayakapan na sa sulok dahil sa takot.

The Royal Chef (Silangan Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon