Chapter 42: Fact

1.3K 58 3
                                    

[Chapter 42]

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Sarina. Unang bumungad sa kaniyang paggising  ay ang matinding pagkirot ng kaniyang ulo at buong katawan. Tila pinupukpok ng martilyo ang kaniyang mga buto.

"Fudge," daing niya kasabay ng pagsapo niya sa kaniyang ulo at tagiliran.

Pilit at dahan-dahan siyang naupo sa matigas na kamang kaniyang hinihigaan.

Nang makaupo ng maayos ay tinitigan niya ng maayos ang kaniyang nasa harapan. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tuluyan nang naging malinaw ang mga bagay sa kaniyang paningin.

Kahoy na dingding at bubong na gawa sa anahaw.

Shet! Nahuli ba ako?!

Sa kabila ng kabang nararamdaman ay inilibot niya ang tingin sa buong silid na kaniyang kinaroroonan.

Walang ibang nakalagay sa silid na ito bukod sa maliit na kamang kaniyang inuupuan ngayon. Katabi nito ay mesang gawa sa kahoy at sa ibabaw ay maliit na plangganang gawa sa kahoy na may lamang tubig at tela. Hindi rin nakatakas sa kaniyang nga mata ang iba't ibang dahon sa tabi nito na sa hula niya ang mga halamang gamot.

Mariin siyang napalunok dulot ng kaba at kaguluhang nararamdaman ngayon.

Nahuli ba talaga? Pero bakit nila ako dinala rito instead of bringing me in the dungeon?

Napatingin siya sa kaniyang kamay. Malinis ito. Ang kaniyang braso naman ay may nakapulupot na puting telang nabahiran na ng sarili niyang dugo.

"I guess not," dahil kung sakaling nahuli nga siya ay imposibleng gagamutin siya ng nga kidnapper na 'yon.

Inangat niya ang suot na shirt na kulay kremang halatang hindi kaniya. Sa loob ng damit ay tumambad ang kaniyang tiyan na natatakpan ng nakapulupot na puting tela na kagaya ng nasa kaniyang braso ay may bahid din ng dugo.

Napahawak siya sa kaniyang ulo nang maramdaman ang mahigpit na bagay na nakatali rito.

Hindi nga siya nagkamali nang mahawakan na niya ang telang nakapulupot dito. Sa wari niya ay nagkaroon din siya ng sugat doon.

"I guess hindi ako na-kidnapped," thank God!

Iwinaksi niya ang kabang nararamdaman at pinili na lamang na suriin ang buong paligid.

Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na ito. Bago lamang ito sa kaniyang mga mata. Napatingin siya sa bintana ng maliit na silid na ito, ngunit kaagad din siyang napaiwas ng tingin ng makita itong sarado. Nalipat ang kaniyang mga mata sa lapag at tumambad sa kaniya ang sahig na gawa sa kawayan.

"Bahay kubo?" Bulong niya sa kaniyang sarili.

Sinubukan niyang bumaba, ngunit naging dahilan lamang iyon upang siya'y mapangiwi dulot ng kaniyang mga sugat.

"Damn..." Daing niya sabay sapo sa kaniyang tiyan.

Dahan-dahan siyang umayos ng upo. At nang tuluyan na niyang naibaba ang kaniyang mga paa sa sahig ay kaagad siyang nakahinga ng maluwag.

Napayuko siya at napatitig sa sahig. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang kaniyang kasama bago siya humantong sa ganitong sitwasyon.

"Fudge, si Tinoy!" Nag-aalala niyang saad kaabay nang pagsapo niya sa kaniyang ulo.

"Shit! Shit! Shit! I hope he's fine." Naiinis niyang pinagpapalo ang kaniyang hita.

Hindi niya halos mapapatawad ang sarili kung sakalang namatay nga si Tinoy dahil sa kaniya.

Please be fine, Tinoy... Pero damn! Paano siya magiging maayos sa estado niyang 'yon? He was beaten by those people that it feels like he's going to die.

The Royal Chef (Silangan Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon